Sa Loob ng Gym

 

Kahapon, nagsimula akong maggym. Kung bakit? Kinakailangan ko na kasi hindi dahil mukha akong biik kundi dahil mukha akong tingting, need ko ng magkalaman para hindi na ako nagmumukhang grade 4 sa mga sinusuot kong t-shirt. Nagsasawa na rin kasi akong marinig na tawaging payatot, gitara, o posporo palito. Ewan ko ba? Kung sinung nagpauso ng mga salitang iyan. Kasalanan ko ba kung napaglihian ako ng tita kung pandak nung grade 2 ako na nagresult sa aking pangangayayat?

 

Malaman ako nong bata ako, may bangs pa nga eh at palaging naka-tack-in ang aking pang-itaas kahit sando pa yun. Hindi ko maidedeny ang mga ganung bagay dahil mahilig ang mommy at daddy ko sa picture-picturan, kaya hindi nakapagtatakang mahilig din akong magpapicture, kahit saan at kahit saan.

 

Simula non, hindi na bumalik ang aking malaman na katawan, palage na akong tinatangay ng malakas na hangin at hindi na din ako malakas kumain. Oo, sinisi ko, ang tita kong pandak, pati ang metabolism na yan, at medyo madami-daming kilo na din ng Chinese vitamins na pangpataba ang nainum ko pero wala talagang epekto lahat siguro yun naging pataba na ng lupa namin kaya nagbunga ang pipino at melon ng pinsan ko.

 

Kaya nagdecide na kong pumunta ng gym, malayo ang gym sa bahay namin, kelangan sumakay ng isang jeep, ayoko kasi yung malapit sa amin masyadong bukas sa mga mata ng bading na nagdadaan. Medyo maalinsangan sa loob at amoy pawis, ramdam mo talaga ang pwersa ng mga nagsasamang super sayans. Mababait ang mga kasama ko at walang bading kaya safe na safe si totoy. Medyo habulin din kasi ako ng mga bading.

 

Nabigla ata ako dahil hindi na ko nakatayo kaninang umaga para akong lantang veggy sa tindahan ni aling mameng, bawat balikwas ko ay nararamdaman ko ang hapdi ng mga nabanat na ugat sa buong katawan. Totoo ang hula ni manong kahapon, maghanda na daw ako ng excuse letter dahil paniguradong hindi ako makakapasok, naisip ko tuloy magpahula kung anung lalabas sa lotto bukas. hihihi

 

Gabi ko na lang din naisipan magpahid ng omega matapos ang buong araw ng panonood ng dvd at pagcocomputer. Ngayon ko mas lalong naiintidihan ang mga nabubugbug at nababangga sa sakit na nakilang nararanasan. Masakit talaga ang kasu-kasuan ko kaya puro ako utos sa pinsan ko. Mabuti na lang at may mga kasama ko sa bahay. Kahit papaano nakasurvive ako sa araw na to. Pero katulad nga nong sabi sa salamin don sa gym. “No Pain, No Gain.”

 

Wala akong balak huminto sa nasimulan ko. Hindi ako titigil hanggat hindi lumalabas ang mga monay monay sa tiyan ko pati lahat na ng pandecoco sa braso ko. Kaya tandaan mo to, dinedevelop na ang papalit kay Piolo at Sam Milby at malapit na siyang dumating. Abangan!!!

2 Responses to Sa Loob ng Gym

  1. hisnameisdencios says:

    tama yan!
    masarap mag gym.
    ituloy mo lang!

  2. jason says:

    Hayyyyy…

    Kelangan ko na rin sigurong mag-gym kuya,

    matanda na ko pero may baby fats pa din..

    Habulin ng bading? Buti na lang ako hindi.

    aw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: