Asan HOME mo?

February 11, 2010

Main Entry: 1home
Pronunciation: \ˈhōm\
Function: noun

1 a : one’s place of residence : domicile b : house
2 : the social unit formed by a family living together
3 a : a familiar or usual setting : congenial environment; also : the focus of one’s domestic attention <home is where the heart is> b : habitat

——————————————————————————————————————————-

“Pagod ka na siguro? Gusto mong umuwi? Sige, san ba bahay mo?”

Naalala ko ang isang kaibigan mula sa nakaraan, siya lang naman ang nakausap ko tungkol sa ganitong bagay. Oo, maituturing na emo, sa lahat naman ng pwedeng pag usapan, ito pa ang napili niyang topic. Gayunpaman, natuwa ako sa taong ito, dahil dalawang buwan bago maantala ang aking pag fly fly. Eh nagkaroon kami ng matinding diskusyon. Hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin sa HOME.

A home is not a house, neither having a house doesnt mean having a home. So asa bahay ka na ba? Nong isang araw lang muli ko siyang nakausap, iba na ang pananaw niya sa aking sinasabing home. Kahit dati pa man, alam ko na ang kaibigan kong yun nag hahanap na ng home (for the aged). A place kung saan mararamdaman niya lahat ng pagmamahal at pag aaruga, a place kung saan may tinatawag na pamilya, kung saan meron inang yayakap sa kanya sa oras na kinakailangan niya ng comfort, a place na kung saan may amang mag sasabing “kaya mo yan anak at susuportahan ka namin,” a place kung saan meron kapatid na makakausap, makakasama at makakakulitan. Hanggang ngayon in search pa din siya.

Lahat tayo nagmamadaling lumalaki, lahat tayo gustong makatulong sa ating minamahal, lahat tayo gusto nating yumaman, lahat tayo gustong makatikim ng ginhawa, lahat tayo may kanya kanyang ambisyon.

Langoy! Hinga! Langoy! Hinga! Halos lahat tayo pinipilit lumangoy papunta sa tagumpay. Pero paano kung sa muli mong paglingon ay hindi mo na makita ang iyong pamilya. You can’t see them, only a wide spacious blank panorama lang ang tangi mong natatanaw. Walang pamilyar faces, only same people struggling to swim to reach their goal. Suddenly, you realize, nag iisa ka na lang. Some started to drown, some accepted the fact na everything’s is meaningless but for some their  friends helped them.  You started to swim with other people, you gain friends and enjoy the company but is it enough? Can they fill that entire vacuum in your heart?

Narealize ko halos wala din pala kaming pinagkaiba ng kaibigan kung yun, we are both in search of that intensely desired home, yun nga lang sa magka-ibang planes and figures. I miss my home, do you miss it too? Where is your home?

Home by Josh Verdes.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

Advertisements

Walls by Jason (Guest Blogger)

August 31, 2009

HOPE
Isa ko sa mga kabataang nangarap magsulat
at makapag-express ng sarili sa pamamagitan ng pagboblog.

Kasi naman, blogging ang isa sa mga unang pinagawa sakin
sa aming department sa opis. I boblog ko ang mga articles na
nagmula sa kanilang weekly o monthly magazine issues.

Pinagawa ako ng sariling account sa wordpress at ayun,
na-engganyo akong gumawa ng personal blog.

Una kong ginawa ay nagsulat ako ng nagsulat. Umabot sa apat ang entries ko. Pero nilangaw. Walang nangyari. Sinubukan kong magblog-hopping. Eto ang bumuyanyang sa akin:

1. Nainggit ako sa mga blog na kayraming tao ang bumibisita. Partikular sa comment section.

2. Mga pictures nila, kung paano sila hangaan ng mga readers at kapwa bloggers.

3. Ang pagiging unique, kakaiba, katangi-tangi.

4. Magkakaibigan na bloggers, magkakarelasyon, at iba iba pa.

Naisipan kong ayusin at baguhin ang blog ko. Nilagyan ko ito ng kulay.

Ipinaskil ko ang mga litrato ko na sa pagbabasakali na
makuha ko ang loob ng mga tao.

Ipinaskil ko ang mga contacts ko, bahay, cellphone, mga impormasyon tungkol sa akin.

Kinaibigan ko LAHAT.
Pinagkatiwalaan ko LAHAT.

INENTERTAIN ko LAHAT.

Sa simula ay natutuwa ako. Nag-eenjoy. Kung baga, unti-unti na akong nagkakapangalan sa mundo ng blog.

Di ko namalayan, NASIRA ko na ang bakod ng aking buhay.
PINAPASOK ko silang lahat.

Nakapagtipon ako ng sari-saring problema. Problemang ni hindi
maibahagi sa kanila, sa kanya, o kanino pa man.

Di ko na alam kung paano ko itatayo uli ang aking PADER.
Paano ko ito gagawin?

Pwede pa ba?

Mabuti na lang may isang taong nagmagandang loob na pasukin ang aking buhay.
Una naming binuo ang pagtitiwala sa isa’t isa. Siya ang naging sandalan ko
sa mga problema ko. At ease ako sa kanya kaya LAHAT nasasabi ko sa kanya.

Ginawa ko syang kuya kasi naman, nakikita ko sa kanya ang pagkukulang o ang mga
hindi ko nakikita sa aking tunay na kuya. Pinayuhan nya ako tungkol sa mga
napakabigat kong problema.

Tinamaan ako at Nagising ako sa mga katagang binitiwan nya sa akin.

– ” Alam mo ang tama at mali. Pero bakit ginagawa mo pa rin?”

– ” Maganda ang pamilya mo, maganda ang buhay mo, kaya wag mong sirain ang buhay mo”

– ” Maniwala ka sa sarili mo na kaya mo, at hindi kailanman magiging huli ang pagbabago”

– ” Lagi kang magpray kay Papa God”



jasonhamster


Victimize Me.

July 1, 2009

The world is so unfair and is never just.

And you can’t just accept the fact that you’re a victim of it.

Walang Mike Enriquez, walang Tulfo, walang XXX agent…

 

Kanina I got my Job Interview in Globegrounds as PSA (Passenger Service Assistant). Maraming aplikanteng katulad ko ang naghahangad na makapasok sa nasabing trabaho. 10am ang interview pero pumunta ko ng mas maaga sa inaasahan. Mahaba haba din ang pilang sumunod sa akin buti na lang at mas maaga ko sa kanila.

 

Pinagmamasdan ko ang bawat isa habang tahimik na nakaupo sa pila at nag-aantay. Ang bawat isa’y may storya, may kanya kanyang dahilan at may sariling pangangailangan. Nagkataon kasama ako sa kanila.

 

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng interview ko. Hindi ako napili dahil wala akong accent at kinapos ako sa height. Nong una nagself-pity ako pero mas pinili kong matulog na lang sa bus pauwi  para makatakas sa hatak ng katotohanan, hanggang sa nagising ako at nasabi ko na lang. Pupunta ko sa Meralco Ortigas at mag-aapply. Pagkababa sa Ortigas nagpahinga kaunti sa Mini-stop at uminom ng guava juice at sabak ulit sa lakaran. 

 

Thursday, hanggang Thursday ang sinabi ng HR kapag wala akong nareceive na text or tawag, I’m subject for more evaluation. (In short, Wag ka ng umasa pa!) Habang palabas ako ng Meralco Compound nasabi ko na lang ganito pala kahirap ang maghanap ng trabaho. Para kang nanghihingi ng limos sa bawat kumpanyang pinag-aaplyan mo.

 

Hindi ako madaling madiscourage pero hindi kasi maalis sa isip ko ang mga mukha ng mga mapanglait na trainees ng Globegrounds lalo na nong palabas ang mga hindi natanggap at ang sabi pa nila: “Ay hindi natanggap, kawawa naman.”

 

There’s no place like home and a room with a very comfy bed, solace atmosphere and nice fan. Agad akong umuwi ng bahay, nagbihis, kumain at natulog sa dati kong kwarto kung saan madilim, walang bintana, at tahimik. It is a haven from all the pressure, stress and expectation outside.

 

Indeed, the world is unfair and I refused to be called a failure. I may have setbacks right now, but it doesn’t mean I failed. The world is really unfair but I refuse not to fight back.

I am fighting.