Entang (Saranggola Blog Awards Entry)

October 3, 2010

189 Teresa Maria St. Brgy. Mauway, San Fernando City. Wala naman nagbago, simula pa lang ng limang taon ako palipat lipat na kami ng bahay. Ang sabi ni Papa para daw malapit kami sa kanyang trabaho. Nasanay na din kami ni Mama nong kalaunan, dahil developer daw si Papa at siya lamang ang pinagkakatiwalaan ng kanilang kompanya.

Sa aming paglipat lipat halos nakasampung bahay na ata kami. Iba ibang adres, iba’t ibang mga lugar at iba’t ibang mga kaibigan. Tatlong araw simula ng dumating kami sa aming bahay ay nakilala ko si Kuya Obet ng minsan tumambay ako sa parke para magpahangin.

Linapitan ako ni Kuya Obet dala ang isang saranggola. Kulay asul na may halong dilaw, may kalakihan at tinalian ng pisi na nakapuluput sa isang malaking lata. At saka nya ako yinayaya magpunta sa kabilang kalye.

Agad akong nakumbinse dahil na rin sa pagkahilig ko sa mga kakaibang bagay. Ang sabi ni Kuya Obet magaling daw siyang gumawa ng mga saranggola, hindi daw basta bastang plastic ang ginamit niya sa paggawa ng kanyang saranggola, SM na plastic daw ang pinakamatibay sa lahat, kaya yun ang ginagamit niya. Habang manipis na kawayan naman ang kanyang ipinangskeleton sa kanyang obra. Samahan mo pa ng kanyang sekretong pisi na ibinabad sa dinurog na bubog at pinatuyo. Panigurado daw lahat ng kanyang kalaban ay ma-eentang at mapuputulan ng tali.

Maya maya pa’y nakarating kami sa isang malawak na damuhan. Kasama ang mga iba pang nagpapalipad ng saranggola, pinahawak sa akin ni Kuya Obet ang saranggola at saka siya lumayo. Sa isang malakas na ihip ng hangin sinenyasan niya ako na bitawan ito. Biglang pumaitaas ang aming asul na saranggola. Sa ilang sunod sunod na ihip at hatak ng pisi ay pumalaot pa ito ng paitaas ng paitaas. Totoo ngang magaling gumawa si Kuya Obet ng saranggola.

Simula non nakasanayan ko na din sumama at magpalipad ng saranggola bawat hapon kasama sila Buboy, Dingdong at Kuya Utoy. Talaga nga masarap pagmasdan ang mga saranggolang aming pinalilipad sa malawak at bughaw na kalangitan. Mga saranggolang nakikipagtagisan sa malakas na ihip ng hangin. Para silang nagsasayaw sa pag – ikot ikot at pag pagaspas ng kanilang mga buntot. Maraming maraming saranggola. Makukulay, may pula, may berde, may puti, may stripes. Iba’t ibang desensyo may malaki, may maliit at may katamtaman. Habang pataas ng pataas paliit ng paliit ang mga ito. Nakakawala ng pagod pagmasdan habang nakahiga sa mayabong na damuhan.

“Ang saranggola para lang din isang kaibigan, kung gusto mong maabot nito ang langit, hayaan mo na kumawala ang pisi. Hayaan mong hagkan nito ang mga ulap, hayaan mo itong pumaitaas at magsayaw, pero kapag alanganin ng umentang. Wag kang mawawala, at tulungan mo itong pumaitaas muli.” “Mawala man sa iyong paningin, hindi mo man makita, basta wag mong bitawan ang pising nagkokonekta sa inyong dalawa.”

“Weh?” Pang – asar na sambit ko sa kanyang seryosong talumpati. “TOK!” isang malutong na kaltok ang inabot ko.

Nagdaan ang mga buwan, halos siguro nasa apatnapung saranggola ang aming nagawa, lahat yun nakipagtagisan sa iba pang mga kalaro at sa madalas sa madalas, panalo. Bawat panalo may pustahang pop cola at saka binatog. Solb na ang bawat hapon basta si kuya Obet ang nagpapalipad panigurado meron na akong libreng meryenda.

“Anak, ayusin mo na lahat ng gamit mo.” Alam ko na ang ibig sabihin non ni Papa alas singko ng huwebes pagkauwi ko. Alam ko wala akong karapatang umalma dahil napag usapan na namin to dati pa. Naiintindihan ko siya. Katulad nga ng sinabi ko kanina, wala din namang nagbago. Ang tanging nasabi ko na lang. “Kelan po tayo aalis?” “Sabado ng umaga.” Bigla akong nabingi sa tatlong salitang yun.

Kinahapunan ng sumunod na araw sa huling pagkakataon, pinuntuhan ko ang lugar kung saan kami nagtitipon tipon upang magsaranggola. Wala si Kuya Obet pati ang kanyang saranggola. Sa isip isip ko, baka nahuli lang siya o kaya inutusan ng kanyang Tito Bong, o kaya gumagawa ng panibagong saranggola.

Paano na ang aking saranggola? Makakapagpalipad din kaya ako? Maaabot din kaya nito ang mga ulap? Sa aking pagkayamot, sinubukan kung paliparin ang aking kaibigan. Hila, takbo hila, takbo, kaunting hanging pa, hanggang nakaangat ang aking saranggola. Awa ng Dyos, ito ay lumipad sa isang pang malakas na ihip ng hangin.

Pinagmasdan ko itong unti unting lumiit habang hinayaang hilain nito ang lahat ng aking nakarolyong pisi. Nagpa-ikot ikot, nagpatumbling tumbling sa ere, nakipagtagisan sa bawat hampas ng hangin. Biglang umihip ang isang malakas na hangin, kasabay ng pagtahimik ng mga kuliglig. Napigtal ang taling nagkokonekta sa akin at sa aking kaibigan.

Kawawang saranggola, hindi na nagawa pang lumaban pa. Malamang baka hindi na kami muling magkita pa. Pinagmasdan ko itong tangayin ng hangin na parang papel sa kalangitan, palayo ng palayo, paliit ng paliit. Sa isang iglap, tuluyan ng nawala sa aking paningin. Hinila ko ang pisi, sinundan, umaasang kahit papaano’y matutuntun ko kung san ito bumagsak. Sa huli wala akong nahita kaya inantay ko na lang lumubog ang araw sa itaas ng burol kasabay ng huling pag asang makapagpaalam sana sa aking kaibigang nagturo sa aking lumipad katulad ng mga saranggola
.

Kinabukasan, umalis kami ng maaga. Nalungkot ako non dahil kahit anino ni Kuya Obet ay hindi ko nakita. Tanging sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy lang at ang balitang linalagnat si Kuya Obet ang naghatid sa akin sa sasakyan.

Simula non wala na akong narinig na balita sa kanila katulad ng pising naiwan sa akin hindi ko na sila nagawang nakausap pa. Gusto ko pa sanang maglaro ng saranggola kasama sila, magpalipad at makipagtagisan sa paiba ibang ihip ng hangin.

Bukas pupunta ako ng San Fernando City para sa isang pagpupulong sa aming kompanya. Pagkatapos aking babalikan ang aming tinirahan dati pati na ang malawak na tambayan. Makita ko pa kaya sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy at si Kuya Obet? Makilala pa kaya nila ako? Bukas magdadala ako ng Nylon, Plastik na SM at saka istik ng kawayan. Bukas magpapalipad kami ng saranggola. At simula bukas hindi ko na hahayaang mapatid ang mga pisi.

Advertisements

The Need to continue…

April 11, 2010

Oh yes, I am still alive, after a month of having my blog closed down. Ito ako at nagbubukas bahay na naman. Maraming salamat sa mga kaibigan ko sa mundong ito.

Ito ang bago:

Ang inyong lingkod ay may bagong trabaho na after a couple of month ng pagiging bum. I’m back in the Market Place. At ang maganda, hindi restricted ang blogsite. APir!!! Yeepee, pero dahil under probationary pa rin ako, kailangan kong patunayan muna na I am perfectly fit sa position ko. Masaya ang aking work, I got to learn new things, meet new intelligent people and it really feels like family.

Pangalawa,

I am so happy na natupad ko din ang plan ko na makarating ng baguio. Apir!!! Sobrang lamig ng Baguio at babalikan ko siya kapag may nakita na kong pwedeng isama!

Pangatlo,

Namiss ko kayong lahat, sobra. Hindi nyo lang alam kung gaano ko kayo kamiss. Sobra sobra.

Pang-apat,

Hindi po totoo ang kumakalat na balita na, kinuha na po ako ng mga aliens sa kalawakan o ang kumakalat na balita na nag – artista na ko bilang pa extra extra sa mga pelikula. No, no, no. I just took time to reconsider some things.

Panglima

Sobrang dami kong natutunan, at gusto ko silang ikwento sa inyo lahat. In a way na di boring at still inspirational pa rin. Hmmm. Pero paano ko nga ba sisimulan ulit. Hehehe.

At higit sa lahat….

Magpopost na ko palage. Heheheh. Joke lang. Hehehe.

Namiss ko lang kayo.. kaya naman andito ko ulit. Hehehe.


Asan HOME mo?

February 11, 2010

Main Entry: 1home
Pronunciation: \ˈhōm\
Function: noun

1 a : one’s place of residence : domicile b : house
2 : the social unit formed by a family living together
3 a : a familiar or usual setting : congenial environment; also : the focus of one’s domestic attention <home is where the heart is> b : habitat

——————————————————————————————————————————-

“Pagod ka na siguro? Gusto mong umuwi? Sige, san ba bahay mo?”

Naalala ko ang isang kaibigan mula sa nakaraan, siya lang naman ang nakausap ko tungkol sa ganitong bagay. Oo, maituturing na emo, sa lahat naman ng pwedeng pag usapan, ito pa ang napili niyang topic. Gayunpaman, natuwa ako sa taong ito, dahil dalawang buwan bago maantala ang aking pag fly fly. Eh nagkaroon kami ng matinding diskusyon. Hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin sa HOME.

A home is not a house, neither having a house doesnt mean having a home. So asa bahay ka na ba? Nong isang araw lang muli ko siyang nakausap, iba na ang pananaw niya sa aking sinasabing home. Kahit dati pa man, alam ko na ang kaibigan kong yun nag hahanap na ng home (for the aged). A place kung saan mararamdaman niya lahat ng pagmamahal at pag aaruga, a place kung saan may tinatawag na pamilya, kung saan meron inang yayakap sa kanya sa oras na kinakailangan niya ng comfort, a place na kung saan may amang mag sasabing “kaya mo yan anak at susuportahan ka namin,” a place kung saan meron kapatid na makakausap, makakasama at makakakulitan. Hanggang ngayon in search pa din siya.

Lahat tayo nagmamadaling lumalaki, lahat tayo gustong makatulong sa ating minamahal, lahat tayo gusto nating yumaman, lahat tayo gustong makatikim ng ginhawa, lahat tayo may kanya kanyang ambisyon.

Langoy! Hinga! Langoy! Hinga! Halos lahat tayo pinipilit lumangoy papunta sa tagumpay. Pero paano kung sa muli mong paglingon ay hindi mo na makita ang iyong pamilya. You can’t see them, only a wide spacious blank panorama lang ang tangi mong natatanaw. Walang pamilyar faces, only same people struggling to swim to reach their goal. Suddenly, you realize, nag iisa ka na lang. Some started to drown, some accepted the fact na everything’s is meaningless but for some their  friends helped them.  You started to swim with other people, you gain friends and enjoy the company but is it enough? Can they fill that entire vacuum in your heart?

Narealize ko halos wala din pala kaming pinagkaiba ng kaibigan kung yun, we are both in search of that intensely desired home, yun nga lang sa magka-ibang planes and figures. I miss my home, do you miss it too? Where is your home?

Home by Josh Verdes.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net


La Union:A escape to the Valley of Dry Bones

June 16, 2009
Ang Napakalamig na Bus

Ang Napakalamig na Bus

Pitong oras ang byahe mula sa maingay at magulong maynila papunta sa tahimik at payapang La Union. “Wen, ilokano day toy.” (Oo, ilokano ito.) Pero sapat lang ang nalalaman ko sa dialect na to. In short, hindi ko kayang makipagsabay sa mga ilokano sa tuwing nagfrefrench sila dahil nadidislocate ang lahat ng muscles ng dila ko at tenga kapag derederetso na silang magsalita.

 

Mas pinipili kong mag night trip kesa sa umaga hindi dahil isa akong nocturnal kundi dahil ayoko sa lahat ang natratraffic lalo na kapag umuuwi sa probinsya. Mas mabilis din ang oras kumpara sa umaga. Ang simpleng idlip nagiging tulog at hindi mo namamalayan na malapit ka na pala. Ganun ko enjoyin ang byahe lalo na kapag mag-isa ako. Sleepy-head. Oo, sobra.

Away from the Front Seat

Away from the Front Seat

 Sobrang lamig sa bus na umaabot sa 20degrees ang temperature sa loob. Kaya kahit anong gawin kong pangloloko sa sarili na hindi malamig hindi ko madeny na sobrang lamig. Saktong nasa pinakadulo kami nakaupo na tipong rollercoaster ang palaging drama kahit napipikit ka na. At idagdag pa ang mga ugali ng pasahero na sinasarado ang aircon sa kanilang upuan (hindi marunong makishare ng burden. Tsk.) kaya where do you expect kung saan ito lalabas? Tama doon sa walang maayos na pihitan na saktong nakatutuk sa amin. Viola! Instant Ref kami sa likod.

 

Upang mabawasan ang lamig sa aking kamay na hindi kayang takpan ng maikli kong jacket, linalagay ko to sa ilalim pwetan para uminit kahit papaano. At kada stop ay lumalabas ako upang magpainit kasabay ang pagputi ng mga salamin ko.

 

ang nakakatawang announcement

ang nakakatawang announcement

Pero thankful na din ako dahil hindi katulad ng isa kong kamag anak nong umuwi sila ay napakasama ng na experience nila. Sumakay sila sa aircon na bus na sira ang aircon, kasabay ng pag tae ng isa sa mga batang pasahero sa loob na nagbigay ng kakaibang at hindi makakalimutang air refresher sa buong bus. Hahaha

 

ang kumot ng kalikasan

ang kumot ng kalikasan

Isa din sa hindi ko makakalimutan at palaging inaabangan sa tuwing umuuwi ako sa probinsya ay ang bukang liwayway. Its so amazing to watch the sunrise sa loob ng bus na overlooking ang buong window habang tumatakbo ito at hinahawi ang fog sa buong kalsada. What an experience, right? 

 

lambak sa kanto namin

lambak sa kanto namin

Maganda ang La Union bukod sa malayo sa kabihasnan at mabilis na takbo ng sibilisasyon, simple lang ang buhay doon. Kahit san ka tumingin,  may bundok, may diningding, may andoks at may liempo.

 

 Lumaki ako sa city, kaya amaze na amaze ako kapag umuuwi kami sa probinsya sa mga bagay na natutuklasan ko. Hindi katulad sa kinalakihan ko ang probinsya namin ay may lumad pa din sa gilid bahay na pwedeng paglaruan at may mga sapa na puno pa rin ng isda at tulya. May malalaking hantik sa puno na ang sakit mangagat at may alarm clock na every fifteen minutes or 1 hour ay nag ssnooze at hindi nauubusan ng batirya – ang tuku sa likod bahay.

Xpressway

Xpressway

 Gusto ko sanang magstay pa ng mas matagal pa sa dalawang araw at isang gabi kong pananatili sa La Union. Mas makakapag isip ka pala ng maayos kapag malayo ka sa Valley of Dry Bones (ang tawag ko sa Syudad) kaso medyo malabo atang mangyari yun, sa ngayon. 

 Ikaw, paano mo ineenjoy ang pinagmulan ng mga magulang mo?