Let’s Now Talk About Pain

November 28, 2008

 

Inatake na naman ako ng pagkamelancholic ko. Ewan ko ba kung bakit kapag unti at maliit na bagay lang ang nagagawa ko I feel so insignificant. Ang alam ko kasi I’m designed for something great kasi sabi mo yun at may impact ako pero bakit ganun parang hindi. Kaya ayun, nauwi sa kaunting pag seself pity ang lahat ng mga naisip ko. Hanggang sa naungkat na naman ang issue about sa aking pag iisa at pagiging malayo sa pamilya. “I made my peace with it along time ago, you never did.” Yan ang banat ni Claire Bennet sa kanyang tito Peter Petrelli ng magkaharap sila sa season three, episode 1 ng Heroes. Yun rin ang gusto kong sabihin sa mga issuing gumugulo sa isipan ko ngayon. I know where I stand and where my feet is set, pero bakit ganun ang dating sakin?

 

Kaya kong mag-antay wala rin naman akong options eh. Basta sabi mo hanggang March at pagkatapos ng graduation march ko. Ganun ko sinet ang ang mind ko, sobra  na  po siguro yun. Natatakot ako sa totoo lang kung anung pwedeng mangyari kapag nagpumilit pa ko ng mas maaga o di naman kaya tumagal pa ko dito. Kaya matapos ang pakikipagtawaran nauwi ito sa buwan ng March.

 

Ang hirap pala kapag sinasama Kita dito. Lumalabas kasi ang pagiging mababaw ko, naguguluhan na po kasi ako at hindi ko na rin po maintindihan ang sarili ko, sometimes I wonder if I’m still human. Naks, Claire. The best ka. Isa kasi siya sa mga lumutang na character sa Villains. Paano ba naman kasi kung sino pa ang naging pag-asa ng bayan . “Save the cheerleader, Save the world.” Eh siya rin pala ang magiging sanhi ng kamatayan ng mga tutulung sa kanya.

 

Pain. Pain. Pain. Siguro yan ang sinisigaw ni Claire sa loob loob nya na katumbas ng Blade. Blade. Blade ng mga emo sa kanto namin. Sabi ng mga psychologist kung gaano kasakit ang physical pain ay itimes mo ito sa 20(numbers are mine) ganon daw kasakit ang dulot ng emotional pain sa mga tao. Kung bakit pa kasi nauso ang nerve endings na nagttxt sa mga utak natin ng word na PAIN kapag nasaksaktan tayo.

 

At hindi nagtatapos yun doon. Kung may balat na tinatawag syempre meron din tinatawag na emotional scars. Kaya siguro nauwi si Claire sa ganung character sa Heroes – isang killer machine. Ang aso daw kapag binuhusan mo ng kumukulong tubig ay uungol ng napakalakas; pag binuhusan mo naman ng malamig na tubig after nyang makarecover ay uungol din ng kasinglakas ng binuhusan mo siya ng kumukulong tubig. (kids never ever try this in your home.)

 

Hindi ka aso para tularan sila nakahit masaya na ay nag eemote ka pa sa tabi. Alam mong dapat mong madistinguish ang kaibahan ng natural pain sa self afflicted pain.  Ikaw pili ka kung gusto mong tabihan ang aso namin at magjamming kayo sa kanyang kalungkutan. 

 

Pain is good, it allows you to grow more.

It makes you feel more alive and human.

It urges you to move and do some actions.

The more it presses you the more you cry.

The more good things come out from you

(oo tama, parang orange juice)

It makes you seek your God for comfort.

 

Nakakatuwa yun isang speaker namin dati, tinanong nya kami, possible daw bang kahit nasasaktan na kami ng todo todo at bonggang bongga ay hindi pa rin ito nag aappear sa fis mo. In short, very objective ka pa rin. Wag ka ng kumuntra ang sagot “Oo.”

 

“Oo, nasasaktan na ko. Alam ko yun. Ramdam na ramdam ko pero wag mo ng ungkatin pa. Kasi ayaw kong maapektuhan ang buo kong sistema, siguro mas mahirap bumangon mula don.”

 

“Basag na basag na ko. Anu pa bang gusto mong gawin sa akin? Gawing face powder? Baka sumuko na lang ako, baka di ko kayanin, baka di mo na ko mabuo, baka di na ko makatayo.” Puro baka, ibig sabihin hindi  ako sigurado kaya <don’t mind this>.

 

“Anu pa bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo kasi nahihirapan na ko. Pinakinggan kita kasi naniniwala ako sayo. At hindi yun magbabago, anu pa bang kulang ko? Please tell it straight. Sabay singhot!

 

<Ayun saka bumuhus ang ulan>

 

Pero ayun katulad ni Claire na kahit indestructible na matuturing, in the end nasaktan pa rin at mas katakot takot na pain ang naramdaman nya. Paano kung ikaw makaexperience non?

 

  1. Kakain ka na lang ba ng chocolates para punuin ang katawan ng endorphins?
  2. Kukuha ka na lang ba ng isang dosenang blade?
  3. Iinom ka na lang ba ng dalawang kilong sleeping pills?
  4. Mag-iimbak ka na lang ba ng bari-barilis na alak sa yung katawan?
  5. Magswiswimming ka na lang ba sa sangkatutak na papel sa office table mo?
  6. Iiyak ka na lang ba hanggang sa wala ka ng maihi?
  7. Makikisaya ka na lang sa mga kaibigan mo?
  8. Lulunurin mo na lang ba ang sarili mo sa kape ng starbucks para lang makakuha ng planner nilang bago?
  9. Magpapakalayo ka na lang ba hanggang sa makarating ka ng Mars at masabi mong pwede ka na don magsimula ng panibagong buhay?
  10. Bubusugin mo na lang ba ang sarili mo hanggat sa pumutok ang bawat intestine mo?
  11. Tatambay ka na lang ba sa lahat ng makita mong bayside?
  12. Nanamnamin mo ba na lang to the highest level ang pain at kalungkutan?
  13. Manghoholdap ka na lang din ba ng bangko?
  14. Bibili ka na lang ba rakyomin?(di ko alam spelling non)
  15. o magdadasal ka na lang at maging masaya?

 

Alam kong matalino ka para pumili sa pinaka the best answer pero sigurado ka bang pagpinili mo ang sagot na yun gagawin mo yun at haggang doon na lang yun? I believe that He is greater than our emotions, minsan pagkatapos kung magpray bago kumain, eh parang busog na ko, why? Kasi nga He is greater than all your emotions pati ang pagiging gutom. Kaya ayun, minsan di ako nagprapray. Hahaha. Joke. Maging masaya ka dahil sa pagkatapos nito ay ang pagdidiwang. Tignan mo yung mga namamatayan, after 9 days. Kainan na naman tapos may 40 days pa, fiesta ulit. Ganun lang yun.

 

 

There’s no other way. You need to plunge into the process because it builds your character. At dito ko sigurado sasabihin ko, May hinahanda Siya para sayo. Tama!?