Mahal Kita Walang Halong Bola =)

April 27, 2010

Pagbalik – baliktarin man ang mundo, hindi
pwedeng hindi mo maramdaman kung gaano kita kamahal. Sobrang natuwa ako nong una kitang makita – ikaw kasi ang unang nagparamdam sa akin ng word na LOVE. Kaya simula non talagang dinikitan na kita. Ahihihi.

Halos walang araw na lumilipas na hindi pwedeng hindi kita makita. Alam ko non dati pa love na love mo ko at love na love rin kita. Palagi tayong nagshashare sa baon ko kasi hindi ko maubos. Pero ok lang sa akin yun. Natutuwa nga ko pag sinusubuan mo ko kasi parating mas madaming ulam ang nakakain ko.

Tapos lagi mo pa kong yinayakap at lagi mo pa kong kinikiss kaya kinikiss din kita. Sa lahat yata ng babae na nakilala ko ikaw yung pinakasimple at pinakamabait. Para kasing wala ka ng kailangan pa at ako na lang ang palagi mong binibigyan.

Ang alam ko ilang beses din kita nasaktan simula nong magkakilala tayo, kasi naman napakachildish ko pa talaga non. Gayunpaman hindi ko alam kung ano bang magic meron ang pulang santan o kaya guamamela na palagi kong pinipitas palihim (baka kasi mahuli tayo ng prinsipal at hindi tayo pauwiin kaya sinusuksuk ko na lang ng maingat sa bulsa ko) at saka iaabot sa tricycle pag pauwi na tayo galing school.

Nagsisimula pa lang ang school year non at umuulan ng una kong maramdaman na maguilty dahil sa nagawa kong kalokohan. Signal no. 3 ata non, malakas ang buhos ng ulan pero linabhan mo parin yung damit natin habang ako naman adik sa game boy. Kaya naman nong nagpatulong ka sa akin hawakan ang pintuan hindi ko ito nahawakan mabuti at saka nadulas ka. Akala ko talaga hindi mo na ko papansinin non, akala ko aawayin mo ko, at akala ko ayaw mo na sa akin.

Yun yung unang beses na sobra kong naguilty sa nagawa ko sayo. Kahit na madalas tayong magtampuhan, ok lang sayo. Bakit nga ba? Pero nong minsan nagkatampuhan tayo, natakot talaga ko non, kasi sabi ko hindi kita papansinin at hindi kita iimikin kahit na maglambing ka pa. Pero sa huli ng hindi ko na kayang hindi mo ko kausapin nagpapansin na ko at sa isang SORRY napayakap na lang ako sayo at humagulgul na parang bata. Don ko na realize na hindi pala pwedeng hindi kita kausapin kasi kailangan kita. naks!

Kaya simula non hindi ko na inulit yun kahit na palage tayong nagkakantampuhan. Kaya naman ngayon malapit na iyong kaarawan! Hindi pwedeng hindi mo to mabasa. Hindi pwedeng hindi mo mareceive ang message ko. Mom I love you so much. I owe you everything. Mahal na mahal kita walang halong bola dahil mommy kita. Happy Birthday. Ikaw ang unang babae sa akin buhay. Naks. O tama na ang tears of joy, I want you to know kahit magkalayo tayo ngayon, still I will send you my hugs and kisses through this post.

Note: Guys, hulaan nyo kung ilang taon na ang mommy ko at may prize ang makasagot ng tama. 🙂