Sa Paskong Darating

December 13, 2008

 

Ilang araw na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang kasama ko pa ang mommy ko sa paghigop ng starbucks, ang daddy ko sa pagkain ng cheese burger at ang ate ko sa pagpunta sa church.

 

Siguro kong hindi ako na untog sa parol ni Aling Merla siguro nagcecelebrate pa din ako ng Halloween. Pero ang lakas ng hatak ng katotohanang, first time kong magcecelebrate ng Christmas na wala sila. Medyo na fofore see ko na ang pwede kong maramdaman sa darating na pasko.

 

Dalawa lang naman yun, ayoko na kasing pahabain pa. Isang malamig at malungkot na pasko o isang tahimik ngunit maligayang pasko. Muli kong tinanong ang aking sarili, possible bang hindi ka happy pero joyful ka? Aba, medyo mahirap na katanungan yan.

Sabay banat ko sa sarili. Ang totoo hindi ko kayang sagutin ang aking sariling katanungan kaya inaantay ko na lang ang kasagutan.

 

At ang sagot ay possible. “Happiness depends on the favorable circumstances around you while Joy is more of a decision.” na you can decide whether you choose to be joyful in spite of the difficulty. Naks, kahit papaano pala ay nakikinig na talaga kong mabuti.

 

Optimistic akong kaya kong harapin ang mga darating na araw. May pitong buwan na rin pala simula ng maiwan ako dito sa Pilipinas. Ilang buwan na din pala akong magsimulang tumayo bilang isang ama ng tahanang ito. Ilang beses na din akong naging takbuhan ng aking mga kamag-anak at kapitbahay ko.

 

 

“When I was a child I talked like a child,

I thought like a child,

I reasoned out like a child,

When I became a man,

I put childish ways behind me.”

 

Advertisements

Sasabay Ka Din Ba Sa Lamig Ng Pasko?

December 2, 2008

 

 

“But when I was silent and still, not even saying anything good, my anguish increased. My heart grew hot within me, and as I meditated, the fire burned; then I spoke with my tongue:”

 

Alas dos ng hapon, medyo malamig ang panahon, na nagbigay sa akin ng kakaibang pangambang baka makisabay ang ibang tao sa lamig ng panahon. Dalawang tao ang pumasok sa isip ko ngayon. Dalawang pangalan na nagmistulang LSS. Isang nag-eenjoy sa buhay Eskimo at isang batang nagpapakalunod sa kadiliman. Saktong nakachat ko ang isa sa kanila ang aking anak, ramdam ko ang kanyang pagkakaroon ng guilt.

 

 “Ang taong guilty palaging nakadepensa yan.”

 

Tinanong ko lang naman siya kung kamusta na siya after ilang weeks na hindi naming pagkikita. Tinanong ko siya kung nagdedevotion pa din ba siya? Wala akong nakuhang matinong sagot sa kanya except sa pagiging defensive niya. But I could not help na di siya pagsabihan – hey, mali na ang ginagawa mo.

 

“There are only two types of people na pwede mong kausapin sa mundo.” sabi ni kuya dawen. “Isang taong magsasabi ng gusto mong marinig at isang taong magsasabi ng totoo at tama kahit na masakit.”

 

After ng isang “hmp.” mula sa kanya ay bigla itong naglog-out. In that moment, pinili kong controlin ang emotions ko, saka sabay hawak ng BIBLE, naghanap ako ng verse pero wala akong nakita, nakita ko lang yung passage ng prodigal son. Sapat na sakin yun. Basta nong nakita ko yun, naalala ko yung attitude ng tatay. Kaya nasabi ko na lang sa sarili ko, Tatay na pala talaga ko. “Sige anak, pagready ka ng bumalik? Sige nakahanda na lahat pati si berting kakatayin natin para sa iyong pagbabalik.”

 

Isa din sa naalala ko ay yung isa kong pamangkin, navisualize ko kasi yung pagkabulag niya na kahit anung gawin naming pagsagip sa kanya ay inembrace niya na ang mga lies na narinig niya. Para siyang manok ng kuya ko sa probinsiya na matapos makalunok ng gagamba, ay hindi na makatilaok, pinilit ng kuya kong sagipin ang kawawang inahin para narin sa mga sisiw nito ngunit hindi niya ito nasagip – namatay ang inahin sa kanyang mga bisig.

 

Sana hindi pa huli ang lahat, na kapag bumalik kayo ay “beyond cure na” ang mga situation nyo. Pamangkin, kasinungalingan ang sasabihin mong iaask mo muna ang final authority kung nakapagdecide ka na pala  bago ka pa lumapit sa final word. Basta, ito lang andito lang kami kung kailanganin niyo kami. We would always be a father to you.

 


Ang Kwento ni Jhon Lloyd at ni Aling Mameng

December 1, 2008

 

 

Mabilis lumipas ang oras kapag nasa harapan ako ng laptop ko, kaunting click 5 mins na ang lumipas. Kaunting pindot at padausdus one hour na ang nakadaan. Hindi dahil sira ang clock ng computer ko o may virus kundi dahil ganun ko ubusin ang oras. Minsan inaabot ako ng 4am sa harap ng computer hindi dahil sa mga reports na gagawin kundi sa pagtunganga lang.

 

Time OUT!!! Lahat ng galaw may oras, may minuto at may seconds na dapat antayin. Nakakaasar lang kung kelan kailangan mo ng maraming oras saka limited ito tapos kung gusto mo itong pabilisin ang oras saka ito nagiging pagong. Oh com’on. Bakit kinakailangan pagkaguluhan ang ganitong bagay?

