First time mo???

dun ang building namin

dun ang building namin

 Inaantay ko si Bull (pangalan ng bago kong alarm clock) na gisingin ako ng 6:30am pero mas naunahan ko siyang magising. Habang dinadama ang lambot at init ng mga unan kong palaging gustong magpayakap, at papikit pikit pang tinitignan si Bull.

Nagdecide na kong bumangon. Walang kwenta si bull lalo  na kapag hindi pala naka-turn on. <hehehe muntik ng malate> Unting stretching, sabay timpla ng kape at bili ng almusal at babaonin kong pagkain sa trabaho.

Walang magluluto kaya bumili na lang ako sa gate, sa tingin ko ito na palage ang magiging routine ko. Pag dating sa Makati, nag antay ng mahigit sa 30mins para makuha lang ang ID ko para makapasok sa building sa Ortigas sabay lipad agad papunta sa Office.

Ok naman sila sa office, napakawarm ng pagkakawelcome nila sa amin, pero hindi mo talaga minsan maiiwas ang mga haughty eyes. Pero ok lang hindi ko sila boss.

Briefing, Kwentuhan, Usap, kain, lunch out, encode, check, check, dugo ilong, sakit ulo, information overload ganon natapos ang buong shift ko sa unang araw ko. Sobrang bigat ng ulo ko sa mga steps and procedures
ng mga insurance account na hahawakan ko simula bukas.

hagdan

hagdan

Pero ang hindi ko makakalimutan ngayon first day ko ay ang napakasayang elavator, hindi katulad ng experience ni Jason na naipit sa kakulitan. Ako naman ay hindi na sumakay ng elevator nong pauwi na. Tugsh!!!  Halos 30 mins din akong nag-antay sa tapat ng mga pinto iyon.

Mga ilang beses din bumukas yun pero palaging full house at para silang isang human sardines. Kaya ng hindi na makatiis. nag-STAIRS ang butiki!!!

Nasa 15th floor ang aking opisina, kamusta naman dahil hindi ganon kasarap gamitin ang stairs lalo na kapag wala kang kasama, nakakahilo, nakakapagod, nakakahingal. Pero natuwa pa din ako sa experience na yun. first time ko.

Mukhang nakakita na ko ng lugar na maaring kong pagtambayan para sa mga oras na badtrip at walang magawa. Hindi kasi ito madalas gamitin ng mga tao don kaya medyo tahimik. 

 

 

19 Responses to First time mo???

  1. anakngpating says:

    huwaw stairs ang sarap tambayan nyan pag umaga..hehe..at kapag pahapon na ehhe..tambayan ko yan dito pag wala na ko magawa sa net hehe..at nag aantay lang ng customer na matatapos..

    buti naman at ok ka lang sa new job hehe..

    well gudluck sa bukas,susunod na bukas,sa isang linggo,buwan,taon ..

  2. anakngpating says:

    oi base pa pala ko haha..galing galing ko naman ehhe

  3. walking is good for the heart!
    at saka may oras ka pang makapag-isip-isip..yun kung di ka naman nagmamadali!
    ako ..habang bumaba dito sa building namin…kumakanta -kanta pa!
    enjoy….even the most minimal activity we do everyday…

  4. aksoriyalmo says:

    ang pag-akyat.

    ang paglaban sa grabiti ng mundo kung saan ang tanging magagawa mo ay sumipol. at ang tanging bumibilis sa iyo ay ang tibok ng iyong puso. ang tanging alam mo lang ay akyatin ang isang lugar kung saan makikita mo sa iyong periperal na bisyon ang kabuuan ng mundo sa halagang labinlimang palapag.

    ang pagbaba.

    upang tanawin at tingalain mong muli ang lugar na matayog kung saan nakita mo ang mundo.

    uulitin mo ito dahil ang mundo ay magbabago bago.

  5. dhyoy says:

    hmmmm… ayos yan exercise…

    gudluck sana bukas makasingit ka na sa elevator…
    😉

  6. o diba! masarap minsan maranasan yun mga bagay na di pa nararanasan kaya tinatawag na pers taym..

    healthy naman daw yun eh.. naiisip ko ilang calories kaya na burn mo nun umakyat ka ng hagdanan..🙂

    • wow.
      naglalambing na cute!
      maraming salamat sa iyong pagbisita.
      sana palagi kang bumisita hehehe
      hahaha
      oo nga noh?
      nakalimutan ko.
      sige, mag eelevator na lang ako palage
      baka lalo pa kong pumayat.
      maraming salamat!
      =)
      apir!

  7. jason says:

    sorry di ako nakabisita !!!

    wait ah

  8. jason says:

    Aba special mention ako!!

    patingin ng bull na clock tignan ko ano itsura..

    ganda ng mga buildings

    sana nag picture ka rin ng sarili mo para nakita ka namin

    LOL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: