Ang tambol ni Patrick.

 

 Naalala ko nong nasa gulang pa ako ni Patrick na aming pitong taon gulang na kapitbahay, gumawa din ako ng tambol, gamit ang plastik ng sm, ang tatlong lata ng gatas ni ontoy, sang katutak na goma at dalawang barbeque stick. Inalis ko ang pwetan ng lata, saka binanat ang plastik at pinantakip sa kabilang butas tapos pinuluputan ng maraming maraming goma, linagyan ko din ng goma ang dulo ng barbeque stick. Viola!!! nakagawa ako ng isang drum set. Hehehe.

Kung may isang bagay akong gustong gawin at balikan tuwing christmas season iyon ay ang mangaroling kasama ang mga kalaro kong sila otoy, si willyjeff, si marby, at celine. Yun yung mga oras na hindi pa nagkakasakit ang bayan at halos araw araw nakaka singkwenta kami sa pangangaroling. Kung san san kami nakakarating at halos lahat ng aming kantahan nahuhumaling (weh?). Para kaming mga cassette recorder na paulit ulit ng kinakanta, walang kasawa sawa, haharap sa pinto ng bahay, sabay kanta, ….saming bahay ang aming bati meri xmas, nawawalhati, panigurado kasunod na non ay …… jingals bels jingal bels, jingal ol the way, owis pan di istorayd and da wanders open say. Hey!!!  Repeat until they give you money. Hahaha. Feeling ko non dati kami na ang may mga pinakamagandang boses, pinaka hi tek na instrumento, at pinaka malaking kumita.

Lahat yun naalala ko dahil lang sa tambol ni Patrick na ginagawa niya kanina. Marami na din nagbago simula ng pasko iyon, dati ang simple pagkanta ng jingal bels ok na, kahit pa wala sa tono, accepted na, hindi ko na din nakita sila celine, alan, marby at willyjeff simula ng lumipat kami ng bahay. Asan na kaya sila ngaun? Mangangaroling pa kaya sila? Nakagawa na kaya sila ng tambol at karakas nila? Anong oras kaya sila lalabas? Ikaw mangangaroling ka ba mamaya? Sama ako…. basta ako ang drummer, hihiramin ko ang tambol ni Patrick.

maligayang pasko sa iyo kaibigan… =)

59 Responses to Ang tambol ni Patrick.

  1. davin says:

    base muna!
    penge chocoyey!😀

  2. jason says:

    meery christmas kuya mb

  3. pinkdiaries says:

    hello! ako din, gustu kong balikan yung mga gingawa ng bata na mamasko, kasi nakakatuwa dahil kasama mu mga kaibigan mu na namamahay mahay para mangaroling, tpos after nun, paghahatian nyu ung pera na pinamaskuhan nyu, at bibili na kayu ng food,o kaya naman pandagdag sa pambili ng bagong damit para maisuot sa pasko! hays..kaka miss talaga!🙂

    • machongbutiki says:

      oo, hati hatian, na nauuwi sa pagbili bili ng pagkain, at kung ano anong laruan sa tindahan ni aling josie. hehehe kakatuwa.. oo, naalala ko non dati kapag nakakakuha ako ng malaki laki, hinihiram ni mommy tpos hang. sa nakalimutan ko na hindi nya na ibabalik, tpos pag naalala ko, nabili na daw nya ko ng damit. hahaha. si mommy tlga. maraming slamat sa pagdalaw pink diaries. hehehe. ingats ka.. =) apir!

  4. chingoy says:

    base ako…:)
    miss ko ung pagiging simple ng pangangaroling noon, simpleng tambol at simpleng tansan, kanta na ng “sa may bahay”…
    tas bili na ng “chocnut” hehehe
    meri krismas!

  5. jason says:

    kuya mangaroling tayo.
    naalala ko

    perstaym ko mangaroling kuya, mag isa lang ako.
    december 25 ng umaga.

    ang pasko ay sumapit. tayo ay mangag si awit.

    tapos ayun.

    di pa natapos unang paragraph,

    patatawariN!!

    first and last caroling na nagawa ko yan
    @ 7 years old.

  6. fampings says:

    isang beses ko lang nasubukang mangaroling nung bata-bata pa ako at sa kasamaang palad isang bahay din lang ang napuntahan namin kasi hinabol kami ng aso dun sa pangalawa… kaya yun hindi na namin ginawa sa iabng house pagkatapos pangyayaring yun…

    • waahahaa. oo na experience din nmn un. haha at nakakatawa kasi kahit ilang aso pa ang kumahol sa amin, mas lalo namin linalakasan ang boses namin. hehehe. maligayang pasko nga pala fampings.. apir!

  7. Ax says:

    wag ka na mangaroling.. baka kuhain mo lahat ng perang kitain niyo. haha.

    kaso puro tawad naman ata ang ibibigay sa inyo. aw.

  8. lovely says:

    tara ako second voice ako hehe..
    kakamiss nga talaga ang kaloring naalala ko nag pipipit ako ng takip ng softdrinks nun para sa instant tamborin..hehe..
    kamiss inaabot kami ng alas diyes ng gabi tapos sa may tabi ng tindahan kami maghahatihati ng napamakuhan namen hehe..

  9. yhen says:

    na experience ko lang ang caroling nung nagstay kami sa laguna… di kasi masyadong uso sa ilocos yun eh… kung meron man mga matatanda nagcacaroling dun… hehe…

    wel, salamat kay mb naalala ko kabataan ko… namis ko tuloy bigla mga pinsan ko… hehe

  10. tsenn` says:

    little drmmer boy pala ang drama🙂 harhar. merry christmas kuya mb. paskong-pasko na dito ah.

  11. pinkdiaries says:

    naaliw ako sa songs ditu! paskong pasko na tlaga!🙂

    be safe!

  12. sakpin says:

    namimiss ko na rin mangaroling, anong saya ang naibibigay nito sa akin kapag kumakanta, sa pangangaroling kasi kahit sintunado ka na wala kang pakialam basta lang makakanta at kumita. salamat sa post mong to, na nanostalgic tuloy ako.

  13. jason says:

    Tambol ni Patrick? ikaw kaya tambulin ko.

    wahahahahah

  14. Sows says:

    meri krismas MB!!

  15. jason says:

    magandang hapon sayo MB

    patambay muna d2 sa blog mo!!!!

    nasan ka na!!!

    hahahahahah

  16. jason says:

    BASE!!

    basta BASE ako!!!

  17. J.Kulisap says:

    Maligayang Pasko MB.

    Masarap balikan ang kabataan.

    Puno pa ng tiwala sa sarili.

  18. kaye says:

    hmmm… yan ang di ko nagawa nung bata pa ako ang mangaroling sa mga kapitbahay. sarap sana nun.

    napadaan lang🙂

    Merry Christmas sayo!

  19. Prinsesa ng Drama says:

    At long last, nakapasok din ako sa blog mo MB! hehe.
    Musta ka na? Miss ko kayo!

    Merry Xmas! GBU🙂

  20. voodoots says:

    merry xmas!!!!

  21. Mr. Nonsense says:

    miss ko lang talaga ay puto bungbong.
    pero di bale na dahil malaki na ang tumbong ko

  22. jason says:

    Happy New Year Kuya MB!!!

  23. joycee says:

    Happy new year MB! Im super late nyahahah!

  24. doroastig says:

    munting pahabol: HAPPY NEW YEAR SA LAHAT ! ! !

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: