Glitches & Drama

If pain is an option, I tell you all no one will choose it. –mb

Favorite kong topic ang pain at nostalgia. Dito kasi bumubuhos ang lahat ng emotions ko, kaya mas nakapagsusulat ang inyong lingkod. Ito rin kasi yung part nagiging totoo ako at lumalabas ang tunay kong pagkakakilanlan bilang tao sa likod ni MB.

Sa kasalukuyan, I’m in pain and there’s no shame in admitting it. Maybe it’s my fault, maybe it’s the situation pero I know I am accountable to all of these. I feel sorry because I had the situation pero hindi ko naanticipate lahat ng to na ganito magiging consequence at ganito kasakit.

Nong mga nakaraang linggo, pain came in with its sting. Nakakainis kasi walang kahit anong pain killer na naimbento para alisin ang sakit na nararamdaman ko. It’s killing me so much. I was hurt. She was hurt. He was hurt. We’re all hurt.

I wanted to say how sorry I am sa kanya because I failed to show kung gaano ko siya sobrang ka mahal that it led her to consulting her x. It pains me to know na instead of me. Tinatakbuhan niya si x whenever we encounter glitches.

But here I am, still holding on. Still hanging because ganon siya ka importante sa akin, ganon ko siya ka mahal. Alam kong mahal niya si ex at mahal din siya ni ex, pero mas mahal na mahal ko siya.

Sometimes, kahit gaano ka illogical and unreasonable ang mga bagay bagay minsan mas pinipili ng mga taong magpakabulag para indi nito maramdaman ang sakit. Lahat naman siguro, hindi agad agad bibitaw hanggang may nakikita siyang pag-asa. Pero mali ba yun? Mali ba na ganito ko mag mahal? Todo kon todo at kapag nagsaktan, wasak kong wasak?

Katulad ko, mas gusto kong paniwalaang maaari pa itong maayos at maisalba kaya ginagawa ko ang lahat ng paraan. It’s a battle I choose to win. So help me God.

12 Responses to Glitches & Drama

  1. Yvarro says:

    Naku.. wawa naman ka naman pala. Joke.

    I know I’m not the best person to tell you this: but sometimes, kung mahal mo and isang tao (at kahit gaano mo pa siya kamahal) : You have to let her go.

  2. L says:

    i feel you, pre. cliche na kung cliche pero pagdating kasi sa pag-ibig, wala naman talagang tama at mali. depende na ‘yan sa diskarte ng tao kung hanggang saan niya kayang ipaglaban ‘yung magic na nararamdaman niya para sa isa pang nilalang. pero siyempre, that person needs to know when to call it quits. kelangan din niyang magtira ng konting pagmamahal para sa sarili niya.

    fuck, cliche na naman. hate ko talagang magbitaw ng cliche eh. the thing about cliches is that you can’t help but both love and hate them for what they are. you hate them for their banality, you love them for the truthfulness they convey.

    at ang dami ko nang sinabing kung anu-anong shit. basta pre, kung kaya pang ipaglaban, sige lang. i’m a sucker for happy endings.😄

  3. hahaha. nakakainis ka tlga maskara.

    makapagsalita ka, parang kilala mo ko. hahaha
    anyways hayaan mo na un.

    thanks for dropping by.

  4. Hi MB,

    Sana, ganun nga lang kadali. Pero napaka-complicated ng mga tao and all that jazz.

    Hope everything goes well for you..

    XOXO,
    Dick E

  5. yahjme05 says:

    favorite line ko yung last part. ^_^

    oo nga agree ako sayo na iba ang pagsusulat kapag may pain , masyadong may lalim. totoong totoo tagos puso , tagos buto..wahahha

    makakamove on ka din ..In Gods time.

  6. yhen says:

    may mga bagay lang talaga sa mundo na mahirap ipaliwanag..

    ito lang ang masasabi ko…

    normal lang masaktan.
    hindi masamang humingi ng kapatawaran.
    lahat ng bagay nasosolusyunan.
    may bukas pa at may Dyos kang matatakbuhan.
    at di masama na dedeadmahin mo muna ang sakit at ngumiti pa rin.
    🙂

  7. L says:

    ikaw na rin mismo ang nagsabi, mas mahal na mahal mo siya. ipakita mo kung ganun; iparamdam mo sa kaniyang sa inyong dalawa ng ex niya, mas liligaya siya kapag ikaw ang pinili niya.

    ngayon kung binigay mo na lahat pero kay ex pa rin ang pag-ibig niya, itigil mo na ang kahibangan. sapat nang minsan eh nagpakagago ka para sa isang taong mahal na mahal mo. nagkataon lang sigurong hindi talaga siya ang taong nakatakda para sa’yo.

    magpakalasing ka ng ilang araw tapos move on. ganun lang naman kasi ang siklo sa mundo.

    all the best, pre! \m/

  8. L says:

    at ngayon ko lang nalaman, dumura na pala ‘ko ng two-cents’ shit dito dati. fuck lang.😄

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: