Its How You Value People, tama?

August 18, 2011

“Kelan ka aalis?”

“Hindi ko alam. Basta malalaman mo na lang yun.”

“Teka, bat ka nga pala aalis?”

“Hmm. Alam mo yung feeling na wala ka ng value? Na gusto mong hanapin yung part na yun sa iba?”

“Hindi kita maintindihan, MB.”

“Ganito, alam mo yung feeling ng Tshirt sa Cabinet na dati dati palagi mong sinusuot at sinisama san ka man pumunta? Nong una, araw araw mo lang dinadaan daan sa Bench dahil may kataasan pa ang presyo tapos nong nakuha mo na palagi mo itong isinusuot dahil maganda ang fit sa katawan. Hanggang sa unti unti na tong naluluma at naging madalang mo na din suotin perhaps dahil hindi na din uso at luma na. Lumipas ang dalawang taon, kumuha ka din ng iba pang mga tshirt at tinabi don sa dati mong paboritong tshirt kaya kahit napapansin mo to mas pinipili mo ang ibang tshirt na suotin.”

“Bakit naman napasok Tshirt ko dito?”

“Ewan ko, palagi ko kasing nakikita yung tshirt na yun na dati naman palagi mong sinusuot at vinavalue.”

“Sinusuot ko pa rin naman.”

“Oo nga, pero ganon mo pa rin ba siya vinavalue kung itatabi mo sa iba pang mga tshirt mo?”“Ano bigla kang natahimik no?”

“Hindi naman siguro.” “Ang importante hindi ko ipinamimigay o inaalis yung tshirt na yun sa cabinet ko.”

“Yun nga eh, kahit hindi mo ipamigay, kahit hindi mo inaalis, mas lalo mo naman binabalewala.”

“Ganon ba yun?”

“Oo.”

“Pero MB, hindi ka naman t-shirt. Hindi naman tama na ihalintulad mo ang sarili mo sa isang bagay, dahil hindi naman kayo magkasing value.”

“Hindi ko naman inihahalintulad ang sarili ko sa isang bagay, binigyan ko lang ng analogy para mas lalo mong makuha.”

“Naiintindihan kita.”

“Kaya ikaw learn to value people lalo na yung importante sayo. You’ll never know kung kelan sila mawawala at kung mahahanap mo pa sila. One day, you’ll miss them badly para sa huli hindi mo pagsisihan na sana kung pinahalagahan ko lang sila at pinigilan ko siya dati.”

Tips on how to Value People
1. Spend your time with them.
2. Never leave them in their darkness hour.
3. Take time to listen.
4. Never neglect the power of constant communication.
5. Love them unconditionally.


Glitches & Drama

June 30, 2011

If pain is an option, I tell you all no one will choose it. –mb

Favorite kong topic ang pain at nostalgia. Dito kasi bumubuhos ang lahat ng emotions ko, kaya mas nakapagsusulat ang inyong lingkod. Ito rin kasi yung part nagiging totoo ako at lumalabas ang tunay kong pagkakakilanlan bilang tao sa likod ni MB.

Sa kasalukuyan, I’m in pain and there’s no shame in admitting it. Maybe it’s my fault, maybe it’s the situation pero I know I am accountable to all of these. I feel sorry because I had the situation pero hindi ko naanticipate lahat ng to na ganito magiging consequence at ganito kasakit.

Nong mga nakaraang linggo, pain came in with its sting. Nakakainis kasi walang kahit anong pain killer na naimbento para alisin ang sakit na nararamdaman ko. It’s killing me so much. I was hurt. She was hurt. He was hurt. We’re all hurt.

I wanted to say how sorry I am sa kanya because I failed to show kung gaano ko siya sobrang ka mahal that it led her to consulting her x. It pains me to know na instead of me. Tinatakbuhan niya si x whenever we encounter glitches.

But here I am, still holding on. Still hanging because ganon siya ka importante sa akin, ganon ko siya ka mahal. Alam kong mahal niya si ex at mahal din siya ni ex, pero mas mahal na mahal ko siya.

Sometimes, kahit gaano ka illogical and unreasonable ang mga bagay bagay minsan mas pinipili ng mga taong magpakabulag para indi nito maramdaman ang sakit. Lahat naman siguro, hindi agad agad bibitaw hanggang may nakikita siyang pag-asa. Pero mali ba yun? Mali ba na ganito ko mag mahal? Todo kon todo at kapag nagsaktan, wasak kong wasak?

Katulad ko, mas gusto kong paniwalaang maaari pa itong maayos at maisalba kaya ginagawa ko ang lahat ng paraan. It’s a battle I choose to win. So help me God.


Entang (Saranggola Blog Awards Entry)

October 3, 2010

189 Teresa Maria St. Brgy. Mauway, San Fernando City. Wala naman nagbago, simula pa lang ng limang taon ako palipat lipat na kami ng bahay. Ang sabi ni Papa para daw malapit kami sa kanyang trabaho. Nasanay na din kami ni Mama nong kalaunan, dahil developer daw si Papa at siya lamang ang pinagkakatiwalaan ng kanilang kompanya.

Sa aming paglipat lipat halos nakasampung bahay na ata kami. Iba ibang adres, iba’t ibang mga lugar at iba’t ibang mga kaibigan. Tatlong araw simula ng dumating kami sa aming bahay ay nakilala ko si Kuya Obet ng minsan tumambay ako sa parke para magpahangin.

Linapitan ako ni Kuya Obet dala ang isang saranggola. Kulay asul na may halong dilaw, may kalakihan at tinalian ng pisi na nakapuluput sa isang malaking lata. At saka nya ako yinayaya magpunta sa kabilang kalye.

Agad akong nakumbinse dahil na rin sa pagkahilig ko sa mga kakaibang bagay. Ang sabi ni Kuya Obet magaling daw siyang gumawa ng mga saranggola, hindi daw basta bastang plastic ang ginamit niya sa paggawa ng kanyang saranggola, SM na plastic daw ang pinakamatibay sa lahat, kaya yun ang ginagamit niya. Habang manipis na kawayan naman ang kanyang ipinangskeleton sa kanyang obra. Samahan mo pa ng kanyang sekretong pisi na ibinabad sa dinurog na bubog at pinatuyo. Panigurado daw lahat ng kanyang kalaban ay ma-eentang at mapuputulan ng tali.

Maya maya pa’y nakarating kami sa isang malawak na damuhan. Kasama ang mga iba pang nagpapalipad ng saranggola, pinahawak sa akin ni Kuya Obet ang saranggola at saka siya lumayo. Sa isang malakas na ihip ng hangin sinenyasan niya ako na bitawan ito. Biglang pumaitaas ang aming asul na saranggola. Sa ilang sunod sunod na ihip at hatak ng pisi ay pumalaot pa ito ng paitaas ng paitaas. Totoo ngang magaling gumawa si Kuya Obet ng saranggola.

Simula non nakasanayan ko na din sumama at magpalipad ng saranggola bawat hapon kasama sila Buboy, Dingdong at Kuya Utoy. Talaga nga masarap pagmasdan ang mga saranggolang aming pinalilipad sa malawak at bughaw na kalangitan. Mga saranggolang nakikipagtagisan sa malakas na ihip ng hangin. Para silang nagsasayaw sa pag – ikot ikot at pag pagaspas ng kanilang mga buntot. Maraming maraming saranggola. Makukulay, may pula, may berde, may puti, may stripes. Iba’t ibang desensyo may malaki, may maliit at may katamtaman. Habang pataas ng pataas paliit ng paliit ang mga ito. Nakakawala ng pagod pagmasdan habang nakahiga sa mayabong na damuhan.

“Ang saranggola para lang din isang kaibigan, kung gusto mong maabot nito ang langit, hayaan mo na kumawala ang pisi. Hayaan mong hagkan nito ang mga ulap, hayaan mo itong pumaitaas at magsayaw, pero kapag alanganin ng umentang. Wag kang mawawala, at tulungan mo itong pumaitaas muli.” “Mawala man sa iyong paningin, hindi mo man makita, basta wag mong bitawan ang pising nagkokonekta sa inyong dalawa.”

“Weh?” Pang – asar na sambit ko sa kanyang seryosong talumpati. “TOK!” isang malutong na kaltok ang inabot ko.

Nagdaan ang mga buwan, halos siguro nasa apatnapung saranggola ang aming nagawa, lahat yun nakipagtagisan sa iba pang mga kalaro at sa madalas sa madalas, panalo. Bawat panalo may pustahang pop cola at saka binatog. Solb na ang bawat hapon basta si kuya Obet ang nagpapalipad panigurado meron na akong libreng meryenda.

“Anak, ayusin mo na lahat ng gamit mo.” Alam ko na ang ibig sabihin non ni Papa alas singko ng huwebes pagkauwi ko. Alam ko wala akong karapatang umalma dahil napag usapan na namin to dati pa. Naiintindihan ko siya. Katulad nga ng sinabi ko kanina, wala din namang nagbago. Ang tanging nasabi ko na lang. “Kelan po tayo aalis?” “Sabado ng umaga.” Bigla akong nabingi sa tatlong salitang yun.

Kinahapunan ng sumunod na araw sa huling pagkakataon, pinuntuhan ko ang lugar kung saan kami nagtitipon tipon upang magsaranggola. Wala si Kuya Obet pati ang kanyang saranggola. Sa isip isip ko, baka nahuli lang siya o kaya inutusan ng kanyang Tito Bong, o kaya gumagawa ng panibagong saranggola.

Paano na ang aking saranggola? Makakapagpalipad din kaya ako? Maaabot din kaya nito ang mga ulap? Sa aking pagkayamot, sinubukan kung paliparin ang aking kaibigan. Hila, takbo hila, takbo, kaunting hanging pa, hanggang nakaangat ang aking saranggola. Awa ng Dyos, ito ay lumipad sa isang pang malakas na ihip ng hangin.

Pinagmasdan ko itong unti unting lumiit habang hinayaang hilain nito ang lahat ng aking nakarolyong pisi. Nagpa-ikot ikot, nagpatumbling tumbling sa ere, nakipagtagisan sa bawat hampas ng hangin. Biglang umihip ang isang malakas na hangin, kasabay ng pagtahimik ng mga kuliglig. Napigtal ang taling nagkokonekta sa akin at sa aking kaibigan.

Kawawang saranggola, hindi na nagawa pang lumaban pa. Malamang baka hindi na kami muling magkita pa. Pinagmasdan ko itong tangayin ng hangin na parang papel sa kalangitan, palayo ng palayo, paliit ng paliit. Sa isang iglap, tuluyan ng nawala sa aking paningin. Hinila ko ang pisi, sinundan, umaasang kahit papaano’y matutuntun ko kung san ito bumagsak. Sa huli wala akong nahita kaya inantay ko na lang lumubog ang araw sa itaas ng burol kasabay ng huling pag asang makapagpaalam sana sa aking kaibigang nagturo sa aking lumipad katulad ng mga saranggola
.

Kinabukasan, umalis kami ng maaga. Nalungkot ako non dahil kahit anino ni Kuya Obet ay hindi ko nakita. Tanging sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy lang at ang balitang linalagnat si Kuya Obet ang naghatid sa akin sa sasakyan.

Simula non wala na akong narinig na balita sa kanila katulad ng pising naiwan sa akin hindi ko na sila nagawang nakausap pa. Gusto ko pa sanang maglaro ng saranggola kasama sila, magpalipad at makipagtagisan sa paiba ibang ihip ng hangin.

Bukas pupunta ako ng San Fernando City para sa isang pagpupulong sa aming kompanya. Pagkatapos aking babalikan ang aming tinirahan dati pati na ang malawak na tambayan. Makita ko pa kaya sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy at si Kuya Obet? Makilala pa kaya nila ako? Bukas magdadala ako ng Nylon, Plastik na SM at saka istik ng kawayan. Bukas magpapalipad kami ng saranggola. At simula bukas hindi ko na hahayaang mapatid ang mga pisi.


Hiatus is actually my second name…

September 22, 2010

Sinong nagsabing apektado ko sa mga pinag aaward nyo sa akin!?
Mga pekeningsh*t tong mga to! Akala nyo naman matitinag ako sa
pagiging hiatus mode ko. Bakit? Kung gusto kong ipagdiwang araw
araw ang bertday ng mommy ko may magagawa ba kau? Bakit?
Akala nyo hindi makakarating mga kalokohan nyo sa akin?
MgaMOKAnyo!!! Akala nyo masaya ko sa award na natanggap ko.
Mga tae nyo!!! hahaha. Ang aadik nyo!

Guys, pasensya na kayo kung di ako makapag update all those months
na lumipas. Medyo nagpapakadalubhasa ako sa aking pinagtratrabuhan
ngayon para lang pag aralan ang mga pasikot sikot sa past due accounts.
Kaya pwede ba? Kung me mga utang kayo, pwede alagaan nyong mabuti?
At wag na kayong magpapastdue dahil mas dumadami ang trabaho ko.

Update update:
Sa ngayon, bukod sa pakikipagtitigan sa monitor ko sa office
araw araw, wala naman akong ibang pinagkakabalahan bukod
sa kumain all day long dahil sa sobrang dami ng pagkain. Last time
I remember mga nasa 118lbs lang ako pero ngayon my goodness,
I am over 140lbs. Anong sinabi ng mga baby fats ni Jason at ate Joyo?

As of this season of life,
I am enjoying my singol life, i work hard everyday but party harder
every weekend. Kaya naman. Tumaas din ang levels ng akin acidity
lately. Dahil na rin siguro sa madalas na pagkakape ng mga himported
na mga kapeng yun. Ang alam ko masarap talaga pag palageng libre!
:))

However, medyo naalarm ako kasi parang pumupurol utak ko.
Nagiging stagnant na nga ata ako, unlike my years on college na
ramdam na ramdam kong mas matalino ko sa mga taong nakapaligid
sa akin. Or yet baka dahil mas bihasa at magagaling ang mga
kasama ko sa mundong ginagalaw ko ngayon.

Maraming salamat legendary blogger Sir Anjong:
Men, You rock! ang taba talaga ng utak mo para maisip to.
Salamat din sa mga kaibigan kong ipinagkanulo ako
para mailoklok sa katanyagan ng pagiging hiatus.
Gayunpaman, maraming salamat at nagawa nyo pa din akong
mamiss kahit akala ko since bochog na ko, nakalimutan nyo
na din ang kamachohan ko.🙂 lol

Pero paramis this time dahil, me wake call na ko because of this
award, I would try my best to keep this blog updated. Tsk.
ME ARAW DIN KAYO!!! hhaha gaganti ko sa inyo!
Maraming Salamat for reminding me I have a blog.
Thanks.


Mahal Kita Walang Halong Bola =)

April 27, 2010

Pagbalik – baliktarin man ang mundo, hindi
pwedeng hindi mo maramdaman kung gaano kita kamahal. Sobrang natuwa ako nong una kitang makita – ikaw kasi ang unang nagparamdam sa akin ng word na LOVE. Kaya simula non talagang dinikitan na kita. Ahihihi.

Halos walang araw na lumilipas na hindi pwedeng hindi kita makita. Alam ko non dati pa love na love mo ko at love na love rin kita. Palagi tayong nagshashare sa baon ko kasi hindi ko maubos. Pero ok lang sa akin yun. Natutuwa nga ko pag sinusubuan mo ko kasi parating mas madaming ulam ang nakakain ko.

Tapos lagi mo pa kong yinayakap at lagi mo pa kong kinikiss kaya kinikiss din kita. Sa lahat yata ng babae na nakilala ko ikaw yung pinakasimple at pinakamabait. Para kasing wala ka ng kailangan pa at ako na lang ang palagi mong binibigyan.

Ang alam ko ilang beses din kita nasaktan simula nong magkakilala tayo, kasi naman napakachildish ko pa talaga non. Gayunpaman hindi ko alam kung ano bang magic meron ang pulang santan o kaya guamamela na palagi kong pinipitas palihim (baka kasi mahuli tayo ng prinsipal at hindi tayo pauwiin kaya sinusuksuk ko na lang ng maingat sa bulsa ko) at saka iaabot sa tricycle pag pauwi na tayo galing school.

Nagsisimula pa lang ang school year non at umuulan ng una kong maramdaman na maguilty dahil sa nagawa kong kalokohan. Signal no. 3 ata non, malakas ang buhos ng ulan pero linabhan mo parin yung damit natin habang ako naman adik sa game boy. Kaya naman nong nagpatulong ka sa akin hawakan ang pintuan hindi ko ito nahawakan mabuti at saka nadulas ka. Akala ko talaga hindi mo na ko papansinin non, akala ko aawayin mo ko, at akala ko ayaw mo na sa akin.

Yun yung unang beses na sobra kong naguilty sa nagawa ko sayo. Kahit na madalas tayong magtampuhan, ok lang sayo. Bakit nga ba? Pero nong minsan nagkatampuhan tayo, natakot talaga ko non, kasi sabi ko hindi kita papansinin at hindi kita iimikin kahit na maglambing ka pa. Pero sa huli ng hindi ko na kayang hindi mo ko kausapin nagpapansin na ko at sa isang SORRY napayakap na lang ako sayo at humagulgul na parang bata. Don ko na realize na hindi pala pwedeng hindi kita kausapin kasi kailangan kita. naks!

Kaya simula non hindi ko na inulit yun kahit na palage tayong nagkakantampuhan. Kaya naman ngayon malapit na iyong kaarawan! Hindi pwedeng hindi mo to mabasa. Hindi pwedeng hindi mo mareceive ang message ko. Mom I love you so much. I owe you everything. Mahal na mahal kita walang halong bola dahil mommy kita. Happy Birthday. Ikaw ang unang babae sa akin buhay. Naks. O tama na ang tears of joy, I want you to know kahit magkalayo tayo ngayon, still I will send you my hugs and kisses through this post.

Note: Guys, hulaan nyo kung ilang taon na ang mommy ko at may prize ang makasagot ng tama.🙂


Why You and I created Blog.

April 21, 2010

Paano kung isang araw napagod ka ng magsalita? Napagod ka makipag – usap? Perhaps napagod ka ng magpaliwanag? Kagagalitan ka kaya ng mundo? Bilib nga ako sa mga maralitang pilipino na patuloy kung magprotesta sa lansangan na ni katiting walang kasiguraduhan kung may nakikinig nga ba talaga sa kanila?

Ito ang aking istorya: Sinumulan ko ang blog na ‘to nong nakaraang taon, sa aking pagkakatanda nagsimula ako sa paggamit ng notepad. June pa lang ay nagsimula na kong magblog sa notepad, isang taon matapos magsi-alisan ang aking pamilya palipad ng ibang bansa, si kuya at ako na lang ang naiwan. Nawalan na ko ng kausap, hindi katulad dati palagi kong nakakakwentuhan sila. I first thought talking with wise people would really burn all my time, kasabay ng pagbubuno ko ng oras sa school at different extra curricular activities.

Having a constant conversation with wise men, of course, had gave me a lot of wisdom. But it didn’t last longer, akala ko pa nga, yun na ang final chapter ng kung anong pinasok ko, pero simula pa lang nong nagkaroon ng pagkakataon makapag ibang bayan, naging medyo disoriented na din ako.

Napakahaba ng 24 hours ko nong mga panahong yun to the point na realized ko na hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay anjan sila para sayo dahil meron din silang sariling mundong ginagalawan, meron pang ibang tao maliban sa iyo. I wanted to talk, I wanted to share everything, I wanted everyone to how I feel and let them hear my thoughts. I was demanding more time.

July, it became my frustration to talk to anyone, hanggang si Mr. Notepad na lang ang kinausap ko. Gusto kong punuin ang buong blankong isipan ni Notepad, na tipong lahat ng gusto kong sabihin ay mailagay ko sa kanya until one day, natutuo akong magbukas ng sariling blog, it took me atleast a month to understand and adapt sa aking nadiscover na mundo.

When i opened my blog, I found new friends in a very different dimension. Iba – iba meron, mabait, meron suplado, meron makulit, meron maganda, meron hunks, meron maliit, meron matalino, meron astig, merong emo, meron ding patawa. But all of them, I consider individually intelligent. At narealize ko hindi pala ko nag iisa. Madami pa rin palang taong mahilig makipag usap, madaming gustong magsalita at madaming gustong mapakinggan.

Madami din naman akong nakilalang mga blogger, nagkachat, nakipagkita sa mga eb, naging kaibigan, hanggang sa naging mga matatalik na kaibigan. Isa isa ko silang naging close at isa isa ko silang pinahalagahan. Ganun ako nakilala ng iba sa wordpress (ows!?).

Sabi nila weather weather lang yan, meron season na mabulaklak ka, meron din naman tagtuyot pero paano kung isang araw nagising ka at andon ka na sa part na kung saan lahat ng spice na meron ka naubos na. Tinanong ko ang isa kong kaibigan, sabi ko sa kanya karugtong ng pinakaunang paragraph.

“Paano kung isa akong vetsin, pero nawalan ako ng “umami” taste, matatawag mo pa rin ba akong vetsin?” “Paano kung ang lahat ng nabasa mo sa akin nung una kang mapadpad sa aking blog ay unti unti ng nawawala.” “Paano kung ako mismong blogger is slowly fading away would you still dare talk to me kahit na ang itinitipa na ng aking mga daliri ay walang kasense sense?”

Aminin na natin, kaya ko sinabing matalino ka! kasi ang gusto mong kausapin ay yung kapwa mo may sense kausap o kung hindi naman ay yung malalim. Hindi ba?

Pero ganon talaga? I guess, its not my season anymore at PATAWARIN mo ko kung sakaling nadismaya kita kung hindi mo ko nakakausap ng matino lately. I’m really so sorry. Pagpasensyahan mo na ko, hindi naman ako talaga writer, isa lang akong blogger na ngarap makakausap ng taong katulad mo iitindi at makikinig.

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA!!!

“I know some of you can read this message, I’m really so sorry! I guess ito talaga ako, fading to white.”

The Fray – How To Save A Life.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

Consider your children.

April 17, 2010

“You dont love someone because they’re perfect, you love them in spite of the fact that they’re not”

Isa na siguro ako sa mga blessed na tao, na maituturing pagdating sa pagkakaroon ng isang buo at magandang pamilya. I thank God for His grace because we were spared and covered from the system of this world.

Idol ko ang magulang ko sa pag tataguyod ng aming pamilya, bukod sa pinalaki nila kami ng maayos, hindi ko maikakaila na sila talaga ang sobrang nagtyaga sa amin. Tatlong taon ang tanda ni Mommy kay Daddy. Parehas silang taga norte kaya lumaki ako sa diningding at pinakbet. Kaya naman minsan hindi ako naniniwalang only opposite attracts at mas maganda kung parehas pasitib ang nagsama.

Binalot kami ng magulang namin ng sobrang pagmamahal. Habang lumalaki kami, ilang beses din kaming pinalo sa pwet, kinurot at tinitigan ng matalim ni mommy. Si mommy ang madalas magdisiplina sa amin, habang si daddy naman ang joker ng aming pamilya. Mahal na mahal ko silang dalawa.

Si kuya naman tumira sa aming lola, tuwing bakasyon lang namin siya nakikita at nakakalaro ni ate. College na siya nong lumipat siya dito sa maynila para mag-aral. Si ate ang paborito kong kalaro at kaibigan sa lahat. Halos ilang beses din kaming magbangayan nong bata kami dahil sa inggitan sa gamit sa school. Si ate ang palaging ng aangkin ng gamit ko lalo na pag napunta na sa kwarto nya. Ewan ko ba may kung anong hiwaga sa kwarto nya kapag napapasok ang lahat ng gamit ko don nagiging kanya. Pero kahit ganon mahal na mahal ko pa din silang dalawa.

Hindi naman kami lumaki sa fantasy, in fact we were so awared sa mga ngyayari sa paligid namin. Umiyak kaming dalawa ng pinsan kong si diane nong naghiwalay ang kanyang magulang. I also felt sorry nung malaman kung umalis ang nanay ni tots para iwan silang mag-ama. Sobrang nainis din ako sa mga tito kong nang babae at patuloy na nalulungkot sa mga kamag-anak kong nag-iisip ng maghiwalay na lamang.

What’s in the world today at parang napaka normal at nagiging trend na ang paghihiwalay. Is it enough reason to say na, you made a mistake na nagpakasal kayo at nagsama kayong dalawa to build a family only to ruin it in the end.

Ganon na ba kadali ang magtapon ng singsing? Nalulungkot ako sa mga batang naging biktima ng broken family. I saw diane growing up, even tots and some other friends who are part of a broken family and I tell you they were devastated sa mga ngyari at hindi malayong mangyari yun sa mga anak mo at magiging anak mo. Isa lang naman ang gusto kong sabihan sa post na to. Huwag na huwag kang makikipaghiwalay lalo na kung happiness lang ang dahilan mo para gawin mo yun.

Dahil kung gagawin mo yun kelangan may tatlong mabigat at valid reason ka na mabibigay sa akin bago mo gawin yun. Tatlo lang ang hinihingi ko, hindi apat, hindi lima. tatlo lang.

Sa tingin mo ano nga ba ang tatlong valid at heavy reason na yun para maghiwalay kayong mag-asawa? or ng magiging asawa mo?