Ang usapan namin ni…..

 

“O bakit ang aga mo atang umuwi?”

“Napagod ako eh, daming ginawa sa office. Nakakastress, kaya umuwi na lang ako.”

“O, kala ko ba mag uusap kayo ni kuya Drew?”

“Tinamad na ko sa sobrang pagod eh, gusto kong magpahinga, gusto kong mahiga, tapos matulog na lang.”

“Kumain ka na ba? Kain ka muna kaya?”

“Kumain na ko sa labas, nagyaya kasi mga kaoffice mate ko kaya kumain na din ako?”

“Ah, kaya pala. Nag email pala si Mommy mo, sabi niya ilang araw na lang daw nasa Pilipinas na ulit ang Daddy mo. Tatlong taon mo din siyang hindi na kita di ba?

“Oo nga eh, miss na miss ko na siya, namimiss kong yakapin yung botchog nyang tyan, namiss ko din yung paghihilot nya sa likod, sa paa, sa kamay, at sa ulo ko kahit na magaspang ang mga kamay non.”

“Mukha nga, ano susunduin mo ba siya sa airport?” Mag aabsent ka ba?”

“Hindi, ayaw ni daddy ng ganon, gusto niya ng susurprise. Saka kasama niya naman si tito kaya ok na yun.”

“Kahit na, para naman magamit mo din mga koneksyon mo sa airport.” “Two weeks lang pala sila dito eh, ang bilis naman ata, bat hindi na lang sila mag pasko at new year dito?”

“Yun nga rin sana gusto ko kaso depende pa rin, sabi sa akin ni Mommy dati, baka daw tumagal sila kasi aantayin ulit yung LMO dito, kaso nong huli kaming nag usap talagang two weeks lang daw.”

“Baka naman isasama ka na pagbalik nila?”

 

“Nyak, medyo malabong mangyari yun, una, wala pa yung papers na inaantay namin ni kuya, pangalawa, may kontrata pa ko hanggang december, pangatlo, hindi ganon kadaling bumili ng ticket.”

“Wosho, MB, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan, baka nasa kanila na yung papers na inaantay mo at si daddy mo ang magdadala, pangalawa, bakit wala ka naman bond sa trabaho mo ah? Pangatlo, pera lang yun, kilala ko ang kapasidad ng daddy mo at mga kapamag-anak mo don.” Ang tanong kung sasama ka na ba?”

<Sigh> <bahagyang ngete.>

“O bat napabuntong hininga ka dyan? Tapos nangite ka pa? Bakit ayaw mo pa ba sumunod don? Di ba matagal mo ng pinagprapray yan?

 “Oo naman, kaso…”

“kaso???”

<silence>

“eh ano bang pumipigil sayo?”

“Marami, friends, bachelor’s life. Ayun, Alam mo, minsan kasi sa tagal ng pag aantay mo, parang you start to let go? Lam mo ba yung pakiramdam na yun? Ganon, parang sige, come what may.”

“Hindi naman siguro, tingin ko naging defense mechanism mo lang na sinasabi mo yan dahil ayaw mong mafrustrate kapag di ulit dumating on time ang mga inaantay mo. Kilala kita, Hindi ka madaling sumuko.”

“Siguro nga, pero ayun, minsan kasi nakakapagod ng mag-antay. Kaya mas pinipili ko na lang magpakabusy sa ibang bagay, mali ba yun?”

“Kung ako ang tatanungin mo, ok lang naman yan, mas maganda nga yan kasi tinutuon mo ang atensyon mo sa isang bagay para hindi ka mafrustrate, pero ang pagkakamali mo lang, medyo pinababayaan mo ang sarili mo.”

“Ganon? Paano mo naman nasabi?”

“Bakit ka nagkakasakit?”

“Hahaha, Kaya nga nagpapagaling na eh.”

“Wow, totoo ba yan? Iniinom mo ba yun medicines mo?”

“Opo, ito na nga hawak hawak ko eh. Abot mo nga yung tubig please…”

“O,. Ikaw nga mag-ayos ka nga, wag mong hinahayaan kainin ka ng kalungkutan mo, palagi ka na lang nag eemo hindi naman bagay sayo. Saka pwede ba, hindi lahat ng sinasabi ng utak mo ay tama at totoo, guard your thoughts.”

“wahahaha. Hindi naman ah”

 

“Anong hindi, tignan mo nga yang PSP mo punong puno ng “the fray” at mga ibat ibang melancholic songs.”

“hahaha, ewan.”

“Ano sasama ka na ba sa daddy mo?”

“Hindi ko alam eh. Siguro pag andyan na lang yung papel saka ko magdedecide.”

“Gusto mo na ba?”

“Hindi ko nga din po alam kung handa na ba ko, para kasing nag aalangan pa ko.”

“Basta sabihan mo ko kapag nakapagdecide ka na ha?”

“Opo, basta tulungan mo pa din ako,”

“Oo naman, kaw pa!? Hayaan mo bukas paggising mo magugulat ka na lang ginigising ka na ng daddy mo.”

“Sana nga.”nice sound

“Mabilis na lang yun.”

“Opo, sige tulog na po ako.”

“Ok, tulog ka na mahimbing. Dont forget to pray, because Bro is so excited to talk with you. Basta kung gusto mo pa rin ng kausap dito lang ako, ok? Basta kalabitin mo lang ako, basta ang rule lang natin…”

“Oo, lam ko na, wag na wag tatalikod pag nag-uusap… o sige na, patayin ko na yung ilaw…”

“Jesus loves you so much. Goodnight pogi!!! hahaha”

“Wag ka na! Epling ka! Hahaha”

“O sige na tutulog na ko, bukas na lang ako ulit haharap sa salamin. Apir!”

“Apir!”

144 Responses to Ang usapan namin ni…..

  1. waaahhh…wala akong clue..sino ang kausap mo?

    first base pala ako!

  2. jason says:

    hahahahahaha ang galing!! huwaw!!!

    talagang… piang hirapan itong post na to..

    puno ng wisdom at emotion…
    😀

    magkikita nan kayo ng daddy mo! naks

    pasalubong…

  3. jason says:

    kasi naman ang kuya ko, palaging nagpapagod tsk tsk tsk….

    ayan susunduin ka na ni daddy mo.

  4. arsean says:

    naligaw ata ako ng napuntahan kanina…parang sau din ung blog na yun ah…wehehehe

    ang haba ng conversation nyo..kala ko kung cno na yun..hahaha nainggit pa nman ako buti may ganyan kang nakakausap…nun pala sarili mo din pala…nice post MB…Apir!!!

    • machongbutiki says:

      wow. salamat arsean!! u can always be kind to others, pero dont forget to be kind also to ur self, sometimes u just really need to talk to yourself in that way, reflection ika nga nila. heheh. apir! mraming salmat at ito ay iyong ngustuhan.

  5. otep says:

    may pogi o. lols.

    napadaan lang maya na ako basa.

  6. roomboy1987 says:

    nice blog.. ang haba.

  7. precious says:

    aba MB:

    -kelan kp na22ng magdroga? (kinakausap mo ang sarili mo)
    -pet kita sa FFS, u can tell me problems lyk dis (konek?)
    -dadating na c daddy? (pasalubong)
    -aalis ka na? (malulungkot ako)
    -picture mo yan tlg? (ang cute mo at ng ilong mo😆 )

    hay..

    • aba precious:

      -ngayon lang simula ng mabasa ko ang comment mo.
      -eh ano naman. (wahaha. joke) ano ba un?
      -oo darating na si daddy. (sige ba!)
      -di ko pa alam (wag kang malungkot parang matagal pa)
      -pix ko ba to? (malaki lang ilong ko. hehe)

      -mamats sa comments, taob ako..apir!

  8. joycee says:

    Wahahha si self pa pala ang kausap, masarap sya kausap noh???

  9. machongbutiki says:

    totoo yan joycee. apir! magandang umga sau. heheh.

  10. precious says:

    sbi ng wg magdroga eh..pareho na kau ni ax…xa naman guni-guni sau mas malala kinakausap ang sarili…

    hay MB, tigilan ng rugby ah, ecstasy nlng at afford yan ni daddy..😆

  11. good apternun pogi! ayiiii

    ako palagi ko din kausap noon ang sarili ko haha…

    pero yun nga wag mong hayaan palaging sarili mo nalang ang kinakausap mo!!

    ingat palagi at na miss kita😉

    apir!

    • machongbutiki. says:

      wow. maraming salamat sa pag bisita, payakap nga, isa ka sa sobra kong namiss dont worry il take ur word for it. hehehe. apir!
      ingat ka po palage ha?

  12. jason says:

    kuya, kelangan talaga nakaheadset!! HAHAHAHA

  13. tsenn' says:

    we’re falling apart
    and coming together again and again
    we’re coming apart
    but we hold it together
    hold it together, together again
    *wink*

    nice to feel u again, kuya. :]

  14. jason says:

    hey.. adik sa plants versus zombies.

  15. joan says:

    ..namiss ko dito huhu.
    ..at namiss ko ang pogi! wahahaha. apir! nice one kuya MB. walang kupas. whew… hamishu!!😉

  16. Ax says:

    ungas ka.. nakita kitang online kagabi.. nagtext ka.. at nung ime message na kita.. nag log out ka.

  17. Joyo says:

    nagkaintindihan ba kayo ng sarili mo?

    hehehe di ko pa binasa may kalaban sa paligid… *shield*

  18. flamindevil says:

    xlinks tayo?toinks

    nangungulit lang..haha

  19. HI MB! kamusta na??

    Take care!🙂

  20. jason says:

    o kuya???

    May tira pa bang kare-kare??

  21. whitepaige says:

    dami nman mg uusap dito na op 2loy ako..lolz

  22. jason says:

    salamat sa mga usapan kagabi salamat sa inyo,

    teka patutugtugin ko muna ang canon.

    ay, parang eto rin comment ko kay ax. haha

  23. .poOt! says:

    ang tagal mong nawala butiki ah. //

    hehe. na-miss ka namin. lolz.

  24. stormy says:

    o bat nagsasalita ka mag isa?? andito naman ako..yay!

    heheheh..welcum back:)

  25. aksoriyalmo says:

    aw. aw. aw. wala lang. saturday. sabado. bago mag linggo.

  26. Mr. Nonsense says:

    bedtime story pala. si ax iba ang bedtime habits….*censored*

  27. pinkdiaries says:

    sana nasa maayus ang usapan nyu.. hehehe.. paparamdam lang, tagal ko ding hindi nagparamdam ehh.. musta naba?!

    ingat lagi!!

  28. flamindevil says:

    pa base lang..wala pa pala kong comment dito

    natuwa ako,yung theme mo kakulay ng tshirt ko ngayon.hahaha

  29. alfred says:

    astig! haha galing ang haba nun ha. kuya pajoin ako sa inyong masayang federation..

  30. tsenn` says:

    *nag-iwan ng fingerprint*

  31. yhen says:

    mb bagong header mo… namis ko dumalaw dito… hehe…

    take care oweiz mb… GBU!

  32. jason says:

    Base!!! kala mo a.

  33. jason says:

    isa pa. wala pa atang gising..

    BASE!!!

    tuamtaginting na BASE kuya MB!!!

  34. jason says:

    eto base last na.

  35. jason says:

    eto talaga.. BASE

    Makulit ka a.

    Mas makulet ako.

  36. aksoriyalmo says:

    chocolate. chocolate. chocolate.

  37. davin says:

    ako din mb, chocs ko! hehe… un may almonds o kaya cashew, ok din un may hazel nuts! nyahahaha! todo request😀

    sana may internet sa pupuntahan ko, para naman may mapaglibangan dun. hayyy…

  38. jason says:

    oi yung chocolates. wahhhhh

  39. davin says:

    test comment… test.. 1.. 2.. 1.. 2.. test comment.. 1-2-1-2😀

  40. laboyboy says:

    hello po. newbie po ako sa blogosperyo. ako po si laboyboy, ang batang gala! makikigulo po ako sa inyo dito. exchange links po tayo ha…

  41. laboyboy says:

    may new post na po ako….

  42. dhyoy says:

    uhmmmm itay ngaun ko ang nabasa ito sorry naman…

    sana nakapagdecide ka na…🙂

  43. jason says:

    anong kinakain mo?

    – nagaraya. munch munch munch

  44. lovely says:

    ngayon lang nadalaw ulit..pasensya naman hehe..
    so paalis ka na..di pa naman siguro matagal pa yan di ba..(aruy)
    kamusta naman si mb ..namimiss ko na kayo ni jason ah..wala ng madalas mag ping sakin..wala na rin akong kausap pag dating na malapit na ko umuwi..
    busy na kayo pareho ..
    naiignore nyo na ko..huhu..(tampo mode)

    sige kakausapin ko na lang din ang sarili ko..lols..
    apir..
    hamishu..

  45. Sows says:

    gandang umaga MB!!

  46. tsenn` says:

    KUYA MB!

  47. etchosera says:

    ma try nga na kausapin din ang sarili hehe..

  48. voodooboxer says:

    katouch na man maxado ung sa father part😉

  49. yvarro says:

    ang haba ng mga comments! ginawa bang chatroom?…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: