PAG DADDY NA KO….

PAG DADDY NA AKO….

290394222_0fdcc9109b_mmamahalin ko ng lubos ang anak ko,

palagi ko siyang bibilhan ng paborito niyang prutas,

hahayaan ko siyang maglaro hangga’t bata pa siya at ieenjoy ang bawat oras ng kanyang kabataan,

ibibigay ko lahat ng pangangailangan nya kahit na
kapalit na nito ang personal kong kasiyahan,

mamahalin ko siya ng mas higit pa sa akin, uunahin
siya bago ang aking sarili sa lahat ng pagkakataon.

 

PAG DADDY NA AKO….

1694543442_ef5720e88e_mpalagi ko siyang kakargahin, ihehele hanggang sa makatulog at babantayan hanggang sa mahimbing siya,

hindi ko siya ipakakagat sa lamok, ipis o kahit ano pa mang insekto,

babasahan ko siya ng mga librong pambata at mga magagandang kwento sa bibliya,

titimplahan ko siya ng gatas niya, kukumutan kapag
matutulog na at hahalikan sa noo.

 

PAG DADDY NA AKO….

ibibigay ko ang oras ko sa anak ko, mag leleave ako538025845_8650a85618_m
kung kinakailangan para lang mabantayan siya kung sakaling magkasakit siya at wala si mommy.

makikipaglaro ako sa kanya ng baril barilan, tea time, at lahat ng gusto niyang laro.

tuturuan ko siyang mas makinig kesa magsalita, sumunod kesa magreklamo at kumilos kesa magtatalak.

igagala ko siya sa mga gusto niyang lugar partikular na ang zoo at mga amusement park.

 

PAG DADDY NA AKO….

398521031_204165de45_mpalagi ko siyang bibilhan ng pasalubong sa tuwing darating ako ng bahay galing trabaho

hindi ko siya pagbubuntunan ng galit, inis, o kabadtripan,

palagi ko siyang reregaluhan sa kanyang kaarawan at hindi ako aabsent sa kanyang handaan kailanman.

ibibigay ko sa kanya ang tiwalang nararapat lamang at naaayon sa kanyang edad at hindi magbibigay ng sobra sobrang pressure.

 

PAG DADDY NA AKO….

hindi ako magsasawang intindihin siya at iparamdam na343059217_7fa84e5ba6_m
naniniwala pa rin ako sa kanya kahit ilang beses na siya nagkamali,

palagi ko siyang patatawarin sa mga kamalian niya at ipapaliwanag kung bakit iyon mali,

hahayaan ko muna siyang magpaliwanag sa mga pagkakamali niya bago ako magsalita,

pangangaralan ko muna siya bago ko paluin,

yayakapin ko siya palagi para maramdaman niya hindi niya kailangan matakot o mangamba.

itataas ko ang tiwala niya sa sarili at hindi ko siya
hahayaan maging utak pangkaraniwan lamang at ordinaryo.

 

PAG DADDY NA AKO….

510485594_5071061d7c_mhindi ako mahihiyang sabihin na mahal ko ang anak ko sa harap ng maraming tao.

kung mapagalitan ko man siya hindi iyon tatagal at sasabihin ko sa kanyang hindi na ko galit.
 
hindi ako mahihiyang magsorry sa anak ko kung sakaling magkamali man ako at babawi ako sa mga pagkukulang ko.

ipagkakaloob ko sa kanya ang lahat ng aking kagamitan
at tuturuan ko siyang ingatan lahat ng ito,

 

PAG DADDY NA AKO….

ibibigay ko lahat ng suporta ko sa kanya at hindi1645536081_e031917d9f_m
ko ipamumukha ang pagkakamali niya.

tuturuan ko siyang maging mapagtimpi sa lahat ng bagay at magkaroon ng mahabang pasensya sa mga tao,

ipararamdam ko sa kanya na kahit magkamali man siya mahal ko pa rin siya.

hindi ko siya iiwan sa mga oras na kailangan niya ko at kailangan niya ng tulong.

hindi ko siya babatikusin, bubulyawan, mumurahin o anu pa man kundi kakausapin ko siya ng maayos,

igagalang ko ang kanyang karapatan bilang isang batang
malaya sa kaharasan at korapsyon ng utak.

 

PAG DADDY NA AKO….

sasanayin ko siyang maging mapagkumbaba sa lahat ng
pagkakataon.

magdidiwang kami sa kanyang tagumpay maging maliit man
to at palagi kong siyang sasamahan sa kanyang kalungkutan

palagi ko siyang papaalahanan ngunit hindi ko ipipilit
ang aking mga desisyon bagkos hahayaan ko siyang matutung2308023879_80b358e6c0_m
magdesisyon ng tama at panindigan ito,

tuturuan ko siyang gumalang sa mga matatanda at igalang ang ibang pang tao mas mababa sa kanya,

susuportahan ko siya sa kanyang interest at napiling karera,

aatenan ko ang mga meeting nya sa school kung kinakailangan
ng isang ama,

 

PAG DADDY NA KO….

tutulungan ko siyang gumawa ng projects at assignments niya,

palagi ko siyang kakausapin, aalamin ko ang mga ngyayari sa
bawat araw niya,

magtratrabaho akong maigi para matustusan ko ang kanyang pangangailangan.

itretreat ko siya sa labas, manonood ng sine, kakain sa jollibee
at maglalaro sa worlds of fun.

3370316459_ffbdab6286_mhindi ko ipagkakait na ipaliwanag sa kanya ang mga bagay bagay na kailangan niyang malaman at bawat reyalidad ng buhay ng
walang pagmamalabis,

hindi ko siya hahayaan maging dependent lang sa akin ngunit, tuturuan ko din siyang matutung tumayo sa kanyang paa.

pakikinggan ko siya sa mga ideya niya at mga sasabihin niya.

hindi ko siya pababayaan at ipagsasawalang bahala at pahahalagahan ko siya katulad ng pagpapahalaga na
natanggap ko mula sa aking ama,

 

PAG DADDY NA AKO hindi ko ipagkakait ang pagiging tatay ko sa kanya dahil magiging mabuti at responsable akong ama.

 

 

 

kaso ayaw ko pang maging ama sa mga oras na ito dahil hindi pa ko handa madami pa akong dapat malaman at matutunan….

45 Responses to PAG DADDY NA KO….

  1. aksoriyalmo says:

    uy, gusto na magka baby? hehe. uhm, pwede ka ba maging daddy ng mga alaga ko! hehe. biro lang!

    ayos. ganda ng pagkakasulat. gusto mo nga maging daddy someday. hehe. nagugutom ako MB. 3:06 na ng madaling araw. cereal lang meron dito sa bahay. di pa ako nakakabili ng food. hay. hay.

  2. jason says:

    tsk…..

    MB

    oi

    handa ka na ba talaga?

    sigurado ka??

    wala ng atrasan kasi yan..

    ano?

    Bata pa tayo.
    batam-bata pa.

    kung baga may gatas pa sa ano.

    Pero makakaasa ka ng full Support mula sa amin.

    • oi pare, maraming salamat,…

      hindi ko lam pero sa mga nangyari,

      lumalabas lang na hindi pa ko tlga ready…
      aun. kung nagkataon wala na tlgang urungan un.

      ano?

      ikaw lang ang bata, hahhaa
      san?

      WOW!!! MARAMING SALAMAT PARE!!!

  3. shynyrd says:

    nakakainis naman ang haba na ng natype ko kanina eh..

    ang arte ng page mo. ahehehe

    anyway, ulitin ko na lang..

    NAKAKATUWA na may mga lalaki palang katulad mo sa panahon ngayon na iniisip ang anak at pamilya kesa sa pag gawa lang nito..

    Hai sana lahat ng lalaki katulad mo, para walang broken home. hai…

    sana makapag asawa ako ng katulad mo na mahilig sa bata.. para hindi ako mahirapan ahehehhe

    • ai sorry shynyrd…

      sorry ulet.
      hehehe

      at sorry ulet.
      hehee

      teka,
      bumigat ata ulo ko, hehehe.
      apir! ganun tlga. hehehe
      you cant expect all people to be good and
      responsible.

      desire ko din yun,
      na hindi magkaroon ng broken home
      sa generation na lalabas sa akin.
      kaya nag aayos ako ng buhay ko
      hehehe.

      i thing is for sure, u attract who u are..
      kaw naman puring puri mo ko ah..
      hehehe
      mdami din naman akong negative parts. hehehe

  4. anakngpating says:

    wala akong masabi sa gusto mong mang yari pag naging totoo na itong sitwasyon na to..hindi ko alam kung paano kita pararangalan pag nagawa mo ang lahat ng ito,

    (para tuloy gusto kong ikaw na lang maging ama ng mga chikiting ko hehe..lol)

    need ko ng update sa nangyari mb..pm lang ok..

    • jason says:

      basta online kami lagi ni pating sa gabi..

      kaso kagabi inantok ako ng sobra hahaha

      sorry naman

      • aksoriyalmo says:

        ako rin. PM niyo lang ako. pero sa ngayon, may nangangailangan ng tulong ko. punta lang ako sa isang kaibigan at susuportahan siya. babalik ako kaagad. hehe.

        now it, er, everything makes sense.

      • oo nga eh.
        senxa na at palaging ot ang butiki,
        hehehe
        apir,
        i know i can always count on u guys!
        kaya ayun, pautang next time ha?
        wahahhaaha

    • ako din walang masabi eh.
      hehee
      pero, ayun ok na. hehehe
      at buti na lang hindi ngyari ang
      mga kinakatakutan ko.
      hehehe.

      wahahaah.
      hindi mo ko dapat pangaralan.
      hehehe, ganon lang dapat ang
      image ng daddy,..

      sige ba, offer?
      hehehe. pero wag ngaun..
      hehehe.
      di pa ko handang gawin ang lahat
      ng mga sinulat ko.. hehehe

      apir!

  5. joan says:

    ..waw naman. ahhhhhhhm kaka touch, sana kaw nalang naging tatay ko. ahehe. go0dluck po sa lahat ng yan.. ang swerte ng magiging baby nyu.😉

    • =)
      ngiti
      ayun,
      natats ka ba?
      ikaw din kaya mong gumawa nito…

      nanininwala akong magiging isa kang
      responsable at mapagmahal na ina.
      dahil ngustuhan mo ito,

      mas swerte ang tatay ksi
      dahil sa baby nya.
      heheheh

      apir!

  6. otep says:

    bakit kayong lahat gusto n’yo agad mga ka pamilya,

    si Hamster at si ikaw..

    hehhehe

    amp.

    hindi ko pa naeenjoy buhay ko, pag nagawa ko yun pwede na rin ako mangarap para sa pagbuo ng pamilya🙂

    • wow, ang dami namin otep
      hehehe.
      ganun tlga,
      siguro it comes on child’s bearing.

      madami na din akong
      nakilalang katulad nmin ni jason na ang gusto
      nila magkaroon ng masaya
      at matatag na pamilya.
      sino bang aayaw don?
      tama?

      pero ang tingin ko
      ang mas magandang itanong
      ay kung handa na ba tlga ako?
      kmi?

      sige eenjoy mo life mo
      pero ingat ka lang pare,
      hinay hinay lang.
      ok?

  7. otep says:

    ako din OL lagi kaya i-add nyo na ko sa YM

    zef_21@yahoo.com

    gusto ko din maging updated🙂

    • na add na kita,
      au,
      sure,
      everyone is welcome.
      sa confe namin.
      aun,
      madming ngyayari don,
      may nagcoconcert gabi gabi,
      may tawa ng tawa,
      may tahimik lang at nagmamatyag
      may nawawala
      may hindi makapagtype
      may hind makabasa,
      may sumisipol,
      may nagpapatugtug ng malakas,
      at mostly lahat ng behind the scenes
      ang pinag uusapan, personal na buhay,
      problema, tagumpay, at saka isama mo
      na din ang technical issues pag dating
      sa blog, halos lahat sila pwede mong tanungin
      kung paano mapaganda ang blog mo ang
      problema nga lang. (di din nila alam kung pano)
      hehehe apir otep! kita tau sa confee…

      para sa mga gustong sumali,
      ito ang aking ym account,

      j.concept@yahoo.com

      maraming salamat, antayin ka namin,. ok?
      dala ka ng maraming topics, ha?
      last time na topic ksi nmin pano kung
      daw kung naurong lang sabi ni jason. hahahaha

  8. wow ur one of a kind!

    baet mo naman.. sana matupad yan mga pangarap mo

    am sure ang swerte ng magiging anak mo…

    hmmm kapag mommy na ako??? gagawin ko din lahat yan mga sinabi mo😉

    nice post!

    • =) ngite ulet.
      ehehhe
      bait ba?
      tutuparin ko lahat ng ito.
      hehehe.
      at sana pagpray mo ko. hehehe
      mas masuwerte tatay
      ksi dumating ang anak.
      hehehee
      hahaha.
      sige gawin din lahat un,
      at sana mas higitan mo pa ko
      hehehe
      dahil i believe mas magiging
      mabuti at mapagmahal kang magulang kesa
      sa akin.
      eheheh apir!

  9. chennn says:

    mahusay. ang ganda ng pagkakanarrate ^_^
    parang naexcite naman akong makita kang maging daddy kuya mb!
    nyahaha!

    ako hindi ko naiisip ang mga ganyang bagay naun,
    i mean, ang magkapamilya..
    oh well,
    bata pa nga pala kasi ako, hahaha!😀

    • apir!!!!

      ahahaha. naexcite ka ba?
      hehehe, ako din eh, kaso
      kapag nasa sitwasyon ka na
      iba na, hehehe

      oo wag masyadong isipin
      eenjoy mo ang stage na
      kung nasaan ka para di ka
      magsisi in d end,
      hehehe or bumalik kung
      kelan tapos ka na pala.
      hehehe

      • chennn says:

        tama! tama!🙂

        lagi namang nasa huli ang pagsisisi di ba
        kuya mb..
        ganun ata talaga ang buhay..

  10. anakngpating says:

    hi ..favor naman po pa update naman po ng url ko
    http://www.anakngpating.com/

    salamat..hugs..lovely po hehe.,..

  11. dhyoy says:

    napakabait naman ng daddy na ito… kaswerte ng magiging anak mo…😉

  12. blu says:

    very ideal..
    swerte naman maging baby mo..
    ayos yan!

  13. ianyce says:

    naksz hehe dapat naman tlagang mahalin ang ating mga anak. ahem “ating” naalala ko wala pa pla akong anak hehehe.. i’m sure you’re babay will be proud of you someday.

  14. stormy says:

    pag dumating na yung tamang oras at natupad mo lahat ng yan..Dapat ka na bigyan ng award, kaw pa lang ang tatay na makaka-gawa nyan..Heheh

    kung sin0 man magiging anak m0 nakaka-inggit:)
    sana anak mo na lang ako^^

    • wow.
      kahit hindi na siguro ung
      awards.
      hehehe.
      mas fulfilling siguro kung lahat to magawa ko.
      kesa sa kahit anong parangal. hehehe
      apir! pero tatanggapin ko pa din ang
      trophy na bibigay u basta ba may cash prize tau..
      hehehe.
      apir!

  15. wow what an idealistic father to be. Hala napakaganda ng pagkakahatag sana lang wag malimutan kapag naging daddy ka na ha.

  16. cyberpat says:

    napabisita lang po kuya mb… ahhmm nakakainis bakit e2 pa nabasa ko… i’m avoiding this thing abt fathers kasi ayoko masaktan… kla ko naging manhid na ako… bsta.. nvm na lang po… about the post… the best kuya.. no words can explain ung nararamdaman ko ngaun kasi nakakarelate ako.. not bec may anak na ako pero… yan ung mga pinapangarap ko na gawin sa akin ng father ko… cguro kuya kapag nagawa nyo yan.. u’ll be the best dad sa buong mundo… geh po…

  17. jongskie721 says:

    sana nga tuparin mo lahat ng sinabi mo o sinulat mo dito. dahil mahirap maging ideal na ama sa isang mapaghanap na anak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: