Walls by Jason (Guest Blogger)

August 31, 2009

HOPE
Isa ko sa mga kabataang nangarap magsulat
at makapag-express ng sarili sa pamamagitan ng pagboblog.

Kasi naman, blogging ang isa sa mga unang pinagawa sakin
sa aming department sa opis. I boblog ko ang mga articles na
nagmula sa kanilang weekly o monthly magazine issues.

Pinagawa ako ng sariling account sa wordpress at ayun,
na-engganyo akong gumawa ng personal blog.

Una kong ginawa ay nagsulat ako ng nagsulat. Umabot sa apat ang entries ko. Pero nilangaw. Walang nangyari. Sinubukan kong magblog-hopping. Eto ang bumuyanyang sa akin:

1. Nainggit ako sa mga blog na kayraming tao ang bumibisita. Partikular sa comment section.

2. Mga pictures nila, kung paano sila hangaan ng mga readers at kapwa bloggers.

3. Ang pagiging unique, kakaiba, katangi-tangi.

4. Magkakaibigan na bloggers, magkakarelasyon, at iba iba pa.

Naisipan kong ayusin at baguhin ang blog ko. Nilagyan ko ito ng kulay.

Ipinaskil ko ang mga litrato ko na sa pagbabasakali na
makuha ko ang loob ng mga tao.

Ipinaskil ko ang mga contacts ko, bahay, cellphone, mga impormasyon tungkol sa akin.

Kinaibigan ko LAHAT.
Pinagkatiwalaan ko LAHAT.

INENTERTAIN ko LAHAT.

Sa simula ay natutuwa ako. Nag-eenjoy. Kung baga, unti-unti na akong nagkakapangalan sa mundo ng blog.

Di ko namalayan, NASIRA ko na ang bakod ng aking buhay.
PINAPASOK ko silang lahat.

Nakapagtipon ako ng sari-saring problema. Problemang ni hindi
maibahagi sa kanila, sa kanya, o kanino pa man.

Di ko na alam kung paano ko itatayo uli ang aking PADER.
Paano ko ito gagawin?

Pwede pa ba?

Mabuti na lang may isang taong nagmagandang loob na pasukin ang aking buhay.
Una naming binuo ang pagtitiwala sa isa’t isa. Siya ang naging sandalan ko
sa mga problema ko. At ease ako sa kanya kaya LAHAT nasasabi ko sa kanya.

Ginawa ko syang kuya kasi naman, nakikita ko sa kanya ang pagkukulang o ang mga
hindi ko nakikita sa aking tunay na kuya. Pinayuhan nya ako tungkol sa mga
napakabigat kong problema.

Tinamaan ako at Nagising ako sa mga katagang binitiwan nya sa akin.

– ” Alam mo ang tama at mali. Pero bakit ginagawa mo pa rin?”

– ” Maganda ang pamilya mo, maganda ang buhay mo, kaya wag mong sirain ang buhay mo”

– ” Maniwala ka sa sarili mo na kaya mo, at hindi kailanman magiging huli ang pagbabago”

– ” Lagi kang magpray kay Papa God”



jasonhamster

Advertisements

a sudden burst of love from ate joy – kami na. =) (Guest Blogger)

July 24, 2009

 ito po ay sa panunulat ni ate joy, kaya po marapat lamang po na matanggap nya ang lahat ng papuri at pagtanggap. hehehe. hindi pa kami ni ate, sobrang bait ni ate, at di ako karapat dapat sa kanya. hehehe. apir! enjoy reading…

 

Love….

 

Apat na letra. Simpleng salita pero napakakumplikado.

 

…milyon-milyong eksplanasyon

 

 

….milyon-milyong reaksyon …..milyon-milyong emosyon

 

 

 

 

 
 

 

Love daw yung kapag willing kang ibahagi ang lahat sa isang tao, kahit na yung mga “pain na nararamdaman mo. Sabi nga nila kapag nagmamahal ka  you don’t need to be perfect but you need to be yourself.

 

May mga symptoms naman daw yun. Yung iba daw hindi alam na yun na pala yun.

 

You feel so happy with her/him, di ka makatulog kasi lagi mo iniisip, nagiging kamukha na nya lahat ng mga tao sa paligid mo, di ka makakain, tapos di ka mapakali kapag di mo sya ka-text or narinig man lng boses nya. You feel really crazy in love when all that matters is this special person, and you thought less of yourself.  

Kahit anong gawin mo para makalimutan siya, hindi mo pa rin siya makalimutan. Kahit saan ka man magpunta siya pa rin ang iisipin mo. Kahit ayaw mong pakinggan ang kantang naririnig mo, hindi mo mapatay ang tugtog kasi alam mong yan ang kantang paborito niya, lagi niyang pinakikinggan at minsan ay kinakanta rin niya. Hinde ka makakain, tpos ayaw mong mawalay sa kanya…at lagi kang nagpapapansin sa knya… Nagiging corny ka!

 

Tama ba mga sinabi ko?

Well, that could be common… but usually it fades fast too. Lalo na kapag nadiskubre mo yung ‘Other Side” nung tao.  Maybe insecurities, bad habits, vices, family background, being irresponsible, physical handicaps or viewed imperfections, past delinquencies, irritable practices, non supportive to your goals or even opposing views in life. Sometimes it can be cute to say that all that matters is what you feel for this special person. But there is more to say about knowing if you really love the person. And knowing definitely should have both sides too. Love is not blind, though it does not tolerate prejudice. You can know yourself first… your likes and dislikes, what matters and what don’t matter to you, things or traits that is tolerable or non-acceptable to you. You look back at the person and reasonably weight these things carefully. Does he has this, does she do that, doesn’t he like this, why does she have to do that… etc. Now, this is the tricky part. If you can define both sides of the person and still say and feel you love him/her in spite of… that they say, is love.

 

 

Sa pagmamahal hindi daw kailangan ng criteria. Hindi naman yan contest eh. Kasi sa oras na mainlove ka, you take the risk of accepting the person.You dont need to find answers kung bakit mo sya mahal kasi lahat nagbabago but if u accept that person magbago man siya in the middle of the relationship ndi ka masasaktan kc tanggap mo sya ng buo…Mahirap gawin pero masarap subukan dahil wala ng sasaya pa if u let that person feel na mahal na mahal mo sya without asking for anything in return…

 

 

 

 

 
 

 

Pero kapag sinisira na ang buhay mo pati mga pangarap mo…HINDI LOVE YAN! KATANGAHAN!

 

 

Kung ako tatanungin mo…Love is not a gamble na kailangan minsan may panalo at talo…

 

“Love is something that you giveaway and comes back to you.”

 

 

 

 

 

untitled

Machong Butiki,

Nang mabasa ko ang paanyaya mo di agad ako naniwala. Bigla ko nalunok ang hopiang kinakain ko. Di ko alam kung seryoso ka ba talaga sa sinabi mo. Ang invitasyon mo na makapagpost dito sa bahay mo ay isang karangalan. Ikinagagagalak ko.

Natats ako…

Ang pagkakataong ibinigay mo sa akin na maibahagi ang mga kalokohan ko dito sa bahay mo ay tunay na nakapagpasaya sa akin. Ang dami ko nang nakakahalubilo at nakakausap dito sa malawak na mundo ng blog, tanging ikaw pa lamang ang naglakas ng loob na aanyayahan ako.Hinahangaan ko ang taglay mong katapangan. Ahahay! Salamat sa pagtitiwala . Sobrang naaappreciate ko. Pakiss nga !

Ngayon hindi ko alam kung papaano kita mapapasaya. Pwede bang sayawan na lang kita?

 

 

 

91

Hindi ka naman lugi jan…Haha! *wink*

Pasensya ka na kay Ate Joyo mo. Isang empraning!Pewo sana napangiti kita kahit papaano. Nag-aalala kasi ako sayo. Bothered ako sa picture mo sa sidebar. Ngiti ka naman oh.

Sya cge, ako’y magpapaalam na. Hanggang dito na lang muna. Pack-up na raw sabi ni direk. May mall tour pa kasi ako bukas *wink* Ingat lagi. Always Pray. Ate Joyo loves you. God loves you. Enjoy life & be happy!

Godspeed,

Ate Joyo