Mahal Kita Walang Halong Bola =)

Pagbalik – baliktarin man ang mundo, hindi
pwedeng hindi mo maramdaman kung gaano kita kamahal. Sobrang natuwa ako nong una kitang makita – ikaw kasi ang unang nagparamdam sa akin ng word na LOVE. Kaya simula non talagang dinikitan na kita. Ahihihi.

Halos walang araw na lumilipas na hindi pwedeng hindi kita makita. Alam ko non dati pa love na love mo ko at love na love rin kita. Palagi tayong nagshashare sa baon ko kasi hindi ko maubos. Pero ok lang sa akin yun. Natutuwa nga ko pag sinusubuan mo ko kasi parating mas madaming ulam ang nakakain ko.

Tapos lagi mo pa kong yinayakap at lagi mo pa kong kinikiss kaya kinikiss din kita. Sa lahat yata ng babae na nakilala ko ikaw yung pinakasimple at pinakamabait. Para kasing wala ka ng kailangan pa at ako na lang ang palagi mong binibigyan.

Ang alam ko ilang beses din kita nasaktan simula nong magkakilala tayo, kasi naman napakachildish ko pa talaga non. Gayunpaman hindi ko alam kung ano bang magic meron ang pulang santan o kaya guamamela na palagi kong pinipitas palihim (baka kasi mahuli tayo ng prinsipal at hindi tayo pauwiin kaya sinusuksuk ko na lang ng maingat sa bulsa ko) at saka iaabot sa tricycle pag pauwi na tayo galing school.

Nagsisimula pa lang ang school year non at umuulan ng una kong maramdaman na maguilty dahil sa nagawa kong kalokohan. Signal no. 3 ata non, malakas ang buhos ng ulan pero linabhan mo parin yung damit natin habang ako naman adik sa game boy. Kaya naman nong nagpatulong ka sa akin hawakan ang pintuan hindi ko ito nahawakan mabuti at saka nadulas ka. Akala ko talaga hindi mo na ko papansinin non, akala ko aawayin mo ko, at akala ko ayaw mo na sa akin.

Yun yung unang beses na sobra kong naguilty sa nagawa ko sayo. Kahit na madalas tayong magtampuhan, ok lang sayo. Bakit nga ba? Pero nong minsan nagkatampuhan tayo, natakot talaga ko non, kasi sabi ko hindi kita papansinin at hindi kita iimikin kahit na maglambing ka pa. Pero sa huli ng hindi ko na kayang hindi mo ko kausapin nagpapansin na ko at sa isang SORRY napayakap na lang ako sayo at humagulgul na parang bata. Don ko na realize na hindi pala pwedeng hindi kita kausapin kasi kailangan kita. naks!

Kaya simula non hindi ko na inulit yun kahit na palage tayong nagkakantampuhan. Kaya naman ngayon malapit na iyong kaarawan! Hindi pwedeng hindi mo to mabasa. Hindi pwedeng hindi mo mareceive ang message ko. Mom I love you so much. I owe you everything. Mahal na mahal kita walang halong bola dahil mommy kita. Happy Birthday. Ikaw ang unang babae sa akin buhay. Naks. O tama na ang tears of joy, I want you to know kahit magkalayo tayo ngayon, still I will send you my hugs and kisses through this post.

Note: Guys, hulaan nyo kung ilang taon na ang mommy ko at may prize ang makasagot ng tama.πŸ™‚

140 Responses to Mahal Kita Walang Halong Bola =)

  1. ??? says:

    Siyempre, ni highlights ko muna yung post mo, dahil baka may hidden messages ulit..πŸ˜€ hahaha!!!

    Happy Bertdey sa Mame mo…πŸ˜€

    Naiiyak talaga ako sa mga gentong post…

    so hindi na yun uncommon..πŸ˜€ hehehe.

  2. bonistation says:

    ganda ng entry ah! galing sa puso! ramdam na ramdam ang pagmamahal, she should be proud of you! at maiiyak talaga mommy mo pag nabasa nya yan..

    HAPPY BIRTHDAY po!
    -greetings from Saudi Arabia.

  3. Vajarl says:

    Sabi na Nanay ehhhhh. Gusto ko pa naman makishismis sa mga cheesy love lives ng mga kakiligan para kiligen den ako. Hahaha.

    Anyways, haberbeiberbei sa Mommy ni MB! Kung nababasa nyo po to, hello hello po ansarap naman po ng cake nyo na nasa taas sana mabahagian kame! Hihihi. Joke lang po, feeling close lang ako.πŸ˜€

    Ako dati adeeek den sa game boy. Pinapalipas ko pati pagkain at (lalong lalo na) pati ang mga gawaing bahay. Hanggang ngayon naman.

    26 na ba Mommy mo? Yiheee! Lakas ko! Haha.πŸ˜€

    • hahahaπŸ™‚ next time chismax na parekoy. hahaha.

      maraming slamat vajarl. hehehe honga sana mabasa nya to para bigyan nya ko ng pira. hehehe.

      ako din eh, no? parang pumapsok ako sa mundo ng pokemon everytime naglalaro ko non. hehehe. loko old school ka na. psp na ko ngaun. bili ka din psp para laban tau.πŸ™‚

      huwaw. 26. ang lakas mo tsong!! hayan mo makakarting. hahah may chocolate ka daw sa kanya. :

  4. toni says:

    ayan po at kulay pink pa ung keyk kaya ramdam nyo talaga mahal kayo ng anak nyo.

    early 50’s ba ung mom mo? hula po yan.

    HAPPY BIRTHDAY po!

    • toni says:

      wala atang kwenta kowment ko at nilagpasan.

      • waaahh indi po ate mtoni, ito po siguro ung comment lang na di ko nasagutan kasi po nag hang ang browse ko. churi churi po.

        hahaha. early 50’s? hahaha you need to be exact po. hehehe.

        ipaparating ko po sa kanya.
        pero malaming salamat na po..

  5. salbehe says:

    Happy Birthday sa Mommy mo!

    Katulad ni Vajee, binasa ko hanggang dulo kasi akala ko may chismis.πŸ˜† I never see this coming. Galing.

  6. J. Kulisap says:

    Naglalaro ang iyong mga salita.

    Maligayang kaarawan kay Mama, ang tagal na nating hindi nakakasama si Mama ano?

    54 na siya diba?

  7. kaye says:

    awww… sarap naman ng ganyang mga salita lalo sa anak na lalaki… sana pag malaki na ang little boy ko ganyan din siya…wag lang gayahin ang kapilyuhan mo. hahahaha!

    Happy birthday sa mommy mo, MB.

    ang hula ko sa age niya…46?

    • huwaw.. naku mommy kaye… dahil pinalaki mo ang anak mo sa sobra sobrang pagmamahal, im sure much more pa ang marereceieve mo sa kanya.. hehehe. mommy unti lang po. heheheh

      maraming slamat po mula po sa mommy ko. πŸ™‚

      hahah mali po mommy.

  8. beeftapa says:

    happy birthday sa mom mo!
    ramdam na ramdam ung love sa post mo. maluluha un pag nabasa nya to. teka anong email add nya? sendan ko sya ng kopya. hahahaπŸ˜€

    nasa mid 40’s mom mo (44-46). tama? ahehehe

  9. lababo says:

    hula ko sa age mga 45?

    Natatawa ako bigla. ang che-cheesy ng mga anak na lalaki pag nanay na ang usapan. Di ba?

    Hapeh burdey to your mom butike. Penge handa!

    • hahha mali po kuya..
      hehehehe

      sinabi mo pa, hewan ko ganon lng siguro ko sa mga babae lalo na sa mommy ko kasi sobrang head over heels inlove ako sa kanyang pagiging mommy gusto kong ang magiging asawa ko ay KATULAD ng mommy ko sa aspeto ng pag-aaruga sa mga anak.πŸ™‚

      meremeng selemet lababo makekerating sa kanya. bigyen kita peg meron.

  10. jason says:

    yey! happy birthday!! diba may 10 pa bday ni mommy mo!! yahooo

    nakaktouch naman mga moments nyo!

    nakaktuwa mga bonding… parang na inspire ako na isulat din ang mga bonding moments namin ni momy sa darating na mothers day!!!

    hulaan ko ilang taon na sya….
    49?

    • huwaw. mareming selemet dung!!!

      hahah, tama! may 10 pero gusto ko tong pabasa sa kanya kasma ang mga comments.πŸ™‚

      tlga? tlga? natats ka ba?

      honga dapat talga isulat mo sila. what blogs are for if not to inspire and uplift peopler ayt?

      uu, ganon tlga isahan na lang. mothers day na bday pa ni mommy ko. san ka pa.

      hahah mali ang iyong hula.πŸ™‚

  11. busyokology says:

    haha. ngayn lang yta ako nakapunta dito sa bahay mo. naku..at birthday pa ni mommy mo. happy birthday nalang sa kanya.

  12. themizpah says:

    Isang mapagpalang araw po ng iyong kapanganakan.

    dahil inuunti0unti ko ang scroll bar ay nasabi kong in-love si kuya MB pero nung malapit ng magtapos at andun na yung pic ni mommy ay talaga namang kinurot ang aking puso.

    Dahil mama’s boy ako, ay na-touch ako sa post mong ito.

    God bless kuya MD

    Maligayang araw po sa inyo mommy!

    • wahahah themizpah.

      salamat, in behalf of my beloved mom. hehehe.
      hahaha. that;s the twist.
      πŸ™‚ same here.mama’s boy din ako,. hahah nasa abroad sidaddy eh.

      MD? hindi ako si md, hahaha MB ako. hahaha.

      Sige makararating.

  13. kaye says:

    ano ba kasing sagot? nahihiwagaan ako kung anong age na ni mommy MB. kelan ba ang big reveal? hehehe

  14. etchosera says:

    Happy Bday Mom!!! I pray and declared more blessings from our GOD. Strength, good health, more wisdom, knowledge and understanding be upon u. Just continue to serve GOD and HE will give u the desires of ur heart. Happy bday po uli…

    ….tats naman ako sa entry mo kapatid.

  15. taribong says:

    Happy birthday, Mommy MB!!!!

    Hula ko po 53 kasi mukha lang siyang 35. Tama?

  16. aninipot says:

    haha,nahulaan ko agad na patungkol sa mama mo ang post na to?…. usually kasi nagiging cheezy ang mga lalaking blogger pag mga nanay na ang pinag-uusapan.

    happy b-day sa mommy mo….

  17. etchosera says:

    hula ko 60πŸ˜€

  18. taribong says:

    52? Dahil mukha syang 25 lang hehe

  19. taribong says:

    Malamang happy golden anniversary ni mommy MB dahil nag-skip comment kina ading mtoni at ading pindang (beeftapa wahahaha hi to aninipot hehe)

  20. ang sweet mo namang anak. sigurado ang saya saya ng mommy mo pag nabasa nya tong special post mo para sa birthday nya.

    pakisabi na lang po happy birthday..

    from greenbellpepper ng singaporeπŸ™‚

    • hi gbp.πŸ™‚
      uu kasi binalot ako ng pag mamahal ng aking mga magulang kaya naman ganito na lang ako kaexpresive sa pagmamahal sa kanila.

      sige po, ipaparating ko po. maraming salamat po.

      ingat po sa singapore.

  21. tsenn` says:

    waaah sabi na’t sa mommy mo to e. naramdaman ko lang. nakakatouch e. parang ganun ata talaga pag written para sa mga nanay. ay ewan. hehe,

    happy birthday sa mommy mo! at ang hula ko, hmm, 48πŸ˜€

    • wahahaha. hehehe.
      salamat salamat engineer..

      sige po ipaparating ko po.

      • tsenn` says:

        mali ba un hula ko kuya? yay sayang ung prize. haha.

        nga pala, dahil sabi mo e iupdate kita bout sa jobhunting ko e, as of this writing, wala pa rin buzz, ni miskol, ni ligaw na email mula sa pinagexaman ko. haha. pero i’m not losing hope naman. tama? apir kuya mb!πŸ˜€

      • haha mali eh engineer. hehehe

        GANON ba? ok, lets pray harder.
        dont lose hope. tama!!! go go go. apir!!

  22. the cyberpat says:

    base! wow…πŸ™‚ happy b-day po sa mama niyo kuya.. ang sweet naman n2… hehehe…. ahhmm hula ko po ay… 47?…

  23. tsiremo says:

    Great post MB, gustong-gusto ko..na feel ko talaga yung love…naks, happy birthday to your mom, she’s 45? hehe

  24. sows says:

    at syempre na22wa tlg ako sa mga guys na mahal n mahal ang mga moms nila. sbi nga sken b4 ni amang ko, un daw ay isang batayan na mabuti ang isang tao. well, bka minsan mali rin siguro xa..

    ehehe..πŸ˜†

  25. toni says:

    sinadya mo lagpasan kowment ko eh, kala mo.

    may 7 bday ko kaya 54 hula ko sa edad nya.

    sana tama. me premyo po ba?

  26. Vajarl says:

    Goodmorning MB! Labor day ngayon! Double pay! Ay sabado pala.

  27. eloiski says:

    wowowowow! may din pala birthday ng mama mo. apir tayo dyan!
    hakhak!

    happy birthday sa mommy mo.

    ang sweet sweet niyo ni mommy mo. sinusubuan ka pa niya. ako kasi noon, hindi man lang hinahatid sa iskul kasi kasi kasi ang lapit lang eh! wahahahahaha!

    sa mama ko ewan ko ba, hindi ko kaya iexpress sarili ko sa kanya. im so shy laek that! hakhak!

    kung nahulaan ko ba ng tama, anong premyo?

  28. maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    How sweet Macho! Happy birthday to your mommy!

  29. yiN says:

    Late na yata ‘ko, akala ko gf yung pinag-uusapan hahaha. Late haberdey kay ermats! 48 na ba siya?

  30. Arlan says:

    50 po ang hula ko. Tama?

    Happy birthday, mommy MB!!!

  31. Mark says:

    Happy Mother’s day!

  32. joyo says:

    ang sweet naman ng dade… pakisabi belated heypiberdey kay mommy mo…

  33. Len says:

    wow, berday pala ni momy! happy berday! ang bait naman na anak ito..:-)

    be safe MB!πŸ™‚

  34. Ax says:

    Syempre, sobrang late na ako.. so probably I’ll greet her Happy Mom’s Day!

  35. yhen says:

    wow sweet…

    happy moms day to ur mom…

    GodBless MB..

  36. themizpah says:

    A blessed Mother’s day po sa mama mo.

  37. michelle says:

    happy mother’s day po sa mommy mo…
    hope na mging friend po kita…
    tnx po…godbless

  38. Len says:

    hello bm! bisita lang..πŸ™‚

  39. Mr. Nonsense says:

    tamad mong mag-blog. anyway, palitan mo nga yung profile pic mo. nalilito ako lagi at akala ko ay ako yun dahil sa sunglasses mo.
    ang pinag-iba lang ay ikaw ay pangit:P

  40. jason says:

    kuya mb kamusta na? where na you? dito na us! lol

  41. jason says:

    warning. this is a spam. lol

    oi kuya mb

    oi kuya kuya

    oi

    hahahah

  42. lio loco says:

    anakngtitengmaugat! akala ko naman kung babaeng karelasyon mo na patungkol ‘tong post na ‘to. sa mommy mo pala. na-victim ako run ah. hehe.

    alam mo bilib ako sa’yo kasi sobra kang close sa mommy mo. hindi kasi ako showy sa mommy ko. ewan ko, siguro talagang matigas lang ako kaya ultimo “happy mother’s day” di ko masabi sa kanya. siguro balang araw, magkakaron din ako ng lakas ng loob. kaya saludo ako sa’yo mb, ipagpatuloy mo ‘yan tol!

    hula ko: 46

  43. jason says:

    kuya mb… anong nangyare? asan ka na!

    hinahanap ka na ng mga butiki.

    nyak

  44. jason says:

    warning… this is a spam.

  45. jason says:

    thanks kuya mb!

  46. jason says:

    tao po? namamasko po!!

  47. geylii says:

    waaaaaaaa! a sweeeeeet ! nakakaiyak un! parang bata un pagkakakwento, tapos lalaki ka pa, tapos tapos .. waa! an sweet langπŸ™‚

  48. sows says:

    oy mb, gising nat marami ng nakakamiss sau.πŸ˜‰

  49. J. Kulisap says:

    Ano na? Update naman diyan.

    Salamat pala sa iyong liham.

  50. arnie says:

    musta MB???

    magandang araw!

    apir

  51. Len says:

    hello!!! tao po!!!

  52. Junice Lopez says:

    how sweet!!! hehe napadaan po! hello! hehe

  53. jason says:

    apir!!! hohohoho

  54. beryl says:

    di na to updated?

  55. jason says:

    hey kuya mb!!!

  56. hanep a sobrang sweeeeeeeeeeeeeeetttttttttttttt grabe! kaswerteng mami nman mommy mo hihi

  57. jason says:

    oha oha

  58. jason says:

    tao po tao po namamasko po kuya

    lol

  59. Dorm Boy says:

    musta na? ano na latest?

  60. huli man daw at magaling…huli na rin talaga…hapi bertdei sa mami mo…

    ngayon lang nakabalik!!!!

  61. Pong says:

    pasko na kuya mb

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: