Walls by Jason (Guest Blogger)

HOPE
Isa ko sa mga kabataang nangarap magsulat
at makapag-express ng sarili sa pamamagitan ng pagboblog.

Kasi naman, blogging ang isa sa mga unang pinagawa sakin
sa aming department sa opis. I boblog ko ang mga articles na
nagmula sa kanilang weekly o monthly magazine issues.

Pinagawa ako ng sariling account sa wordpress at ayun,
na-engganyo akong gumawa ng personal blog.

Una kong ginawa ay nagsulat ako ng nagsulat. Umabot sa apat ang entries ko. Pero nilangaw. Walang nangyari. Sinubukan kong magblog-hopping. Eto ang bumuyanyang sa akin:

1. Nainggit ako sa mga blog na kayraming tao ang bumibisita. Partikular sa comment section.

2. Mga pictures nila, kung paano sila hangaan ng mga readers at kapwa bloggers.

3. Ang pagiging unique, kakaiba, katangi-tangi.

4. Magkakaibigan na bloggers, magkakarelasyon, at iba iba pa.

Naisipan kong ayusin at baguhin ang blog ko. Nilagyan ko ito ng kulay.

Ipinaskil ko ang mga litrato ko na sa pagbabasakali na
makuha ko ang loob ng mga tao.

Ipinaskil ko ang mga contacts ko, bahay, cellphone, mga impormasyon tungkol sa akin.

Kinaibigan ko LAHAT.
Pinagkatiwalaan ko LAHAT.

INENTERTAIN ko LAHAT.

Sa simula ay natutuwa ako. Nag-eenjoy. Kung baga, unti-unti na akong nagkakapangalan sa mundo ng blog.

Di ko namalayan, NASIRA ko na ang bakod ng aking buhay.
PINAPASOK ko silang lahat.

Nakapagtipon ako ng sari-saring problema. Problemang ni hindi
maibahagi sa kanila, sa kanya, o kanino pa man.

Di ko na alam kung paano ko itatayo uli ang aking PADER.
Paano ko ito gagawin?

Pwede pa ba?

Mabuti na lang may isang taong nagmagandang loob na pasukin ang aking buhay.
Una naming binuo ang pagtitiwala sa isa’t isa. Siya ang naging sandalan ko
sa mga problema ko. At ease ako sa kanya kaya LAHAT nasasabi ko sa kanya.

Ginawa ko syang kuya kasi naman, nakikita ko sa kanya ang pagkukulang o ang mga
hindi ko nakikita sa aking tunay na kuya. Pinayuhan nya ako tungkol sa mga
napakabigat kong problema.

Tinamaan ako at Nagising ako sa mga katagang binitiwan nya sa akin.

– ” Alam mo ang tama at mali. Pero bakit ginagawa mo pa rin?”

– ” Maganda ang pamilya mo, maganda ang buhay mo, kaya wag mong sirain ang buhay mo”

– ” Maniwala ka sa sarili mo na kaya mo, at hindi kailanman magiging huli ang pagbabago”

– ” Lagi kang magpray kay Papa God”



jasonhamster

121 Responses to Walls by Jason (Guest Blogger)

  1. […] teka.. pakibisita naman ito. PAKI CLICK DITO […]

  2. TSI says:

    Kendeng Part 2 left Jasonhamster via here lol

  3. TSI says:

    Sino? Dapat ang mga nagbabasa hindi binibitin!!! sigh

  4. tsenn` says:

    kudos senyo ni kuya hamster kuya mbπŸ™‚
    mga paborito kong kuya sa blogdome ^______^
    halabsyu bothπŸ™‚
    apir!πŸ™‚

    *tumakas mula sa pagpoprogram*

  5. boypulubi says:

    Kay Jason ba patungkol ang mga nakasaad dito o sa iyo parekoy?

  6. hehehe parang si santino at si bro nag-uusap…

    • jason says:

      opo..

      parang ikaw lang at ako

      nyay

      • lhen8 says:

        ah ganun haπŸ™‚ hala talgang magpapari ata ang hamster

      • hahaha.
        oo si santino..
        apir!

      • i would like to affirm our Brother Hamster for his sound theology “Papa God” — tama yan! that is in reference to God the Father.

        “Papa Jesus” is actually wrong (daming guilty nito). Kasi si Kristo ay ating kapatid.

        In baptism, we become sons and daughters of the Father.

        Si Kristo ay Son of the Father.

        Since We are sons and daughters of the Father, and Christ is also Son of the Father, then our relationship with that of Christ is kapatid.

        We dont call our kapatid Papa.

        We call them Bro/Sis.

        When Brother Hamster calls Papa God, that is God the Father. When Santino calls Bro, he means Jesus, the Son.

        Pray ko pa rin magpari ang ating Brother Hamster.

        Maliwanag ang bukas niya sa loob ng seminaryo…

        Kung gusto rin ni Machong Butiki ng magpari, pwede rin.

        hehe.

  7. anakngpating says:

    huwaaaaaaaaaw..akala ko mag eemo..pero nasabi mo ngang ok ka na..

    well i hope makilala rin kita tulad ni jason at otep..na magiging madalas siguro ang get together namen…

    hugs..nga..

  8. otep says:

    best friend na talaga kayo, pareho pa kaya ng header NyahahahahahaπŸ˜€

    featured mo naman ako next NyahahahahaπŸ˜€

  9. anakngpating says:

    ano ka ba..hindi naman para sayo ung kment ko noh ehhe..kay mb hehe..

    epling k talaga jason ehhe..pa hugs ehhe..

    eto koment ko sayo hehe..nekstime lakihan mo ung jasonhamster na nakalagay ha ehhe..malabo kasi mata ko ehhe..(lusot)

  10. Ax says:

    actually, that’s what i thought of.. kaya unti lang kayong nakakaalam ng totoong email ko at totoong ym ko. hehe.

    di ba, MB?!
    di ba, Jason?!

    di ba?! di ba?!

  11. bonistation says:

    base! ayy gusto ko din makilala un hehe pader pala!! pader!!

  12. hisnameisdencios says:

    wag ka mainggit kasi hindi porke madaming koment ay sikat na. syempre mas ok yung madaming readers kesa sa comment kasi meaning may suporta ka talaga more than just sa koment

    btw

    nice read ang pots mo na toπŸ™‚

  13. yhen says:

    ay parang ‘enlightenment’ ang drama sa huli… hehe

    nwei, agree ako sa mga advice sa iyo… there’s a lot more to discover about life kaya wag nating sayangin ito…πŸ˜‰ and life is too short to waste it…
    πŸ˜‰ take care…

    p.s. ate mo ba talaga ko? ehhehe

  14. precious says:

    wow, hnd nako kylangang magpatala d2 ah..hehehe

    @post, asteg buti kp may mga nahanap ng 2NAY n kaibigan..
    ang EMO..hehehe

    ako din gnyan b4 na inggit sa iba na mrmeng friends at ngkokoment kya buong buhay ko ibinuyangyang ko..kaya e2 wla nakong mapost…hehehe

    sna minsan nangsasama kau s EB pra PRENDs na rin tau..^,^

  15. yhen says:

    astig ng guest blogger!πŸ˜‰

  16. Joyo says:

    huwag mo na kasing lagyan ng pader! haharangan mo pa… ayw mo non marami kang kasama sa bahay mo hindi ka mag-isa, hindi nakakatakot at saka laging masaya…πŸ˜‰

  17. arsean says:

    nakakatuwa nmang malaman na nakahanap ka ng isang taong tutulong sayo…gagabay at makikinig sa bawat hinaing at problemang naiipon sa loob mo…

    always pRay and God BlessπŸ™‚

    napadaan po…link na rin kita..

  18. livingstain says:

    hoy jason tigil tigilan mo na, nag usap na tayo at isa kang makulit na bata… dapaaa….

  19. Aba at uso na talaga ang cross-posting ngayon…

    Nice post Jason…πŸ™‚ Parang hindi ikaw kasi iba ito sa usual posts mo sa bahay mo…πŸ™‚

    Oo nga naman, inasmuch as we want to be friendly with everyone, our personal lives should be limited to a few, for “he who hath many friends hath none.” With this in mind however, we should also not outrightly close our doors to those who knock for our attention. They may also be friends in waiting…πŸ™‚

  20. boypulubi says:

    @ MB

    Ingat parekoy.

    Sana ayos na nga ang lahat

  21. Prinsesa ng Drama says:

    galing ng guest blogger!πŸ˜€ woohoo!

    HI MB! musta lyf? hehe.

    be safe always! apir!πŸ˜€

  22. livingstain says:

    nasan na si butiki, for sure nanghahabol na naman ng palaka… lolz

  23. rico says:

    tama! gudlak…sa pagbbabagong buhay…

  24. taympers says:

    ayos ah, kung ano man ang nangyayari sau ngayon sana okey ka lang. pray and pray and you’ll be okay.

  25. Winkie says:

    wow, pa-guest-guest blogger ka na ngayon jason ah! guest ka nga rin sa kin… whehehe!

    seriously, this is a very nice post. you are so blessed to have MB as your friend. kasama sya sa blessing ni God sa yo.

    … at sa may-ari ng blog, HI MB!πŸ™‚

  26. topexpress says:

    PALAK PEKEN! (clap clap clap!)

    Naalala ko bago ako umalis ng gitnang silangan. I attended our SFC grand retreat entitled “HOPE: one way to JESUS” Masaya akong umattend at mas masaya akong umuwi.

    Ganda ng post mo GUEST CELEBRITY BLOGGER JASON (aca hamster)

    muli, PALAKPEKEN!!!!! wuhoooooo!!

  27. livingstain says:

    infairful maganda ang smile mo, bagay ka sa bago kong post… apir ang mga gwapo!

  28. bonistation says:

    public info: read my blog before going to EB this evening!: thanks!

  29. walongbote says:

    masarap talaga magblog.. isang bagay na proud ako..πŸ™‚ 7 years and counting…

  30. Kikit says:

    hi. first time ko dito at hingi ko pa napasok ang bakod mo. pero i love the idea of “machong butiki”. you must be a funny man.πŸ™‚

  31. lio loco says:

    ayos yan. isa sa pinakamagandang dulot ng pagbablog ang magkaron ng mga kawavelength na magbibigay sayo ng kung anu-anong shit na payo para tumayo sa sarili mong mga paa.

    natutuwa ako sa tuwing nakapagbabasa ako ng blog na may mga temang ganto. nagkakaigihan sa pagkakaibigan maski na hindi pa man din nagkikita nang personal.

    o sa kaso mo, maski na patagong nagmamanman sa mga kaibigang tuliro sa kakahanap sayo. hehehe.

  32. blu.sparks says:

    iba talaga pag may tunay na kaibigan.
    parang pader lang, pwedeng sandalan.
    ayos to!πŸ™‚

  33. xmpre.
    pero mas maganda ka paren. hehehe. apir!

  34. naku, hehehe, ako yata ang late.
    hehehe mananalo kayo ko dito?

  35. precious says:

    jelo! morning MB! hnd k n nmn dw ksma sa EB? sows…ang mysterious mo tlg..

  36. J.Kulisap says:

    Likas sa mga sumisibol ang pagiging agresibo, kumbaga sa bulaklak nais niyang ibuhos lahat ng kaniyang bango, ang tingkad ng kaniyang kulay, ang taba ng kaniyang tangkay at luntiang dahon kaya naman maraming kulisap at bubuyog ang dadalaw.

    May PADER pa rin dapat na nakalagay sa iyong mundo kaysa sa totoong mundo.

    Iba ang kahulugan mo sa nais kong ipakahulugan sayo.

    Higit sa lahat alalahanin mong TAO ka. Pag kinaya mo yan TAO rin ang dadalaw sayo at hindi butiki, kulisap o daga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: