Pinaiyak Ako ng Isang Babae…

Last night, umuwi si mommy at tumabi sa akin habang ako’y natutulog, nong una hindi ko siya pinapansin dahil sa sobrang inaantok at pagod ako. Hanggang sa tumayo ako at umihii at bumalik sa kinahihigaan. Maya maya pa ay tinanong ako ng mommy ko kung anong oras na, ang sabi ko ay 4:25pm. Saka ko narealize na mommy ko na pala talaga ang katabi ko.

 

Yinakap ko siya ng mahigpit na mahigpit hanggang sa napaiyak na lang ako. Lumukso ang lahat ng dugo ko sa katawan na gustong kumawala sa kanilang kinalalagyan kasabay ang pagsabog ng aking matinding pagkasabik at kalungkutan.

 

“Sobrang miss na miss na kita mommy.” Yun lang ang tangi kong nasabi dahil sa patuloy kong paghagulgul. Madami akong gustong sabihin sa kanya katulad ng paghihirap ko sa pagtataguyod ng aming pamilya maging ang paghawak sa buong issue ng aming mga kamag-anak. Her embrace gave me what I’ve been looking for almost a year, I really found that comfort and security in her embrace. Iyon ay dahil simula nong umalis siya ay I’ve been making all the important decision in our house and our entire clan, (panganay kasi si mommy) in short ako na rin talaga ang pumalit sa kanya at nagpasan ng buong burden.

 

I found myself in that situation in desperate need of a mother who can protect me and hold me tight. The scene was perfectly dramatic until my mind started to say – I’m only dreaming and I must let go. Kasabay nito ay unti unting naglaho si mommy, hinigpitan ko ang aking yakap pero unti unti na din akong tumataas.

 

Gumising akong umiiyak, naiwan lahat ng longing sa aking damdamin at aminado akong nahihirapan akong ito ay bitawan. Oo nga no, I’m growing up now and I must not miss every single part of life. At kung may gusto akong balikan, that is to sleep in my mother’s arms again where I found that same security and love. I miss you mom. T.T

11 Responses to Pinaiyak Ako ng Isang Babae…

  1. wow ramdam ko ang pagmamhal mo sa yong mommy…iba talaga ang kalinga ng ina!

  2. anakngpating says:

    parang gusto din tuloy kitang yakapin para sa moral support..
    be strong kuya i know ur a big man now..kayang kaya mo yan gagabayan ka ng nasa taas..

  3. anakngpating says:

    sa blog marami ka rin makikilalang mabuting tao..
    at magiging kaibigan mo pa..
    u’r a good writer..
    ilabas mo talento mo..
    at i know maapreciate ka nila tulad ko..

  4. machongbutiki says:

    totoo… marami talaga. maraming salamat at isa ka sa kanila. hayaan nyo po at pag-iibayuhin ko pa ang talentong ito. wow, you’re really an inspiration! =)

  5. jason says:

    ayan nagcomment nako
    lesson1!!! lol

    bukas ko na babsahin kasi may nakita kong kalungulan sa mga unang talata ng storya mo..

    medyo malambutin ang puso o pagdating sa ganyang usapan. -mommy..

  6. jason says:

    mahal na mahal mo mommy mo no?
    same here.

    kapag nadedestino daddy ko sa ibang probinsya, ako ang katabi ng mommy ko sa pagtulog.
    somehow may resemblance sakin ang daddy ko
    kaya alam kong hindi malulungkot si mommy.

    EMO!! bat nag eemo ang hamster
    to kasng butiki na to e

    • machongbutiki says:

      wahahhaha. hindi din ako emo-ng tao pero simula nong napaginipan ko yun naalis lahat ng bara sa tear glands ko. ewan ko ba…

  7. wahahah.
    grabe,
    lakas ng powers mo!!!
    u caught my attention!!!
    =)
    d best ka!!
    hehehe.
    teka muna…
    mukhang kilala mo ko ah!?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: