Entang (Saranggola Blog Awards Entry)

October 3, 2010

189 Teresa Maria St. Brgy. Mauway, San Fernando City. Wala naman nagbago, simula pa lang ng limang taon ako palipat lipat na kami ng bahay. Ang sabi ni Papa para daw malapit kami sa kanyang trabaho. Nasanay na din kami ni Mama nong kalaunan, dahil developer daw si Papa at siya lamang ang pinagkakatiwalaan ng kanilang kompanya.

Sa aming paglipat lipat halos nakasampung bahay na ata kami. Iba ibang adres, iba’t ibang mga lugar at iba’t ibang mga kaibigan. Tatlong araw simula ng dumating kami sa aming bahay ay nakilala ko si Kuya Obet ng minsan tumambay ako sa parke para magpahangin.

Linapitan ako ni Kuya Obet dala ang isang saranggola. Kulay asul na may halong dilaw, may kalakihan at tinalian ng pisi na nakapuluput sa isang malaking lata. At saka nya ako yinayaya magpunta sa kabilang kalye.

Agad akong nakumbinse dahil na rin sa pagkahilig ko sa mga kakaibang bagay. Ang sabi ni Kuya Obet magaling daw siyang gumawa ng mga saranggola, hindi daw basta bastang plastic ang ginamit niya sa paggawa ng kanyang saranggola, SM na plastic daw ang pinakamatibay sa lahat, kaya yun ang ginagamit niya. Habang manipis na kawayan naman ang kanyang ipinangskeleton sa kanyang obra. Samahan mo pa ng kanyang sekretong pisi na ibinabad sa dinurog na bubog at pinatuyo. Panigurado daw lahat ng kanyang kalaban ay ma-eentang at mapuputulan ng tali.

Maya maya pa’y nakarating kami sa isang malawak na damuhan. Kasama ang mga iba pang nagpapalipad ng saranggola, pinahawak sa akin ni Kuya Obet ang saranggola at saka siya lumayo. Sa isang malakas na ihip ng hangin sinenyasan niya ako na bitawan ito. Biglang pumaitaas ang aming asul na saranggola. Sa ilang sunod sunod na ihip at hatak ng pisi ay pumalaot pa ito ng paitaas ng paitaas. Totoo ngang magaling gumawa si Kuya Obet ng saranggola.

Simula non nakasanayan ko na din sumama at magpalipad ng saranggola bawat hapon kasama sila Buboy, Dingdong at Kuya Utoy. Talaga nga masarap pagmasdan ang mga saranggolang aming pinalilipad sa malawak at bughaw na kalangitan. Mga saranggolang nakikipagtagisan sa malakas na ihip ng hangin. Para silang nagsasayaw sa pag – ikot ikot at pag pagaspas ng kanilang mga buntot. Maraming maraming saranggola. Makukulay, may pula, may berde, may puti, may stripes. Iba’t ibang desensyo may malaki, may maliit at may katamtaman. Habang pataas ng pataas paliit ng paliit ang mga ito. Nakakawala ng pagod pagmasdan habang nakahiga sa mayabong na damuhan.

“Ang saranggola para lang din isang kaibigan, kung gusto mong maabot nito ang langit, hayaan mo na kumawala ang pisi. Hayaan mong hagkan nito ang mga ulap, hayaan mo itong pumaitaas at magsayaw, pero kapag alanganin ng umentang. Wag kang mawawala, at tulungan mo itong pumaitaas muli.” “Mawala man sa iyong paningin, hindi mo man makita, basta wag mong bitawan ang pising nagkokonekta sa inyong dalawa.”

“Weh?” Pang – asar na sambit ko sa kanyang seryosong talumpati. “TOK!” isang malutong na kaltok ang inabot ko.

Nagdaan ang mga buwan, halos siguro nasa apatnapung saranggola ang aming nagawa, lahat yun nakipagtagisan sa iba pang mga kalaro at sa madalas sa madalas, panalo. Bawat panalo may pustahang pop cola at saka binatog. Solb na ang bawat hapon basta si kuya Obet ang nagpapalipad panigurado meron na akong libreng meryenda.

“Anak, ayusin mo na lahat ng gamit mo.” Alam ko na ang ibig sabihin non ni Papa alas singko ng huwebes pagkauwi ko. Alam ko wala akong karapatang umalma dahil napag usapan na namin to dati pa. Naiintindihan ko siya. Katulad nga ng sinabi ko kanina, wala din namang nagbago. Ang tanging nasabi ko na lang. “Kelan po tayo aalis?” “Sabado ng umaga.” Bigla akong nabingi sa tatlong salitang yun.

Kinahapunan ng sumunod na araw sa huling pagkakataon, pinuntuhan ko ang lugar kung saan kami nagtitipon tipon upang magsaranggola. Wala si Kuya Obet pati ang kanyang saranggola. Sa isip isip ko, baka nahuli lang siya o kaya inutusan ng kanyang Tito Bong, o kaya gumagawa ng panibagong saranggola.

Paano na ang aking saranggola? Makakapagpalipad din kaya ako? Maaabot din kaya nito ang mga ulap? Sa aking pagkayamot, sinubukan kung paliparin ang aking kaibigan. Hila, takbo hila, takbo, kaunting hanging pa, hanggang nakaangat ang aking saranggola. Awa ng Dyos, ito ay lumipad sa isang pang malakas na ihip ng hangin.

Pinagmasdan ko itong unti unting lumiit habang hinayaang hilain nito ang lahat ng aking nakarolyong pisi. Nagpa-ikot ikot, nagpatumbling tumbling sa ere, nakipagtagisan sa bawat hampas ng hangin. Biglang umihip ang isang malakas na hangin, kasabay ng pagtahimik ng mga kuliglig. Napigtal ang taling nagkokonekta sa akin at sa aking kaibigan.

Kawawang saranggola, hindi na nagawa pang lumaban pa. Malamang baka hindi na kami muling magkita pa. Pinagmasdan ko itong tangayin ng hangin na parang papel sa kalangitan, palayo ng palayo, paliit ng paliit. Sa isang iglap, tuluyan ng nawala sa aking paningin. Hinila ko ang pisi, sinundan, umaasang kahit papaano’y matutuntun ko kung san ito bumagsak. Sa huli wala akong nahita kaya inantay ko na lang lumubog ang araw sa itaas ng burol kasabay ng huling pag asang makapagpaalam sana sa aking kaibigang nagturo sa aking lumipad katulad ng mga saranggola
.

Kinabukasan, umalis kami ng maaga. Nalungkot ako non dahil kahit anino ni Kuya Obet ay hindi ko nakita. Tanging sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy lang at ang balitang linalagnat si Kuya Obet ang naghatid sa akin sa sasakyan.

Simula non wala na akong narinig na balita sa kanila katulad ng pising naiwan sa akin hindi ko na sila nagawang nakausap pa. Gusto ko pa sanang maglaro ng saranggola kasama sila, magpalipad at makipagtagisan sa paiba ibang ihip ng hangin.

Bukas pupunta ako ng San Fernando City para sa isang pagpupulong sa aming kompanya. Pagkatapos aking babalikan ang aming tinirahan dati pati na ang malawak na tambayan. Makita ko pa kaya sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy at si Kuya Obet? Makilala pa kaya nila ako? Bukas magdadala ako ng Nylon, Plastik na SM at saka istik ng kawayan. Bukas magpapalipad kami ng saranggola. At simula bukas hindi ko na hahayaang mapatid ang mga pisi.

Advertisements

Ang Love-oh mo!!!

February 4, 2010

Ang pag – ibig ay parang investment.weh?
You give even if malaki ang possible risk.totoo di ba?
You offer it because you know may pinupuntahan ito.meron nga ba?
You keep it dahil it becomes apart of you.yes, apart of your shit!!!
You show it because it also makes you happy.and sad

Ang love daw walang measure, pero kayang icompare.kahit dati naman di ba?
Ang love daw walang expiration date, pero may sawa effect.o umay effect.
Ang love daw walang pinipiling tao, lugar, o pagkakataon.di ba? it makes you blind
Ang love daw pwedeng mababaw, pwedeng malalim o tama lang.leveling baga

Sa rule ng pag-ibig dapat kung paano ka daw tumanggap ano ka siniswerte?
Marunong ka din daw dapat magbigay. Kung paano niya ibinigay lahat lahat at
ipinaramdam sayo lahat ng pagmamahal matutu kang ibalik ito.
At kung hindi mo kayang tapatan lahat ng iyon, dalawa lang
yan. it’s either igive up mo na lang or matutu ka talagang bumawi.kung ako papipiliin aukong mag give up, kaya bawi na lang. hehehe

Sobrang sarap magmahal at sobrang sakit din masaktan. sweet misery ika nga
Sobrang nakakatuwa din kung paano nito paikutin ang mundo specially ang balunbalunan, intestines, at fatty acids mo sa katawan.
at kung paano nito kalukutin at kilitin ang iyong nararamdaman. pati nerve ending ng pinakaiingat ingatan mo.
Sobrang sarap din kung paano nito, paduguin ang iyong nguso,puso yan. hahaha
pigain ang naglulupasay mong eyeballs, at parusahan ang
nagdadamdam mong hypothalamus.at kahit ang pinakadulo ng pilikmata mo masasaktan.

Sa iba ang pag-ibig ay parang game, kailangan sila ang bida at ikaw ang slave
palaging nanalo, sila palage ang nakakataas. Sa iba, ito ay kalokohan talaga
laro lamang talaga na kapag nagsawa. Ang matalo, magbabalasa ng milyon milyong
ng pira piraso mong anemic na puso.

Pero sa huli, lahat yun, ay isa lamang business.monkey business pa nga eh.
Katulad ng lahat ng business,may Return of Investment.wag kng mag asam kung mababa ang ininvest mo, hindi yan magtatagal
Pwedeng i withdraw na lang, pwedeng patulugin na lang
pwede ring iinvest ulit, pwedeng palaguin pang mabuti
at pwede ring mag file ng bankruptcy.

Ikaw, ano ang pag ibig sayo?

Happy Hearts day to everyone.. =)♥♥♥

I know you are reading this post at huli ka dahil one wrong move.
Mahuhuli agad kita. hehehe. Handa mo na ang budget mo dahil
lintik lang walang latay sa birthday ko. wahahaha.


Deep – Binocular.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

Ang Christmas WishLIST ng Butiki sa papalapit na Pasko

September 19, 2009

-100Dahil less than 100 days na lang before Christmas dapat maaga pa lang pinopost na’to para makapaghanda hindi lang ang aking mga ninong at ninang pati na rin ikaw. oo, tama! Ikaw na walang sawang sumusuporta sa akin kahit na hindi ako madalas magblog hop. Hindi ko lam kung ano ba talagang nakita mo sa akin at patuloy mo kong pinapansin. Kaya naman gusto kong iparating sayo na sobrang DAMA ko ang init ng iyong pagsuporta. hihihi. Apir!

 

christmas redAno pa nga bang mahihiling ko sa darating na pasko. Lahat na ata ng hingin kong materyal binibigay ni Papa God. Naalala ko nong hiniling ko ang bagong bagong psp, laptop, digital camera, tripod, mga damit at limpak limpak na pira, at saka ibat ibang di material na bagay, trabaho ni kuya, Work Permit ni Daddy at Ate sa ibang bansa, ang kaligayahan ni Mommy na sundan si Daddy, magandang trabaho ko sa banko at kaayusan sa aming bahay.

 

“Wag kang mainggit sa akin. Lahat ng ito hindi biglang dumating sa amin, pinaglaban namin to sa prayers kasama ng mga kaukulan na aksyon sa aming parte.  I tell you mas madami pa at maganda pa ang makukuha mo lumapit ka lang kay Papa God.”

 

handaanIsa lang ang nais ko sa darating na pasko ang makasama ko ang pamilya ko at ipagdiwang ang naturang okasyon sa isang hapag na puno ng pagkain habang ang bawat isa’y nagsasalo salo at nagmamahalan. naks. Pero mukhang hindi mo yun kayang ibigay. Hehehe. Kaya ito na lang ang mga pakonswelo sa Machong Butiki. Hihihi

 

Mga Bagay na Gusto kong Makuha sa darating

na Pasko:

 

1. Leather Wallet

2. T shirt (Simple lang)

3. Necktie

4. SPA spree

5. Perfume

6. Big Pillow

7. Clear Contact Lense

8. Sandals

9. Bag na Pang Opisina.

 

Gayunpaman, ang pinakagusto ko sa lahat ay ang nauna sa listahan. Apir! Ingat ka palage, At sa mga naliligaw sa aking blogs, maraming salamat sa pagclick! Apir tayo!

Don’t worry, it doest mean kung hindi man ako magcomment agad or bumisita sa mga blog u, andito ka naman o —- sa puso ko. Hihihi (Mais ko no!?) Abangan mo na lang ang aking pagbisita sa iyong bahay, dahil sabi ko sayo karangalan kong makilala ka. Apir! Apir!


Breakfree! Maraming Salamat Po.

August 28, 2009

Isa ito sa mga nahalungkat kong picture. Nakakatuwa payat na payat pala ang butiki.

Location: LA UNioN

Month: Summer

Why: This is wat i want to express. Thank You Papa God.

1_908294104l\

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I really can fly because of Your love.

1_207666666l

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1_363715714l

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

m

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

j

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nakadepende ang galing ng isang modelo sa kanyang tagakuha ng larawan o taga pinta. Ganun din ang tao, nakadepende ang galing ng isang tao sa Lumikha sa kanya. Maraming salamat po ulet PAPA GOD para sa iyo ang post na ito. Love you so much po.


Butiki meets the shark, emo, & hamster.

August 18, 2009

DSC00491Sunday, 5pm, matapos ang klase sa pup, medyo ayaw ko pang umuwi dahil gusto ko pa din maggala kahit medyo nagcram ako sa paggawa ng mga instant assignment sa MPA na dapat matagal ko ng ginawa in short hindi tinamad ang butiki.

Kaya naman walang tanong tanong at nagsimba muna ko, sabay punta sa SM Manila. Sabi ko na, andon ang tatlo. hehehe. Una kong naaninag ang hamster, nakastripes.  Sabay baba sa first floor. Wala akong dalang kahit ano para maitago ang sariling kaanyuan sa tatlo maliban sa salamin. hehehe. kaya naman hindi na ko nagdalawang isip pa baka kuyugin ako ng tatlo kapag namukhaan nila ako.

Napabili ako ng di oras ng sombrero sa department store. Tapos akyat ulit. Pinagmamasdan ko lang ang tatlo sa loob ng booth medyo nahirapan nga akong kuhunan ang tatlo sa kadahilanang mas mahirap kuhanan ang mga ito sa loob ng booth dahil kita nila ang lahat ng tao sa labas at saka dahil anim na mata ang kalaban ko nong mga panahon na yun.

Una nagpautos ako sa mga alagad ko ko na kuhanan sila ng pix. Hindi epektib mga blurred ang kuha nila. Pangalawa, bumili ako ng brownies para ipaalam na nasa lugar ako habang pinagtritripan ang tatlo. hehehe.

ito na ang pix ang mga pix nyo.. hehehe.  di ko na pinost ung iba kasi nga blurred..  ilang beses din ako tumakbo, akyat baba, dahil sa mga ‘to. kakatago.

DSC00482

DSC00483DSC00485DSC00486


Kalma lang… Anong laman ng bag mo?

August 5, 2009

 

Tinanong ako ng isang blogger kung ano daw bang laman ng bag ko matapos kong mabanggit na masakit ang aking likod at balikat.  (tumatanda na ata ako?hehehe pero ang aga pa) kaya bilang pagtugon sa kanyang katanungan, ito kasagutan ko, ang post na ito gagawin na rin nating inter activity.

ok ba yun mga repapips?

 

in ramdom order na to ha?

 

6. Notebook – mahilig akong magsulat at mag take down notes, usually mga naiisip kong quotes, reflections, ideya, kwento, at mga drafts ng posters na ginagawa ko.

3. PSP – pamatay oras, soundtrip, pang alis bad trip na din.

8. Planner – dito ko sinusulat ang mga aktibidades at mga importante lamang na meeting at task na kailangan kong magawa agad.

7. Tootbrush at toothpaste – hindi kagandahan ang ngipin ng butiki  mas prone ako sa mga cavities dahil hyper sensitive ang aking mga ngipin kaya palaging nagtotoothbrush.

1. Panulat – para san pa ang notebook kung walang panulat tama?

9. ID – palagi akong may dala nito para mabilis maidentify ang butiki san man siya magtungo na may mahigpit na siguridad.

2. Cellphone – dahil nawala ang cellphone ko nong makalawang linggo hiniram ko muna yung sa tita ko habang wala pa kong balak bumili ng panibago.

11. Susi – apat lang kami sa bahay, lahat kami umaalis, kaya dapat palaging may susi. ayoko din kasing pinapakialaman ang gamit ko ng  siraniko kong kuya at pinsan.

5. Coin Purse – hindi na ko nagwawalet kasi kasya naman sa coin purse ko lahat ng allowance ko. Tip: Reverse psychology ang paggamit ng  coin purse para sa mga pisting snatcher at holdaper dahil kapag binigay mo wallet mo at least wala silang makukuha don, cards lang at hindi nila iisipin na hingin ang coin purse mo kung ang laman lang naman nito ay si rizal.

4. Pabango – attracted ang mga babae sa mababangong lalaki kaya meron ako nito.   kapag di maiwasan magpahiwis, punas pawis lang, pabango agad.

10. Camera – amateur photographer ang butiki, kaya kahit anong interesting na pagkakataon kinukuhanan ko ng litrato gusto ko kasing macaptured lahat  ng memories na nagagawa ko. (naks!)

12. Pagkain at bebelgam – tamad akong kumilos, hindi mo ko mapapababa ng building  namin lalo na kapag tinupak ako kaya nagdadala na din ako ng kahit biscuit  lang pangtawid gutom, bebelgam para di mapanisan ng laway, at tipid pa.

 

 

Ayan ang laman ng aking bag hamster? Para naman sa inter activity… Gusto kong i-tag ang mga sumusunod na tao na magpost ng laman ng kanilang bag kasama ang pix, pag walang pix – sige dapat may pix. hehehe. Kung ayaw magpost – ok lang din, pero gusto ko din kasing makilala ka. hehehe.

listahan ng mga taong gusto kong snatchan ng bag:

 

 

2. ax

7. stain

1. joyo

4. naglalambing na cute

5. lably

6. otep

3. jason


BAHAGHARI

July 2, 2009
Bahaghari
Bahaghari

Kung ikaw ay isa sa mga kulay ng Bahagharing ito.

Anu ka at Bakit?

Sunod na katanungan.

Bilang isa sa mga kulay paano mo mapapakitang ikaw yung kulay na yun. (kunyari kulay pula, paano mo maipapakitang pula ka at hindi ka blue or green)

Ikatlo, bilang parte ng bahaghari paano ka aangat mula sa iba pang mga kulay na kasama mo?

 

Isang psychological question na nakuha ko sa isa sa mga preliminary exam na inaaply ko.   Nakuha ko ang logic at totoong mahirap ngang sagutin. Una, dahil hindi naman ako bahaghari. Pangalawa, wala akong interest sa mga ganitong katanungan pero kung ikaw ang kumukuha ng exam anu ang isasagot mo? Pakopya!!!