Masarap na Sopas

 

“Kuya, luto ka naman ng macaroni naman na may sabaw na gatas tapos may giniling at hotdog saka carrots.”

 

Alam ko ng sopas ang gustong tumbukin ng aking pinsan na hindi niya masabi. Hindi ko alam magluto non, pero dahil mabait ako, oo sige na lang. Mahilig akong magluto. Kung siguro naintindihan ko ang ibig sabihin ng salita “kurso” bago ako grumadayt ng high school eh di sana nag HRM na ko kaso hindi eh, mahilig lang talaga akong mag-aral kaya sinunod ko ang pangarap ni Daddy na magpiloto, kaya naman napunta ako sa mga bahay ng kabayong dagat pero hindi ako nagpiloto.

 

Siguro kung tatanungin mo ko kung anu ang talent ko, isa na ang pagluluto don. Mahilig kasi akong kumain kaya hindi nakakapagtakang mas gusto kong magluto kesa mag piloto, mahilig din naman akong magpalipad ng eroplanong papel kaso hanggang don lang yun. Mas gusto ko talagang mausukan ng pagkain kaysa ng mga eroplano.

 

Pagkatapos pumunta ng school ay saktong may isang daan pang natira, salamat Lord, provision. Ng makarating sa palengke, bumili ako ng kalahating kilong macaroni, ¼ na giniling at iba’t ibang putahe saka umuwi at nagtanung tanung sa mga kapit bahay, medyo simple lang pala, pero ang tanong ay kung mapapasarap ko ba siya ng mga katulad ng mga linuluto ko.

 

Ang maliit na hiling ay nauwi sa challenge ng malaman ng mga kapitbahay namin sobra sobra ang aking mga putahe kumpara sa dami naming kakain. Lahat sila ay parang nabuhay at nagsalita kung anung dapat gawin. Naging maingay ang bawat isa, nagkanya kanya sa mga pagbibigay ng directions. Matapos ang katakot takot na instruction ay hindi ko na matandaan kung anung dapat gawin, “iprito sa mantika ang macaroni” wow, sarap! Pero mabuti na lang at may common sense ako sa mga pagkakataong yun.

 

Hanggang maya maya ay isa isa na silang nagtatanong matagal pa daw ba? Sosyal ang mga tambay namin at napili nila akong gawing chef.  Ang sabi ko naman ay pinapakuluan ko pa. Ang Verdict? Alam niyo na yun. Madaming nagtatanung sa akin kung bakit daw ba palaging ang sarap ng mga luto ko at nag-eenjoy nila. Kahit alam ko naman nambobola lang sila ay sympre sinakyan ko. Ang sabi ko naman its in the blood. Hahaha.

 

Madaming tao ang tumitingin lang sa success ng mga tao but they fail to see the process na pinagdaan ng mga success na yun, kasi naman mostly ng mga successful people kapag ininterview sila they forget to share the hardships and trials na kanilang kinailangan pagdaanan. Hindi nabibigyan ng stress kung gaano kahirap ang kanilang pinagdaan. Kaya ayun kala ng iba ganun ganun lang yun at lahat ng nakakadinig at nakakapanood nakikicelebrate pero kapag sila na mismo ang gagalaw para sa sarili nila para makamit ang success at nakaencounter lang ng problema at paghihirap, eh tumitiklop.

 

Kaya ayun, hindi nila alam na nalaglag ko ang mga giniling sa lababong barado pero masarap! =)

 

 

Lesson Learned: Lahat ng success, may pinagdadaanang hirap, mahirap kayang mamingwet sa lababo ng giniling na baboy. try nyo! =) peace out!

One Response to Masarap na Sopas

  1. jason says:

    may pinagdaanang hirap ang mga success?

    oo tama kuya..

    pati para maka bangon, kelangan ng hardship.
    di basta basta makakarecover sa problema o nakaraan ng hindi pinag hihirapan.

    walang “snap” tapos success na kagad.

    salamat kuya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: