Its How You Value People, tama?

“Kelan ka aalis?”

“Hindi ko alam. Basta malalaman mo na lang yun.”

“Teka, bat ka nga pala aalis?”

“Hmm. Alam mo yung feeling na wala ka ng value? Na gusto mong hanapin yung part na yun sa iba?”

“Hindi kita maintindihan, MB.”

“Ganito, alam mo yung feeling ng Tshirt sa Cabinet na dati dati palagi mong sinusuot at sinisama san ka man pumunta? Nong una, araw araw mo lang dinadaan daan sa Bench dahil may kataasan pa ang presyo tapos nong nakuha mo na palagi mo itong isinusuot dahil maganda ang fit sa katawan. Hanggang sa unti unti na tong naluluma at naging madalang mo na din suotin perhaps dahil hindi na din uso at luma na. Lumipas ang dalawang taon, kumuha ka din ng iba pang mga tshirt at tinabi don sa dati mong paboritong tshirt kaya kahit napapansin mo to mas pinipili mo ang ibang tshirt na suotin.”

“Bakit naman napasok Tshirt ko dito?”

“Ewan ko, palagi ko kasing nakikita yung tshirt na yun na dati naman palagi mong sinusuot at vinavalue.”

“Sinusuot ko pa rin naman.”

“Oo nga, pero ganon mo pa rin ba siya vinavalue kung itatabi mo sa iba pang mga tshirt mo?”“Ano bigla kang natahimik no?”

“Hindi naman siguro.” “Ang importante hindi ko ipinamimigay o inaalis yung tshirt na yun sa cabinet ko.”

“Yun nga eh, kahit hindi mo ipamigay, kahit hindi mo inaalis, mas lalo mo naman binabalewala.”

“Ganon ba yun?”

“Oo.”

“Pero MB, hindi ka naman t-shirt. Hindi naman tama na ihalintulad mo ang sarili mo sa isang bagay, dahil hindi naman kayo magkasing value.”

“Hindi ko naman inihahalintulad ang sarili ko sa isang bagay, binigyan ko lang ng analogy para mas lalo mong makuha.”

“Naiintindihan kita.”

“Kaya ikaw learn to value people lalo na yung importante sayo. You’ll never know kung kelan sila mawawala at kung mahahanap mo pa sila. One day, you’ll miss them badly para sa huli hindi mo pagsisihan na sana kung pinahalagahan ko lang sila at pinigilan ko siya dati.”

Tips on how to Value People
1. Spend your time with them.
2. Never leave them in their darkness hour.
3. Take time to listen.
4. Never neglect the power of constant communication.
5. Love them unconditionally.

14 Responses to Its How You Value People, tama?

  1. yahjme05 says:

    hindi ka t shirt dude… hahaha

    tama nga naman .kapupulutan ng tshirt este lesson pla.

    ikaw na.

  2. Ganda naman ng analogy. Pero mukhang naging emo ka dun bro. May problema ba?

  3. touchy naman.. at super true. learn to value the people around you. we may not truly appreciate their roles in your life but when they’re gone then we realize the emptiness without them. so wag na natin antayin yun..

    ako din madaming mga lumang tshirts. madalas sinusuot ko pa din sila kahit luma kasi comfortable gamitin. saka kuripot ako bumili ng mga bago.. hehe..

    musta MB? tagal kitang hindi naramdaman ah.. hope you’re doin’ fine🙂

  4. Yvarro says:

    haiz… ang ganda… napatanga lang ako sa screen…😀

  5. L says:

    “Hmm. Alam mo yung feeling na wala ka ng value? Na gusto mong hanapin yung part na yun sa iba?”

    shet! natumbok mo, pre. ganiyang-ganiyan din ako netong nakaraan lang. dapat nga talaga, vinavalue mo ang taong malapit sa’yo. kasi sa oras na pinakita mong wala na siyang halaga sa’yo, kukupas at kukupas ‘yan.

    parang t-shirt lang.

  6. duking says:

    napahanga ako na yung moral at learning eh maikukumpara sa t-shirt o sa mga bagay na minsan nating pinahalagahan tapos kalaunan eh binabalewala.

    sir mb, sa totoo, yung number 5, ‘love them unconditionally’ ito yata ang pinakamahirap gawin sa kaso ko bilang ako.

  7. prinsesa ng drama ♥ says:

    na miss ko na talaga dito MB! Musta ka na? Ingats lagi.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: