Pinaiyak Ako ng Isang Babae…

June 19, 2009

Last night, umuwi si mommy at tumabi sa akin habang ako’y natutulog, nong una hindi ko siya pinapansin dahil sa sobrang inaantok at pagod ako. Hanggang sa tumayo ako at umihii at bumalik sa kinahihigaan. Maya maya pa ay tinanong ako ng mommy ko kung anong oras na, ang sabi ko ay 4:25pm. Saka ko narealize na mommy ko na pala talaga ang katabi ko.

 

Yinakap ko siya ng mahigpit na mahigpit hanggang sa napaiyak na lang ako. Lumukso ang lahat ng dugo ko sa katawan na gustong kumawala sa kanilang kinalalagyan kasabay ang pagsabog ng aking matinding pagkasabik at kalungkutan.

 

“Sobrang miss na miss na kita mommy.” Yun lang ang tangi kong nasabi dahil sa patuloy kong paghagulgul. Madami akong gustong sabihin sa kanya katulad ng paghihirap ko sa pagtataguyod ng aming pamilya maging ang paghawak sa buong issue ng aming mga kamag-anak. Her embrace gave me what I’ve been looking for almost a year, I really found that comfort and security in her embrace. Iyon ay dahil simula nong umalis siya ay I’ve been making all the important decision in our house and our entire clan, (panganay kasi si mommy) in short ako na rin talaga ang pumalit sa kanya at nagpasan ng buong burden.

 

I found myself in that situation in desperate need of a mother who can protect me and hold me tight. The scene was perfectly dramatic until my mind started to say – I’m only dreaming and I must let go. Kasabay nito ay unti unting naglaho si mommy, hinigpitan ko ang aking yakap pero unti unti na din akong tumataas.

 

Gumising akong umiiyak, naiwan lahat ng longing sa aking damdamin at aminado akong nahihirapan akong ito ay bitawan. Oo nga no, I’m growing up now and I must not miss every single part of life. At kung may gusto akong balikan, that is to sleep in my mother’s arms again where I found that same security and love. I miss you mom. T.T


La Union:A escape to the Valley of Dry Bones

June 16, 2009
Ang Napakalamig na Bus

Ang Napakalamig na Bus

Pitong oras ang byahe mula sa maingay at magulong maynila papunta sa tahimik at payapang La Union. “Wen, ilokano day toy.” (Oo, ilokano ito.) Pero sapat lang ang nalalaman ko sa dialect na to. In short, hindi ko kayang makipagsabay sa mga ilokano sa tuwing nagfrefrench sila dahil nadidislocate ang lahat ng muscles ng dila ko at tenga kapag derederetso na silang magsalita.

 

Mas pinipili kong mag night trip kesa sa umaga hindi dahil isa akong nocturnal kundi dahil ayoko sa lahat ang natratraffic lalo na kapag umuuwi sa probinsya. Mas mabilis din ang oras kumpara sa umaga. Ang simpleng idlip nagiging tulog at hindi mo namamalayan na malapit ka na pala. Ganun ko enjoyin ang byahe lalo na kapag mag-isa ako. Sleepy-head. Oo, sobra.

Away from the Front Seat

Away from the Front Seat

 Sobrang lamig sa bus na umaabot sa 20degrees ang temperature sa loob. Kaya kahit anong gawin kong pangloloko sa sarili na hindi malamig hindi ko madeny na sobrang lamig. Saktong nasa pinakadulo kami nakaupo na tipong rollercoaster ang palaging drama kahit napipikit ka na. At idagdag pa ang mga ugali ng pasahero na sinasarado ang aircon sa kanilang upuan (hindi marunong makishare ng burden. Tsk.) kaya where do you expect kung saan ito lalabas? Tama doon sa walang maayos na pihitan na saktong nakatutuk sa amin. Viola! Instant Ref kami sa likod.

 

Upang mabawasan ang lamig sa aking kamay na hindi kayang takpan ng maikli kong jacket, linalagay ko to sa ilalim pwetan para uminit kahit papaano. At kada stop ay lumalabas ako upang magpainit kasabay ang pagputi ng mga salamin ko.

 

ang nakakatawang announcement

ang nakakatawang announcement

Pero thankful na din ako dahil hindi katulad ng isa kong kamag anak nong umuwi sila ay napakasama ng na experience nila. Sumakay sila sa aircon na bus na sira ang aircon, kasabay ng pag tae ng isa sa mga batang pasahero sa loob na nagbigay ng kakaibang at hindi makakalimutang air refresher sa buong bus. Hahaha

 

ang kumot ng kalikasan

ang kumot ng kalikasan

Isa din sa hindi ko makakalimutan at palaging inaabangan sa tuwing umuuwi ako sa probinsya ay ang bukang liwayway. Its so amazing to watch the sunrise sa loob ng bus na overlooking ang buong window habang tumatakbo ito at hinahawi ang fog sa buong kalsada. What an experience, right? 

 

lambak sa kanto namin

lambak sa kanto namin

Maganda ang La Union bukod sa malayo sa kabihasnan at mabilis na takbo ng sibilisasyon, simple lang ang buhay doon. Kahit san ka tumingin,  may bundok, may diningding, may andoks at may liempo.

 

 Lumaki ako sa city, kaya amaze na amaze ako kapag umuuwi kami sa probinsya sa mga bagay na natutuklasan ko. Hindi katulad sa kinalakihan ko ang probinsya namin ay may lumad pa din sa gilid bahay na pwedeng paglaruan at may mga sapa na puno pa rin ng isda at tulya. May malalaking hantik sa puno na ang sakit mangagat at may alarm clock na every fifteen minutes or 1 hour ay nag ssnooze at hindi nauubusan ng batirya – ang tuku sa likod bahay.

Xpressway

Xpressway

 Gusto ko sanang magstay pa ng mas matagal pa sa dalawang araw at isang gabi kong pananatili sa La Union. Mas makakapag isip ka pala ng maayos kapag malayo ka sa Valley of Dry Bones (ang tawag ko sa Syudad) kaso medyo malabo atang mangyari yun, sa ngayon. 

 Ikaw, paano mo ineenjoy ang pinagmulan ng mga magulang mo?


Gusto mo bang maging Flight or Ground Attendant???

June 10, 2009
 

Indispensable ang career at trabaho sa akin. Mahalaga na bawat desisyon na ginagawa ko ay dapat makakatulong sa aking tinatahak na karera. Piloto, ang gusto ng aking ama pero business specialist ang gusto ko or di kaya something na nasa top level management. Kaya para mapagbigyan ang gusto ng aking ama at para masunod na din ang gusto ko. Why not choose both at the same time? Kung pwede naman. Kinuha ko ang Airline Office Administration, at least nasa field pa din ng aviation.

 

Naalala mo ba kapag pumunta ka sa airport? Para sumundo sa Antayan sa NAIApinakamamahal mong mama o papa o kaya ang paghatid sa papaalis mong tita o tito. Pagkababa sa parking bay agad kayong pupunta sa dulo ng terminal. Dahil bigla biglang eeksena ang mga pulis para hawiin ang tao na wag harangan ang entrance? Oh, naalala mo na? Pero hindi sila ang pag uusapan natin ngayon.

 

Ito, naalala mo ba yung mga lumalabas na sexy, matatangkad at artistahin na mga babae na may karaykaray na luggage? Eh mga lalaki na pormadong pormado na nakasuot ng Americana o kaya Tuxedo? Tama sila nga un? Ang mga flight attendant ng bumabang eroplano at ang mga PSA o Passenger Service Assistant, kung tawagin. Paano malalaman  ang pagkakaiba ng dalawa? Simple lang, walang mga baggage na dala ang mga PSA.

Pero sinu nga ba sila? Sila ang mga taga-tatak, taga-check, taga-tanong, at taga-guide ng mga pasahero sa buong proseso ng pagboboarding sa loob ng eroplano. Alam nyo bang hindi pwedeng umalis ang isang eroplano hangga’t wala ang  kahit isang pasahero? Check In TerminalOo, hindi katulad ng mga pinapakita sa pelikula at teleserye na, umaalis agad ang mga eroplano lalo na kapag may scene na kelangan maiwan ang bida dahil may kissing scene na mangyayari.

 

Hindi ganun ang totoong storya. Ang totoo, ang mga magigiting na PSA ang naghahanap sa mga pasaway na mga pasehero na naggagala pa sa gitna ng paulit ulit na pag-page sa kanila. Sila din ang mga tagasalo sa mga galit ng mga pasahero kapag delayed o cancelled ang flight. Tsk. Tsk. Tsk. Pero tignan mo naman ang postura nila, parang wala lang. poise kung poise pa din.

 

Often, nong mga bata tayo palagi natin silang nakikita at napagkakamalang mga istiwardes (kasama ang mga lalaki). Naalala ko dati ganun ako nabrain wash ng dad ko sa tuwing hinahatid at sinusundo namin siya sa airport. Bilang bata, iisipin mong napakaganda talaga ng trabaho nila, napakasupiskado siguro ng buhay nila katulad ng mga suot nilang uniform at mayaman sila.
Pero ang mapait na katutuhanan ay wala ni isa sa mga ito ang totoo. Bago nga pala ang lahat, ang airport ay hindi katulad ng ibang establishment na may HR at pwedeng mag apply ng basta basta sa nais na company sa loob. Sa pagkakaalam ko apat lamang ang service provider sa NAIA na pwedeng pasukan para makapagtrabaho sa loob ng airport, at sila ay ang MIASCOR, DNATA, PAGS, at SWISSPORT. Ito ay mga agency nagsstaff sa buong operation ng airport.

 

Masaklap ang storya ng bawat PSA sa Pilipinas. At hindi mo talaga gugustuhin ang maging parte nito:

 

Una, dahil maliit ang sweldo kumpara sa laki at dami ng calories na hinihingi ng trabaho sayo.

Pangalawa, Gigising ka ng umaga, at uuwi ng gabi lalo na kung delayed pa ang mga flights. Ang iba nga don na natutulog.

Pangatlo, Wala ng social life ang mga nandoon, yung 2 kaibigan ko nga naghiwalay na dahil hindi na sila nagkikita. Matindi pa sa callcenter ang mga buhay ng PSA sa Pilipinas. At ito ang nagpadalawang isip sa akin,

 

6 MONTHS, nabasa mo ba? 6 MONTHS, 6 MONTHS kang walang sweldo puro allowance lang. Nakakadismaya, na kung anung ganda ng mga uniporme ng mga PSA ay siya rin naman hirap ng kanilang dinaranas. Kaya kung sakaling ikaw ay napadpad sa airport, ngitian mo sila. ok?

 

Kaya hindi nakapagtatakang sa dami ng naghahangad na makapasok sa position ay siyang  rin namang dami ng nagreresign after a month. Ang sama di ba? At hindi na ito bago sa kanila, naging culture na nga yata ito. Pero hindi ito ang magpapatigil sa akin para hindi mag apply sa nasabing position. Hindi ko kailangan ng pera, dahil suportado pa rin ako ng mga magulang ko, hahaha ang kailangan ko ay experience at papel na makapagsasabing nakapagtrabaho ako sa kanila at inuto nila ko for 6 months.

 

Hmp, bakit? Dahil, I find it challenging rather than discouraging. A t dahil din isang malaking stepping stone ang pagiging PSA sa mga naghahangad na maging Flight Steward na katulad ko. O kaya naman ay maging airline operation specialist. Kaya bukas pupunta ako sa DNATA para mag apply. Pagpray mo ko na makapasa ako ha?

 

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA…