Ang Christmas WishLIST ng Butiki sa papalapit na Pasko

September 19, 2009

-100Dahil less than 100 days na lang before Christmas dapat maaga pa lang pinopost na’to para makapaghanda hindi lang ang aking mga ninong at ninang pati na rin ikaw. oo, tama! Ikaw na walang sawang sumusuporta sa akin kahit na hindi ako madalas magblog hop. Hindi ko lam kung ano ba talagang nakita mo sa akin at patuloy mo kong pinapansin. Kaya naman gusto kong iparating sayo na sobrang DAMA ko ang init ng iyong pagsuporta. hihihi. Apir!

 

christmas redAno pa nga bang mahihiling ko sa darating na pasko. Lahat na ata ng hingin kong materyal binibigay ni Papa God. Naalala ko nong hiniling ko ang bagong bagong psp, laptop, digital camera, tripod, mga damit at limpak limpak na pira, at saka ibat ibang di material na bagay, trabaho ni kuya, Work Permit ni Daddy at Ate sa ibang bansa, ang kaligayahan ni Mommy na sundan si Daddy, magandang trabaho ko sa banko at kaayusan sa aming bahay.

 

“Wag kang mainggit sa akin. Lahat ng ito hindi biglang dumating sa amin, pinaglaban namin to sa prayers kasama ng mga kaukulan na aksyon sa aming parte.  I tell you mas madami pa at maganda pa ang makukuha mo lumapit ka lang kay Papa God.”

 

handaanIsa lang ang nais ko sa darating na pasko ang makasama ko ang pamilya ko at ipagdiwang ang naturang okasyon sa isang hapag na puno ng pagkain habang ang bawat isa’y nagsasalo salo at nagmamahalan. naks. Pero mukhang hindi mo yun kayang ibigay. Hehehe. Kaya ito na lang ang mga pakonswelo sa Machong Butiki. Hihihi

 

Mga Bagay na Gusto kong Makuha sa darating

na Pasko:

 

1. Leather Wallet

2. T shirt (Simple lang)

3. Necktie

4. SPA spree

5. Perfume

6. Big Pillow

7. Clear Contact Lense

8. Sandals

9. Bag na Pang Opisina.

 

Gayunpaman, ang pinakagusto ko sa lahat ay ang nauna sa listahan. Apir! Ingat ka palage, At sa mga naliligaw sa aking blogs, maraming salamat sa pagclick! Apir tayo!

Don’t worry, it doest mean kung hindi man ako magcomment agad or bumisita sa mga blog u, andito ka naman o —- sa puso ko. Hihihi (Mais ko no!?) Abangan mo na lang ang aking pagbisita sa iyong bahay, dahil sabi ko sayo karangalan kong makilala ka. Apir! Apir!


Machong Butiki’s Photo????

September 11, 2009

burgerAll for the sake of Kuya Bon’s Burger. tama ba ate winkie? hehehe

Kuya bon, ito po ang pix ko?  nasa avatar? hindi yung hamster, malayo sa kumakalat na pix na sinsabi nyo? whahaha. i won. i won. uulan ng burger kapag umuwi ka… heheheh

at sa mga naghinala, asan ang ibidinsya., whaha. wolf! ax! loko kayong dalawa, at stain, wag pa loko isip ka ng matindi, hehehe.

pati si jason, epling! kinalabit na nga kita nong nagkita kayo ni Wolf di mo parin pala ko nakilala. wahaha. Lovely, peace! ano kambal kame di ba? whahah. At sa lahat, wag nyo muna pala asahan ang machong butiki sa pagbisita sa darating na GEB. hehehe.

 

APir! Maraming Salamat sa Pagbabasa. O pano ba yan? hehehe.


GEB tivoli. hihihi.

September 7, 2009

Para matapos na ang spekulasyon ng mga tao sa paligid ligid at malaman ang tunay na dahilan ng hindi pag punta ni MB sa nasabing GEB nong nakaraan September 5 2009 sa Tivoli Garden.

 

Ito po iyon:

barneyKinausap ko si Ax upang makisabay papunta sa naturang lugar ngunit sa isang pambihirang pagkakataon ay hinarang ako ng isang dambuhalang dinosaur at ako’y pinabalik sa aking pinagtratrabahuan. Presto, nakulong ako sa mga higanteng mga papeles. Kaya Ax sorry, kung di man ako nakasabay, ganon na din po kay Kuya blu, at kuya eli. Apir! Anong saya!? Ang namiss ko,.

 

 

Pero katulad nga po ng mga nasa utak ni Lovely at ng iba pa? Naroon nga ba si MB sa mga panahong iyon? Bakit di siya nagpakita? Bakit wala siya? Bakit di siya sumali sa mga chichat.

 

Pero talaga nga bang wala si MB ng mga panahong iyon? Ano sa tingin mo?


ISANG MALAKING SORRY…

September 5, 2009

 

1_739487023lSORRY…

BASTA

BASTA

BASTA

HIRAP MAGSALITA.

BASTA GUMAGAWA AKO NG PARAAN.
KAYA PAGPRAY MO KO. OK?
HOPE THAT IS SEEN IS NO HOPE AT ALL
MAGSASAWA DIN AKO SA GANITO.