 

Nine months? Ang tagal non bago lumabas ang baby. Hindi ba pwedeng palabasin sa darating na Christmas bonus na lang? Doc, 3 months? Hindi ba pwedeng iextend pa yun ng more than 30 years. Magkaibang senaryo pero isa lang ang pinag aawayan. Oras.

 

Bakit ang American series na “24” parang ilang buwan na ang lumilipas namamaximize nila ang bawat seconds at minutes, madaming nangyayari, madaming nagagawa? Hindi ba pwedeng ganun na lang? Pwede mong i-pause na lang o kaya islow motion kung may ayaw kang mangyari o kaya ifast forward na lang kung may inaantay ka?

 

Muli kong naalala yung anecdote na nabasa ko about sa topic. (Panawagan ang lahat ng character na nabanggit ay hindi nila tunay na pangalan)

 

May isa daw bata na ang pangalan ay Jhon Lloyd. Ang gusto niya pabilisin ang oras, kasi tamad siya at ayaw niya ng nag-aantay kaya ayun nung naligaw siya sa gubat, may nakasalubong siyang mangkukulam na ang pangalan ay Aling Mameng, nacutetan si Aling Mameng kay Jhon Lloyd kaya binigyan niya ito ng isang rolyo ng sinulid na ginto, syempre dahil mangkukulam siya may kapalit yun pero dahil mangkukulam siya sa dulo na lang natin alamin. Natuwa naman si JL sa gift sa kanya ni Aling Mameng kaya ng makuha ang cellphone number ni Aling Mameng ay agad itong umuwi sa kanila.

 

Sa bahay, hindi makatulog si Jhon Lloyd kaya kinuha ang sinulid at pati ang cellphone.

 

“Gcng pa u?” matapos maisend ay agad naman nagreply ang mangkukulam.

 

“Y? hu u?” sabay halo sa kanyang linuluto

 

“Gues hu?” ang sabat naman ni Jhon Lloyd

 

“Ha? Anung gues hu? Bukas may taping sa SOP. Be on time” Na xsent siya kay direk. Kaya sinend nya ito kay aling mameng.

 

“Snow white?”

 

“Nope.”

 

“Hu u b tlga? Las txt ko na to, la na me lod.” ang reply ni aling mameng

 

“Si Jhon Lloyd po 2 ung bngyan mo ng cnulid.”

 

Agad naintriga ang mangkukulam at kaya matapos magpalod ay nagtxt ito.

 

“ic. Oh, musta n u? y d k p 2log?”

 

“Hawak k kc ung snulid, pra san ba un?”

 

“Ah un b? Gift ko sau?”

 

“Y crush mo ko?”

 

Hindi nagreply ang malanding mangkukulam. Kaya ng makaramdam ng awkwardness si JL ay muli itong nagtxt.

 

“Joke lng po un! Pra san po ba tlga un?”

 

“Anu ka ba ok lang un. hahaha, kaw tlga. nasense ko kasing ayaw mo ng pinag-aantay ka kya bingay ko sayo yan, may magik yan.”

 

“Wow, tlga, panu?” ang pagkamangha ni JL ay nag-udyok sa kanya na tawagan si Aling mameng using 3G.

 

“Hello, hello, chappy ka.” Sagot ni aling mameng

 

“Ay sori po na mute ko pala. Pano po palalabasin yung magik?”

 

“Ganito yan, humila ka tapos guntungin mo.” Ang loko naniwala kaya hinila naman nya, at biglang sumikat ang araw.

 

“Wow, totoo po ba to aling mameng? Maraming Salamat po, hayaan niyo babawi po ako sa inyo pag nagkita tayo ulet. Mwuah. INGAT!” Biglang naputol ang linya.

 

Ng makuha niya ang logic sa bumabalot na hiwaga ng ginuntuang pisi ay pinaglaruan nya ito. Sa school biglang natapos ang klase matapos nyang hilain at putulin ang 2 inches na sinulid.

 

Mainitin ang binita kaya ng hindi makatiis ay hinila ito ng isang dangkal at grumaduate ang loko. Hindi makapaghanap ng trabaho kaya hinila ito minsan pa at nagkaroon ng pamilya, dahil baby pa ang mga anak nya at palageng iyak ng iyak ay muli niya itong hinila kasabay ang hiling sana lumaki na sila. Kaya ayun lumaki sila. Ng mahirapan sa pagtataguyod ng pamilya ay hinila nya ito hanggang sa isang inch na lang ang natira. Matanda na si Jhon Lloyd at naka wheel chair na ng biglang tumawag sa kanya.

 

Meet daw sila sa Starbucks sa Podium. Hindi kilala ni Jhon Lloyd ang matamis at malambing na boses ng dalaga kaya agad itong nagpahatid sa meeting place.

 

Sa kanyang wheel chair ay wala itong nagawa kundi mag-antay na lang. Natunaw na ang kanyang coffee jelly ngunit wala pa ring dumadating. Hanggang sa may pumasok na bading, nagpropromote lang pala ng gym nila. At ayun na pumasok ang napakagandang babae, mala dyosa ang dating. Kamukha ni Bea Alonzo, na may halong Anne Curtis, seksing seksi at napakaputi at sobrang kinis ng balat. Si Vicky Belo pala so hindi siya.

Sa huli ng nawalan na ng pag-asa ay linabas nito ang sinulid na siyang pagdating ng dalagang dalagang mangkukulam. May resemblance sila kaya nakilala ni Jhon Lloyd. Aling Mameng is that you? Kahit garalgal na ang boses ay ramdam mo talaga ang pagkamangha sa kanyang boses.

 

_end_