FACING NEW CHALLENGE FOR THE FIRST DAY OF THE NEW YEAR

January 2, 2009

“Great powers comes great responsibilities.”

 

Ang hirap palang maging superman. Christian pala ko na nagkataong tao lang. Limited at walang kapangyarihan. Ito ang mga narealize ko sa pagtatapos ng unang araw ng bagong taon. Kung bakit? Ito ang istorya.

 

5 ng hapon ng umakyat ako sa itaas upang tignan ang kumalabog na bagay. Tunog Electric Fan pero hindi yun ang una kong naisip, ang mga makukulit na bata ang pumasok sa isip ko – sino ang nakasangga.

 

Si inang. Inang ang tawag ko sa lola ko. Salitang ilokano na ang ibig sabihin ay nanay, mama or mommy. Pero mas kinagisnan kong tawagin siyang inang at hindi lola.

 

Nakaupo siya sa terrace naming nakayuko at nanghihina. Nahilo daw siya. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay. Nanlalamig at mararamdaman mo sa kanyang paghinga ang panghihina nito.

 

Agad ko siyang dinalhan ng tubig upang mahimasmasan. Pero bago pa niya ito inumin ay sinabi niyang “mamatay na daw siya.” Medyo natakot ako, sa dahilang hindi pa siya pwedeng mamamatay dahil hindi ko pa siya napasalamatan ng lubusan. Kaya napatawag sa itaas. Wala pang ilang minuto ay sinabi niya namang “anak ko, baka dito na ko mamatay.” Wala pang ilang minuto ay muli kaming napatawag ng tita ko sa itaas. Habang dinadasal ang salvation prayer, hindi na napigilang lumabas ang mga kakarampot na butil ng mga luha na lumabas. Bawat phrase ng panalangin na lumalabas sa aking bibig ay siya rin naman niyang inuulit. Maiksi at mabilis ang pagkakadasal namin ngunit sapat na para marinig Niya ang gumagaralgal na boses ni Inang.

 

Mayamaya pa’y sinagot ng God ang panalangin namin. Magaan na daw ang kanyang pakiramdam. Binilhan ko siya ng gamot na sinasabi niyang iniinom niya at saka pinainom. Ilang sandali lang yan muli siyang dumaing. Hindi na naman daw siya makahinga. Hanggang sa nagdesisyon na kaming dalhin siya sa hospital.

 

To cut the story short,

 

Naiuwi namin si inang, dala ang kanyang larawan na baga na kulay white. 70% sa kaliwa; 50% sa kabila na lamang ng kanyang baga ang gumagana. Ang iba hindi ko alam kung natutulog lang. Kailangan daw namin siyang dalhin sa Lung Center upang mas lalong matignan at malunasan. Ako ang ama ng tahanan na ito sa mga pagkakataong ito nakasandal lahat sila sa akin. Lord, kelangan ko ng extra more super strength. Hindi naman ako nayayanig, in fact panatag pa nga ang loob ko matapos kaming magdasal ng salvation prayer, bakit ka mo? Alam ko kasi deretso langit na siya at walang purgatoryo. Ang inaalala ko lang ay ang mga anak ni inang, ang mommy ko na nasa malayong lugar, ang iba ko pang mga tita’t tito sa probinsiya. Hindi man ako si superman o si Linderman ng Heroes na may kakayanang magpagaling pero ang tanging kaya ko lang gawin ngayon ay manalangin. Tulungan mo ko ha?