Consider your children.

“You dont love someone because they’re perfect, you love them in spite of the fact that they’re not”

Isa na siguro ako sa mga blessed na tao, na maituturing pagdating sa pagkakaroon ng isang buo at magandang pamilya. I thank God for His grace because we were spared and covered from the system of this world.

Idol ko ang magulang ko sa pag tataguyod ng aming pamilya, bukod sa pinalaki nila kami ng maayos, hindi ko maikakaila na sila talaga ang sobrang nagtyaga sa amin. Tatlong taon ang tanda ni Mommy kay Daddy. Parehas silang taga norte kaya lumaki ako sa diningding at pinakbet. Kaya naman minsan hindi ako naniniwalang only opposite attracts at mas maganda kung parehas pasitib ang nagsama.

Binalot kami ng magulang namin ng sobrang pagmamahal. Habang lumalaki kami, ilang beses din kaming pinalo sa pwet, kinurot at tinitigan ng matalim ni mommy. Si mommy ang madalas magdisiplina sa amin, habang si daddy naman ang joker ng aming pamilya. Mahal na mahal ko silang dalawa.

Si kuya naman tumira sa aming lola, tuwing bakasyon lang namin siya nakikita at nakakalaro ni ate. College na siya nong lumipat siya dito sa maynila para mag-aral. Si ate ang paborito kong kalaro at kaibigan sa lahat. Halos ilang beses din kaming magbangayan nong bata kami dahil saΒ inggitan sa gamit sa school. Si ate ang palaging ng aangkin ng gamit ko lalo na pag napunta na sa kwarto nya. Ewan ko ba may kung anong hiwaga sa kwarto nya kapag napapasok ang lahat ng gamit ko don nagiging kanya. Pero kahit ganon mahal na mahal ko pa din silang dalawa.

Hindi naman kami lumaki sa fantasy, in fact we were so awared sa mga ngyayari sa paligid namin. Umiyak kaming dalawa ng pinsan kong si diane nong naghiwalay ang kanyang magulang. I also felt sorry nung malaman kung umalis ang nanay ni tots para iwan silang mag-ama. Sobrang nainis din ako sa mga tito kong nang babae at patuloy na nalulungkot sa mga kamag-anak kong nag-iisip ng maghiwalay na lamang.

What’s in the world today at parang napaka normal at nagiging trend na ang paghihiwalay. Is it enough reason to say na, you made a mistake na nagpakasal kayo at nagsama kayong dalawa to build a family only to ruin it in the end.

Ganon na ba kadali ang magtapon ng singsing? Nalulungkot ako sa mga batang naging biktima ng broken family. I saw diane growing up, even tots and some other friends who are part of a broken family and I tell you they were devastated sa mga ngyari at hindi malayong mangyari yun sa mga anak mo at magiging anak mo. Isa lang naman ang gusto kong sabihan sa post na to. Huwag na huwag kang makikipaghiwalay lalo na kung happiness lang ang dahilan mo para gawin mo yun.

Dahil kung gagawin mo yun kelangan may tatlong mabigat at valid reason ka na mabibigay sa akin bago mo gawin yun. Tatlo lang ang hinihingi ko, hindi apat, hindi lima. tatlo lang.

Sa tingin mo ano nga ba ang tatlong valid at heavy reason na yun para maghiwalay kayong mag-asawa? or ng magiging asawa mo?

38 Responses to Consider your children.

  1. Yvarro says:

    second baser…

    • Yvarro says:

      aw first base pala.. anyways..

      parang may pinapatamaan yung post.. haha! sana nababasa niya ito..

      pero: tama lahat ng sinabi mo.. kailangang may dahilan sa lahat ng bagay.. kung bakit mo ginagawa ito,, ay may dahilan. ipinapaliwanag.

      hmn.. malamang may reason yung tao na yun kung bakit siya kumayo. πŸ˜€

      • pero gaano kabigat ang rason nya?

      • Yvarro says:

        Kahit sa anung anggulo, naniniwala akong hindi dapat maghiwalay ang ipinag-isa na ng Dios. (ok biblical?)

        pero dahil sa nagtatanong ka kung gaano kabigat ang rason niya?:

        kasing bigat ng lungkot ng isang kindergarten na hindi mainvite yung parehong mommy at daddy niya sa family day nila, na kahit nasa isang bahay lang ay hindi pa rin magkasundo, kumpara sa mga magulang na naghiwalay na, at bina-value yung mga sandaling pagkakataong kailangan nilangmaging isa ulit..

        kasing bigat ng lumalaking teen ager, na may mababang self esteem dahil nakikita niyang nag-aaway parate ang kanyang mga magulang, sa halip na magkahiwalay na lang.. at hindi na niya nakikita yung mga pang-araw araw nilang bangayan…

        Kasing bigat ng isang umiibig taong gusto nang magkaroon ng pamilya..

        ngunit hindi ito makita sa isang tahanang magkakasama nga.. ngunit watak watak pa din..

        Hmn.. Medyo mahaba na yun ah?.. ahaha!

        told you: mabigat talaga yun.

  2. J. Kulisap says:

    Tatlong valid reason, naman..magkokoment na nga, pag-iisipin mo pa ako, tae ka.

    Kaswerte La Suerte, hijo anak mapalad, kaswerte La Suerte. Lucky Me.

    1) kapag wala ka ng matulugan sa bahay ninyo, hello, saan ka naman matutulog.
    2) kapag mismong anak na ang nagpapalayas sayo
    3) kapag magpapatakbo ka ng Pilipinas, maiintindihan kita.

    Whatever, I like this post…graveha.

  3. jason says:

    una sa lahat, tulad mo thankful ako kasi kitang kita ko ang pagmamahalan nila mommy at daddy. wala kong masabi.. meron ngang tampuhan o away, pero kasama talaga yun, and those make the relationship better.

    eto mga reasons na kelangan para maghiwalay ang mag-asawa.

    1. may kabit. oo hiniwalayan na pero kumabit ulit. hindi satisfied sa asawa

    2. childish. hindi nag-aact sa tamang edad. it takes real manhood para sa isang relasyon lalo na sa pamilya

    3. death. wala ng explanation pa.

    • haahahh ganon? pra sa akin no. wan isang valid reason ang infidelity, totoong malaking paktor ang pagiging prepared mentally and emotionally ng mag asawa. hehehe. death, di ko sure. pero pweede na din. hehehe.

  4. mtoni says:

    me ibang pamilya nakung mamalasin ay perpekto/kompleto, pero kung susuriin mo mabuti maraming di pinagkakasunduan.
    normal ung bangayan, at kung makakasugat lang ang salita malamang duguan na ang katawan ng minumura/kinukutya.
    kumbaga sa recipe ng ulam, maraming kulang na rekado..dispankshoonal kung tawagin ng iba.
    ang maipagkakapuri mo ay pilit pinananatiling buo ang pamilya at kahit sobrang galit sa bawat isa ng mag-asawa ay hindi sila naghihiwalay at pilit nagsasama sa iisang bubong wag lamang matulad sa iba.
    isang dahilan lang maari kong tanggapin sa paghihiwaly, un ay kung nambubugbog ang asawa. mas gugustuhin kong humiwalay kesa mapatay o ako ang makapatay.

    nakikowment lang po.

    • tama!!! yun din ang top valid reason na sa tingin kong pwede mong idahilan kung sakaling mauwi sa hiwalayan. apir!! nicE!! nice!!! kahit ako i wouldnt want my mom to be battered.. apir!!!

  5. lababo says:

    i remember one time, freshman ako sa college. Pabalik na ako sa dorm nun pero lasing ang tatay ko, first time niyan nag inom ulit mula nung elementary pa ako. Andun ako sa bahay ng lola ko, andun ang nanay ko ayaw umuwi sa bahay namin. Dumating ang tatay ko, pinapauwi na siya pero ayaw ng nanay ko. Kinausap ng tito ko (kapatid nin nanay) ang tatay, nagkasagutan. Di ko na alam ang nangyari kasi nagbiyahe na ako. I was crying the whole time. Walang pakelam sa mga kasama ko. Nung gabi na, bago ako matulog, tumawag si nanay, told me not to worry at okay na daw sila uli. Hindi ako makapagsalita, iyak lang nang iyak.
    First time kong nakita na nag away na ganun yung dalawa. Di ko kaya. Hindi ko talaga kaya…

  6. beeftapa says:

    May tito ako, ung napangasawa nya naka-dalawa nang asawa bago pa sya, at may dalawang panganay na. Matagal sila ng tito, naka-limang anak sila. Pero lasenggo tito ko, magsasaka/construction worker, kapag sumahod panigurado nasa inuman na un kahit wala tlagang regular na kita. Wala din trabaho ung babae, (sa probinsya sila nakatira). Nitong huling tatlong taon lumuwas dito sa maynila ung babae para mamasukan at 2009 sumama sya sa ibang lalake. kawawa ung mga bata, ung bunso nya alam ko 3-4 years old lang.

  7. Joy says:

    sa panahon ngaun halos lahat instant… instant marriage kaya nauuwi din sa instant hiwalayan…

    reasons? MONEY? IN-LAWS? INCOMPATIBILITY?

    nakakatawa dahil sa totoo lang minsan ang babaw lang ng dahilan… di ko madig! pwede pa sanang ayusin kaso mas piniling pairalin ang PRIDE at pagiging immature… tapos one way madalas ang communication… Walang willing makinig…πŸ˜€

  8. lee mi says:

    naalala ko bigla ung novel ng Bridges of Madison County.. mahirap mag-stay sa pamilya lalo na kung iba yung may ari ng true love mo.. pero sa riyalidad, di na reason yung mas mahal mo yung isang tao kesa sa pamilya.. at mas kawawa yung mga kidz kapag ganun.. hindi naman puro ikaw ang factor ng mundo.., mas mabigat ang ilang responsibilidad at kinabukasan ng mga anak.

  9. agree!!! super agreE!!!! hindi sa tayo ang sentro ng universe, meron pang sun. hahaha napansin ko lang sa mga post natin apat nila jkul, ikaw, jason at iba pa.. puro infidelity ang usapan. hayst..

    maraming slmat sa pag bisita leemi…πŸ™‚

  10. themizpah says:

    ang galing ng post mo naniniwala akong
    whatever we bind here on earth will be bound in heaven… ang sukatan ay pagmamahal (normal na dumanas ng pasakit o pagsubok.
    nakakarelate ako hindi dahil broken family kami, pero a sort of kasi 4 families kami ni tatay at kami ang original. I won’t justify the sins that my father did all i know is we forgave him already at walang kasalanan ang mga half-siblings namin.

    to what extent the world is trending right now with regards to divorce and marital separation is I don’t know, all i know is that the world is not going better.

    God bless!

  11. tsiremo says:

    Lack of simmilarity, lack of trust and lack of respect.

    Take it from the expert, beybe!

  12. narsmanang says:

    first time magcocomment, so hindi na ako lurker ngayon.πŸ™‚

    uhm, dati i don’t believe that you need to stick to the marriage kapag hindi na masaya at hindi na talaga nagwowork out, madami kasing nakapaligid sa akin na mga martir at nagttyaga sa mga asawa nila kahit na sinasaktan sila o nambabae yung lalaki.

    madami sila, at naiinis ako sa kanila dati, pero konti na lang ngayon. dati galit ako sa kantang i’d rather, dahil dun.

    pero as you grow older, nagiiba siguro pananaw sa buhay ng tao. sa tingin ko hanggang kaya, they should be together. sabi nga sa nabasa ko, kapag nakipaghiwalay ka, hindi yun assurance na makakahanap ka ng better person than the person you left behind. maari mo ding maranasan yung sakit na naramdaman mo. bakit hindi na lang sa isang tao mo ranasin yun?πŸ™‚

    wala lang, so yung sa tanong, maybe the reasons are infidelity, lack of respect and lack of trust. hehe…

    at dahil mahaba na ang comment ko, titigil na ako.πŸ™‚

  13. aninipot says:

    sigoro, if the couple is emotionally unprepared for the commitment…. ewan! pareho tayong lumaking buo ang pamilya, ang i thanked God for the blessings… pero di ko rin alam if i am strong enough if ever darating ang pagkakataong maghihiwalay ang parents ko… pero sana hindi mangyari, sa tingin ko naman masaya sila sa isa’t-isa..

  14. salbehe says:

    Buti ikaw tinitigan lang ng matalim ng nanay mo, kami sa sobrang kakulitan, tinutukan ng matalim.πŸ™‚

    Pero lab na lab pa din namin si Mamita at Papito (tawag namin sa magulang namin).

    Tatlong reason:

    1. Walang love.
    2. Walang repect.
    3. Walang trust.

  15. Sak says:

    ewan ko ba.. hindi naman ako mg-aasawa para pag-isipan un.. biro lang.. seryoso si butiki ngaun ah..

    eto ang mga rason ko:

    1. kung bored ako
    2. kung bored ung asawa ko
    3. kung bored ung mga anak namin.

    oh diba.. don’t understimate boredom..ito ang dahilan kung bakit lumalaki ang populasyon ng pilipinas… hehe. kaya dapat mghiwalay na ung mga mag-asawang walang magawa sa buhay. hihi..

    love? napag-uusapan naman yan.. kiliti lang ang kulang diyan.
    respect? di ko magets tong virtue na to.. (beauty pageant ba tong napasukan ko)

    isali na natin ang world peace para kumpleto ang introduction ng ambassador of good will.

    paxenxa.. tuliro ako ngaunπŸ™‚

  16. yiN says:

    Swerte mo tol, klap-klap. Wala pa kong dahilan para hiwalayan ang asawa ko, kasi wala pa ko nun hahaha, pero kapag tipong nagsasaksakan na kayo at ala-mr & mrs smith na kayo eh yun na yun, pero maski sila eh nagkasundo pa rin sa dulo. Pagpapatawad lang talaga kailangan. Magiging machong tatay ka sigurado!

  17. jason says:

    iniiisip ko ilagay ang sarili ko dun sa family picture sa taas, kaso napaatras ako kasi mukha pala akong paa. awts.

  18. Amy says:

    Perfect..!! I loved your care for your parents..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: