Sampung araw bago ang lahat…

February 20, 2010

Paano ko nga ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko sayo? Sa lahat na ata ng nakatabi ko ikaw na ang pinaka matalino at maabilidad. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko ano daw ba kasing nagustuhan ko sa isang katulad mong nerd? President ng section 1, EIC ng school publication, Champion ng Declamation, eh halos wala nga daw akong panama sayo. Pero lahat yun, iniwasan kong sagutin, kasi alam ko namang ayaw mo ng issue. Kaya naging tahimik na lang ako.

Isang araw pinag baon ako ni mommy ng pandesal na may palamang keso. Nahihiya akong ilabas yun sa bag nong una, pero dala na din ng gutom, nilabas ko, nahuli kong nakatingin ka sa akin at sa napakalaki kong kagat. Napangiti ka ng pagkatamis tamis at natunaw na lang ang puso ko, ngiti na lang din ako sabay alok ng baon. Natuwa ako dahil pagkatapos kitang alukin ng ilang beses, tinanggap mo din ang isang pirasong pandesal.

Sumunod ang ilang araw at ang dating ayaw kong baonin, palagi ko ng dinadala para sayo. Halos araw araw din akong nagdadala ng pandesal dahil don ko napapakitang mahal kita. <ano ba bat ba ngiting ngiti ako pag naalala ko yun>.  Nagsimula na din akong tanungin ni mommy bakit daw ang dami kong dinadalang pandesal, kinakain ko daw bang lahat yun? Napangiti na lang ako kasi alam ko may pinupuntahan ang mga pandesal na yun.

Hanggang bumulwak ang issue ng dahil lang sa baklang pakeelemerang katabi natin. Alam kong hindi mo yun nagustuhan, pero mabilis na kumalat ang balita, nasira ang lahat ng meron tayo. Mas gusto ko talagang gawing sekreto ang tayo pero huli na ang lahat. Sinimulan mo kung iwasan, sinimulan mo kong irap irapan, at hindi mo na tinanggap ang pandesal na araw araw kong dinadala.

Lumipas ang maraming linggo at hindi na tayo talaga nagkausap pa. Dumating ang post valentine celebration sa ating paaralan. Tanghali na kong gumising, walang pera kaya walang handa.  Binigyan na lang ako ng 300 ni mommy, kaya naman umalis na ko alas tres pa lang para bilhan ka ng red rose. Alas sais na ko nakarating sa event. Hinanap kita agad at iniiwasan mo pa din ako.

Matapos ang lahat  ng ngyari, hindi ko na ginawa ang pangako kong first dance dahil alam kong ayaw mo na non. The next thing I know, ang mga kamay ko’y nasa mga bewang mo na  at sinusudan ang malamlam na saliw ng musika. “Bakit?!!  <silence> Wag mo kong taluhin!!” Bigla mo kong sinigawan, bigla kang lumuha, bigla kang umiyak, bigla ka na lang tumakbo papuntang CR, umiiyak, humahagulgul. Sobrang nasaktan ako ng araw na yun kaya hindi kita pwedeng kalimutan dahil ikaw ang unang bumasted sa akin, at sa pambihirang pagkakataon ang lahat ng mga kaganapang ito ngyari sa aking KAARAWAN. hahaha. Basted!!!

Bakit? Bakit ayaw mo na ba ng pandesal ko? Ayaw mo na ba ng keso? Ayaw mo na ba ko? hahaha. ang adik ko at nainlove ako sayo Atty. 🙂 hahaha.  Peace!

Save me by Josh Verdes.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net