Kampikampihan

 

Palage kong kinakausap ang sarili ko – sa lahat ng pagkakataon. Kinakilangan nagkakaintindihan kami ng sarili ko kung anu ang gagawin at kelan ito dapat tapusin, hanggang kelan kakayanin at anu ang magiging punishment or prize.

  

 

2639374309_ffd76a6af2Ganun ko tratuhin ang sarili ko – kapatid at kaibigan. Schizophrenic ba? Hindi naman siguro, sabi ng mga dalubhasa, mas magandang kinakausap ang sarili lalo na kung magdedecide o may mga nagagawa kang pagkakamali. Nakakatulong ito upang mabawasan ang tendency ng pagkakaroon ng nervous breakdown. <Ah. Ganun ba un?> Healthy pa nga daw yun!

  

 

Maaaring isa ito sa mga defense mechanism ko bukod sa kumain sa mga eat all you can na restaurant at lugawan sa PUP(na may tagline na “Mura na, Madumi pa.”). Sarap! Ito ang promotekta sa akin katinuan. Pwede kaming hindi magkasundo pero hindi kami pwedeng mag-away. Pwede ko siyang parusahan o kaya naman ay gantimpalaan. Ganun ko ka mahal ang sarili ko.

  

 

Naalala ko tuloy ang isang character sa HEROES, the best ang series na yun. Si Nikki o Jessica, na mayroon split personality. Si Nikki ang mapagmahal na ina at responsableng asawa at si Jessica na kanyang kakambal na kahit patay na ay alive pa rin sa sub conscious mind ni Nikki. Masaya ang twist ng storya, kapag may mga atratso si Nikki at may nagtatangkang kumawawa sa kanya ay saka lalabas ang persona ni Jessica na may extra super strength. Kasing lakas ni Superman ang ate mo na siyang pumapatay sa mga kaaway ni Nikki. The best no? Sa huli, bigla na lang magigising si Nikki na – all done na ang lahat ng trabaho – take note, naiburol na silang lahat.

3814122647_33428aeaeb_m

 

3814123787_01541e59bf_m3814120953_9e3222a7dc_m

  

 

Ayoko sanang sabihin na sana ganun na lang ang lahat ng taong tamad na katulad ko, na sa paggising mo ay malinis na ang bahay, nalabhan at plantsado na ang mga uniform, pati lahat ng plato ay nahugusan na. O kaya naman sa mga taong mahina ang loob at takot harapin ang kanilang problema, na bigla bigla na lang mahihimatay at lalabas ang matapang at optimistic nilang sarili para harapin ang hamon ng buhay. Naks! Syempre, walang ganun. Drawing lang yun!

 

 

Sabi ng leader ko magaling daw akong magmanipulate ng tao. Kaya siguro madami dami na rin akong nauuto kasama na ang sarili ko. Katulad ng paggising ng maagang maaga, hindi dahil sa klase kundi sa mga masasarap na pagkain pagkatapos ng klase. Paggawa ng thesis kapalit ng 1500 pesos worth shopping spree. At kung anu anu pang maisip kong pagpapasarap. Mababaw pero isa ito sa mga alam kung nakatulong sa akin para matapos ko ang dapat gawin at marating ang lugar kung nasaan man ako ngayon.

282778811_7742c53ec8

 

Minsan, ganun talaga there is always a child within us na pwedeng pakiusapan o kaya utuin. Minsan naman wala ka talagang choice, dahil wala kang ibang kakampi. Sa ganung paraan mas nakikilala mo ang sarili mo at nadidiscover mo ang mga natatagong potentials nito. Katulad ngayon, kaya ko palang magsulat ng ganitong blog.

 

32 Responses to Kampikampihan

  1. nobodysgurl says:

    some people call it the voice within…(ndi po un ung kanta ni Christina Aguilera ah..)🙂

  2. alasais says:

    blogging is good.

    -tenco

  3. machongbutiki says:

    alasais Says:

    Nobyembre 16, 2008 at 9:14 pm edit

    blogging is good.

    -tenco

    —- alasais says!! hinding hindi kita makakalimutan!! hahaha. ikaw ang una kong nabiktima sa blog kong to. anyway. turuan mo kong sumali sa mga blogrolls. hehhe. thanks.. para makasama din ako sa inyo…

  4. alasais says:

    click ‘blog info’ on the upper right hand of your screen🙂

    -tenco

  5. hisnameisdencios says:

    ok lang naman na kausapin ang sarili e. wag lang sosobra na may makakakita ng iba. saka mas maganda nga yung naiintindihan mo yung gusto mo. mas tama pa ang gagawin mo diba?

    **maganda ang entry na to🙂

  6. that’s what you call inner child…

    madalas kinakausap natin. almost all people during their childhood ay may mga ganyan. kinakausap ang sarili. mayroong imaginary friends, ek, ek.

    however, habang lumalaki, nawawala.

    but some people ay ganyan pa rin. tama, defense mechanism yan ng tao. ako ganyan din. that keeps me sane.

  7. hahaha. alin?
    tlgang lahat ng post ko meron kang comment ha?
    apir!

  8. bonistation says:

    ang galeng!!! naknamp! haha dirediretso ang salita ah! siguru hindi ikaw gumawa neto! ung other side mo haha! (si butiki or si macho)

    pero totoo naman na minsan kailangan talaga nating kausapin sarili natin lalo na sa mga panahong naguguluhan tayo at hindi natin alam kung ano ba ang dapat gawin..

    gusto ko ‘to:

    “minsan, ganun talaga there is always a child within us na pwedeng pakiusapan o kaya utuin. minsan naman wala ka talagang choice, dahil wala kang ibang kakampi. sa ganung paraan mas nakikilala mo ang sarili mo at nadidiscover mo ang mga natatagong potentials nito”

    astig! tagay na!

  9. aksoriyalmo says:

    read it.

    there is just one flaw. you are now opening details about your life.

  10. stormy says:

    talaga? healthy pala yun? kasi madalas ko rin yan gawin, minsan pa nga nake-carried away ako, napapalakas boses ko..tapos napapansin ko nagsasalita na ko mag-isa.. pero healthy pala yun, wala pa pala ko deperensya sa utak:p heheh..

    • uu, healthy parin daw un.
      apir!!!
      .
      mas prone ang isang taong
      di kinakausap ang sarili
      sa pagkabaliw. hehehe.
      .
      .
      .
      .
      .
      i should know dat…
      heheheh. lapit kasi ako
      mental hospital.. heheh
      stormy, no nga pla blogsite u?

  11. dhyoy says:

    very well said mark…

  12. bonistation says:

    gusto ko din ang HEROES! at pinakgusto ko ung power ni peter petreli! haha!

  13. pinkdiaries says:

    napadaan lang.. naglilibot.. hehe

  14. Prinsesa ng Drama says:

    Nice post!🙂
    Talking to one-self could possibly be a way to breath the problem out.
    I found talking to myself was a great way of delivering my sadness out.

  15. TSI says:

    Goood for you..but not in public baka mapagkamalan ka ngang schizo, sa harap na lang ng salamin sa loob ng toilet…keep blogging.

  16. joan says:

    ..ahhhhhhhm madalas ko din gawin ang pakikipag talastasan sa sarili. wahahha! soska! nakakatulong nga. paramis. hehehe. :p
    ..
    ..
    ..
    ..
    ..

    ..
    ..taga Mandaluyong ka nga. tsk!

    ..haha, pis!😉

    • anong pis!?
      hehehe. wlang pis talk ngaun.
      heheh
      joke.
      ang lalim ng talastasan mo ah?
      hehehe gusto ko yung word na yan.
      hehehe
      apir!
      uu.
      kaya siguro lahat ng hangin na linalanghap ko
      ay kakaiba sa linalanghap u.

  17. tsenn` says:

    kala ko ako lang ang nakikipagusap sa sarili
    may karamay (maraming karamay) pala ako ^_^

    pero
    hindi ako baliw
    hahaha😀

    mukang busy ka naun kuya ah,
    galingan sa assignment🙂

  18. vigrx says:

    Hi there, I found your blog via Google while searching for first aid for a heart attack and your post looks very interesting for me.

  19. jason says:

    bakit ganon kuya? naguilty nman ako di ako nagbackread..

    sorry.

    ayan nabasa ko na. d2 ka pala natutung kumausap ng sarili?

    manipulator? hindi ka manipulator at proven na yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: