Why You and I created Blog.

Paano kung isang araw napagod ka ng magsalita? Napagod ka makipag – usap? Perhaps napagod ka ng magpaliwanag? Kagagalitan ka kaya ng mundo? Bilib nga ako sa mga maralitang pilipino na patuloy kung magprotesta sa lansangan na ni katiting walang kasiguraduhan kung may nakikinig nga ba talaga sa kanila?

Ito ang aking istorya: Sinumulan ko ang blog na ‘to nong nakaraang taon, sa aking pagkakatanda nagsimula ako sa paggamit ng notepad. June pa lang ay nagsimula na kong magblog sa notepad, isang taon matapos magsi-alisan ang aking pamilya palipad ng ibang bansa, si kuya at ako na lang ang naiwan. Nawalan na ko ng kausap, hindi katulad dati palagi kong nakakakwentuhan sila. I first thought talking with wise people would really burn all my time, kasabay ng pagbubuno ko ng oras sa school at different extra curricular activities.

Having a constant conversation with wise men, of course, had gave me a lot of wisdom. But it didn’t last longer, akala ko pa nga, yun na ang final chapter ng kung anong pinasok ko, pero simula pa lang nong nagkaroon ng pagkakataon makapag ibang bayan, naging medyo disoriented na din ako.

Napakahaba ng 24 hours ko nong mga panahong yun to the point na realized ko na hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay anjan sila para sayo dahil meron din silang sariling mundong ginagalawan, meron pang ibang tao maliban sa iyo. I wanted to talk, I wanted to share everything, I wanted everyone to how I feel and let them hear my thoughts. I was demanding more time.

July, it became my frustration to talk to anyone, hanggang si Mr. Notepad na lang ang kinausap ko. Gusto kong punuin ang buong blankong isipan ni Notepad, na tipong lahat ng gusto kong sabihin ay mailagay ko sa kanya until one day, natutuo akong magbukas ng sariling blog, it took me atleast a month to understand and adapt sa aking nadiscover na mundo.

When i opened my blog, I found new friends in a very different dimension. Iba – iba meron, mabait, meron suplado, meron makulit, meron maganda, meron hunks, meron maliit, meron matalino, meron astig, merong emo, meron ding patawa. But all of them, I consider individually intelligent. At narealize ko hindi pala ko nag iisa. Madami pa rin palang taong mahilig makipag usap, madaming gustong magsalita at madaming gustong mapakinggan.

Madami din naman akong nakilalang mga blogger, nagkachat, nakipagkita sa mga eb, naging kaibigan, hanggang sa naging mga matatalik na kaibigan. Isa isa ko silang naging close at isa isa ko silang pinahalagahan. Ganun ako nakilala ng iba sa wordpress (ows!?).

Sabi nila weather weather lang yan, meron season na mabulaklak ka, meron din naman tagtuyot pero paano kung isang araw nagising ka at andon ka na sa part na kung saan lahat ng spice na meron ka naubos na. Tinanong ko ang isa kong kaibigan, sabi ko sa kanya karugtong ng pinakaunang paragraph.

“Paano kung isa akong vetsin, pero nawalan ako ng “umami” taste, matatawag mo pa rin ba akong vetsin?” “Paano kung ang lahat ng nabasa mo sa akin nung una kang mapadpad sa aking blog ay unti unti ng nawawala.” “Paano kung ako mismong blogger is slowly fading away would you still dare talk to me kahit na ang itinitipa na ng aking mga daliri ay walang kasense sense?”

Aminin na natin, kaya ko sinabing matalino ka! kasi ang gusto mong kausapin ay yung kapwa mo may sense kausap o kung hindi naman ay yung malalim. Hindi ba?

Pero ganon talaga? I guess, its not my season anymore at PATAWARIN mo ko kung sakaling nadismaya kita kung hindi mo ko nakakausap ng matino lately. I’m really so sorry. Pagpasensyahan mo na ko, hindi naman ako talaga writer, isa lang akong blogger na ngarap makakausap ng taong katulad mo iitindi at makikinig.

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA!!!

“I know some of you can read this message, I’m really so sorry! I guess ito talaga ako, fading to white.”

The Fray – How To Save A Life.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

50 Responses to Why You and I created Blog.

    • ??? says:

      hahaha!! hindi ko na napalitan yung name ko..:-D haha! kung ia approve mo e di maganda!! nice post.. πŸ˜€

      saa mabasa ulit ng pinapatamaan mo yan.. πŸ˜€

      sabi nga ng isang nabasa kong post: bloggers are not actually lonely people , (neither they are empty) but they are complete in some sense.. but looking for someone to share their completeness…

      people blog because my kwento silang gustong ma ishare.. and if ever wala silang maibabahagi,,, hindi sila magbibigay ng kahit anong salita.. (makes sense?… makes sense.)

      • hahaha. sana nga! totoo din ung sinabi mo, pero paano kung nagtagal yung naubos na abundance na tinatawag mo ay tuluyan ng naubos at wala ka ng mashare, can you still call yourself a blogger? hm…

        hindi ba you can’t give what you do not have?

      • ??? says:

        You can never give what you do not have, but you can always be who you are alone, kung sino yung MB na tinanggap namin noon(parang ang tagal na nuh? haha), regardless sa sense ng sinusulat niya, yun yung tinanggap namin, haha.

        Then you’ll see, that this world wants to see your BEST, but giving your BEST is very different from giving your ALL. (hmn, san ko ba nabasa to?) hahaha!! eniweis.

        may bago na akong B-hay. Pa-dagdag sa Blogroll mo. Daan ka din sa bahay ng mga maskara kung may oras. πŸ˜€

      • huweh? di nga? wosho. sige dalaw ako don pag may oras.

  1. salbehe says:

    Aminin na natin, kaya ko sinabing matalino ka! kasi ang gusto mong kausapin ay yung kapwa mo may sense kausap o kung hindi naman ay yung malalim. Hindi ba?

    Minsan masaya din kausap yung taong walang sense at mababaw. Yun bang parang lasing lang. Nakakatuyo ng utak ang taong malalalim kausap, parang gusto kong hukayin at ilibing sila sa hukay. Hahaha! Good morning. πŸ™‚

    • huwaw, maraming salamat salbehe… agree!!! totoo din naman ang sinabi m. yun nga lang tlaga depende sa pagkakataon at oras, may mga tao kasi na kapag nakita ka nilang ehemplo, masyado ka ng tinitingala.. maraming salamat sa pag bisita! πŸ™‚

  2. jason says:

    parang ang hirap nga ipaliwanag kung pano nagsimulang magblog.. sa teknikal na paraan, madali kong masasabing nagsimula ako dahil work related. pero ang sasagot talaga sa WHY… medyo malalim nga ang diskusyon.

    pareho tayo kuya, ang mga hindi masabi sa tunay na buhay, malayang nailalagay dito sa blogging, through words, and through people na nagbabasa.

    kuya, handa laging makinig at umintindi ang kapatid mo. apir!

    takte… sinabayan pa ng tugtog ang pagbabasa… nakakaiyak tong post mo kuya.

    P.S.
    no.. hindi ka nagfafade away…

  3. maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    Ako dati nagblog ako para sa sariling kapararaan, hindi ko inakala na makakameet ako ng friends of some sort dito. Dati gusto ko lang magsulat, pero ngayon, gusto ko na rin malaman ang mga nangyayari sa buhay ng iba. Parang sa buhay mo. Kahit pa sabihin mong walang sense yan. πŸ™‚

    • : huwaw naman. oha oha!!! totoo yun, once you get to know some people in this world, meron tlgang parang uhaw factor sa mga namemeet mo. lalo na ung mga malakas ang dating katulad mo. binibini. hehehe.

  4. beeftapa says:

    Siguro pareho tayo ng reason kaya pinasok ko din ang mundo na dati e sinisilip silip ko lang, makahanap ng makakausap na masasabayan ako. Pero pano kapag hindi na nya ko masabayan? That means, sya naman ang kaylangan kong hintayin para muling makasabay. Ganun naman kung talagang magkaibigan kayo, you should compliment each other. Kapag napagod sa pagsagwan ang isa, sasaluhin nung isa, pero sandaling panahon lang at sya naman ang mapapagod. Anong gagawin mo? Titigil na lang kayo pareho?

    ” I’m really so sorry! I guess ito talaga ako, fading to white.” –> sa tingin ko hindi. Ang pagkatao nevers fades. The machong butiki within you will always be the machong butiki I’ve known mula nag mapadpad ako sa mundong ng blogging. Minsan mauubusan ka ng sasabihin o ititipa, ang importante di ka maubusan ng oras para sa kanila.

    • tlgang siguro pa ha? so parang indi rin. hehehe. hindi ko alam ang sagot sa tanong mong napakalalim. pero kung ako ay nagsasagwan sa isang lawa, at may kasama akong kaibigan, kung mapagod man kami, panigurado ang bawat sandaling kami ay tumigil ay magiging meaningful, naniniwala kasi akong sa height ng situations don mo tlaga nararamdaman ang mga tunay na kaibigan.

      hahaha. paano kung nawalan ako ng oras, persay naging busy, (like most bloggers do nowadays) so ibig bang sabihn all of us are fading?

    • beeftapa says:

      naglalaan tayo ng oras sa mga bagay na importante saten kahit gano pa tayo ka-busy. tama ba?

      • oo pero hindi bat kahit mahalaga tayo sa ating mga magulang kahit papaano nagiging busy din sila? regardless of any reasons.

      • etchosera says:

        hahaha. paano kung nawalan ako ng oras, persay naging busy, (like most bloggers do nowadays) so ibig bang sabihn all of us are fading?

        ….. don’t fade away from me, for you will always be. My sweetest memory, a friend so dear to me…

      • beeftapa says:

        yup. pero alam naten na di sila nawawala.

  5. mtoni says:

    hanggang buhay gumagana ang utak kaya pano sasabihin na wala ng sense? minsan sa simleng tanong nagmumula ang magandang talakayan.

    kung palagi mo iisipin ung matalinong paksa maaring matuyuan ka nga. tulad ng katawan kailangan din ng utak marelaks.
    sa totoong buhay ba kaya mong itanong sa bagong kakilala kung matalino sila bago ituring na kaibigan?

  6. lee mi says:

    i love the song, the post and .. basta lahat makakarelate dito..=)

    back then, my work schedule is so pathetic and i dont have much friends abroad.. usually i just with myself.. then may nakilala akong blogger na kwela.. at ayun nga..pinagbasa nya ko ng isang post nya at yun na.. click kami ni mr.wordpress.. ang daming tao dito at di ako sure kung may nagbabasa ng post ko noon pero sulat lang ako.. hanggang sa may nakikikoment na.. at ngayon.. lumalaki na ang pamilya.. ngayon, di na lang ako reader at komentador.. at hindi lang koment yung pagdalaw ko sa bahay ng iba.. may pakiramdam yun at laging parang kasama mo lang ako..ayiiihhh…

  7. taribong says:

    ang epal nito MB….. hehehe

    Sabi sa desiderata: “Speak your truth quietly and clearly/ and listen to others;/ even the dull and the ignorant,/ they too have their story.” There is a gem in all of us waiting to be uncovered. Get real, you are unique because you are you!

  8. J. Kulisap says:

    Kung mawala ka dito sa mundo ng bloggers mamamatay ba ako?

    Mayabang at suplado ang aking sagot hindi ba?

    Reyalidad ‘yong isinulat mo MB.

    Madalas dumating sa akin ang pagkatamad, ang pag-iisip ng ano ang kasunod ng aking idinura?

    Lagi kasing iniisip ng blogger na sana maplease ko si ganyan, si ganito, sana mas maganda yong sinulat ko kay ganito ganyan, sana mas emo o kung hindi man ay pamatay ang isinulat ko para may makuha ka ng mga salitang ganito:

    Ang galing, napakahusay…kanino kang anak? Ang sustansya mo.

    Sa punto ko naman, hiwalay ang aking personal na buhay sa mundong aking ginawa dito sa blogesperyo pero hindi ibig sabihin non, nakatago na ang isang anino na nagmamay-ari kay J. Kulisap, mailap daw pero may pagkakataong sumisilay naman sa mundo ng mga tao…bihirang pagkakataon lamang.

    Kung natutunan mong pahalagahan ang mga bagay na ginagawa mo at hindi ka lamang napipilitan maganda o pangit man sa iba, alam mong nasatisfy ka, ginamot ka sa pamamagitan ng pagbablog.

    May mga taong masasagasaan, may mga taong lilipas lamang na parang utot, bahala ka na kung alin ang nais mong itago at isama sa iyong paglalakbay.

    Ewan ko lamang kung may sense ang sinasabi ko.

    Magandang hapon naman

    • hahaha. punong puno ng sense parekoy. hehehe. apir!!! no maraming salamat. honga eh.
      gusto ko to:
      “May mga taong masasagasaan, may mga taong lilipas lamang na parang utot, bahala ka na kung alin ang nais mong itago at isama sa iyong paglalakbay.”

  9. J. Kulisap says:

    Maidagdag lamang.

    Hindi mo naman kailangang araw-araw magblog.

    Nakakaubos talaga ng ideya lalo na kung ang topic mo ay topic na rin pala ng iba.

  10. Mark says:

    masarap mag-blog lalo na’t ang daming ideyang pumapasok sa loob ng utak…
    bumibisita lang…. add kita sa mga links ko add mo rin ako…

  11. Prinsesa ng Drama says:

    Hello MB! ur back! hehe. ako hiatus mode parin! Why do we blog nga ba? hmmnn… I started blogging because I want to express myself through writing and I have so many things swirling around in my brain. hehe. Di naman ako talaga writer pero masaya yung feeling na meron akong mga naging bagong kaibigan dito sa mundo ng blogosperyo. at syempre isa ka dun at alam mo yan. hehehe.

    Siguro nga naubusan din ako ng maishe-share sa inyo sa ngaun, pero I’m hoping to come back soon! Sobrang busy din kasi sa work kaya siguro drain ang utak ko. hahaha. Ingat lagi! Godbless MB πŸ™‚

    • hahaha. ok lang po yan napakaganda kong ate. apiR!! agree. sobrang napakasarap ng feeling na un. salamat po. the feeling is so mutual ate.

      sure ate. we all share that hiatus, aantayin kita. hhee. apir!! ingat din po! Godbless ate PnD.

  12. aninipot says:

    hmmm, ako naman nagbablog dahil na-astigan sa mga nababasa… dati taga basa lang ako…. sinubukan ko lang magsulat… nakakagaan ng pakiramdam, sabi ko nga, di ko iniisip na may magbabasa basta makapagbasura lang ng mga sakit sa ulo..

    masaya sa mundong ito, magkaiba ngunit lahat pwede mong sabihin… dati sulat lang ako ng sulat kahit ano, basta gusto ko, pero kalaunan natutunan kung ikonsidera ang iba.

    pero alam kung possible na ewan ko ang mundong to, pero pwede ring hindi…hangga’t andito ako di na ako nag-iisip na baka di ko makuha ang panlasa nila, tatanggapin ka nila kung gusto nila at kung ayaw, wala tayong magagawa.

  13. Joyo says:

    ako nagstart akong magblog nung nandito na ko sa dubai, minsan kasi wala akong mapagbuhusan ng sama ng loob…kaya binubuhos ko lahat sa pagbablog. .. minsan gumagawa ako ng sariling mundo…lumilipas ang oras, nakakalimot sandali…

    minsan nilalagay ko kung ano tumatakbo sa utak ko… madalas di ko pinag-iisipan… minsan gusto ko lang humikab ibinablog ko… eh sa yung ang nraramdaman ko… kaya halos lahat ng entry ko nakahanay sa wala sa wisyo… karamihan sarili ko lang ang nakakaintindi…. wakoker kung magets ng makakabasa… basta ako alam ko kung paano iintindihin ang mga sinasabi ko….

    minsan madrama, nakakainis lang yung iba, mejo malungkot lang post sasabihin nageemo ka… eh kung sa talagang malungkot ako bakit ba!

    hindi naman ako nagblog para sa hits… hindi ako nagblog para sa comments… hindi ako nagblog para iplease ang readers… hindi ako nagblog para magpasikat sumali na lang sana ako sa showtime…

    nagbablog ako, dahil yun ang gusto ko.

    • PANALO!!! OHA!!! OHA!!!! hindi ka pa sumasali ng showtime panalo na comment mo apir!!! kaya nga ba isa ka sa mga gustong gustong blogger na makilala dahil sa ganyan mong ugali. apir!!! nakakatuwa dahil mas gugustuhan ko din magkaroon ng lima o sampung faithful readers kesa sa 5 milyong mambabasa na hindi naman naiintindihan ang aking ipinopost, at mas gugustuhin ko din magkaroon ng 5 o 12 na comments na may kinalaman sa post kesa sa 2000++ na comments na wala nman katuturan. hehehe.

  14. Len says:

    haha, parang feeling kolang, wala ka naman dapat ihingi ng sorry noh?!? kung wala kang sense, o hindi man maganda ang story mo, so what? hindi naman pagandahan ng story ang blogging diba? o hindi din naman para sa may mga sense lang kausap ang pag boblog, kung matalino sila, at sobra ang sense sa katawan, SO??!! Basta gawin mo at isulat mo ang gustu mo. Hindi ito pagandahan ng story., o kung anu paman, kung hindi nila tipo ang story ng isang blogger, anu naman, at least para sayo tama ang panlasa, kung sa kanila hindi, wala silang magagawa, wag na silang mag blog kapag ganun.
    Isang natutunan ko sa blogging ay ang pakikipag kapwa tao, kung panu ka makitungo sa mga taong hindi mu lubos na kakilala, peru nirerespeto ang gawa mo at nagrerespetuhan kayo sa pamamagitan ng blog.

    sana may sense ang mga sinabi ko, kung wala, SO?! Basta sinabi kolang ang gustu kong sabihin.

    God Bless MB! πŸ™‚

  15. tsenn` says:

    nung friday lang e nakaapat na oras ng kwentuhan at palitan ng brain juice kmi ng isang kaibigan. hindi naman kelangang pormal, hindi naman kelangang laging may sense, hindi kailangang muka kang matalino lagi, mas importante ang sincerity sa bawat salitang binibitawan..

    ..parang blogging. walang basagan ng trip dahil tulad ng fingerprints ng mga daliring ginagamit para mabuo ang isang blog post, lahat ay may pagkakakilanlan.. apir kuya mb! nice one! πŸ™‚

  16. themizpah says:

    Agree ako sa maskarang ???
    You cannot give what you don’t have. In season and out of season be still, with what you have. Doon ka kasi minamahal.

    Idako mo ang iyong 2 kamay sa iyong bulsa, kapkapin mo ang nilalaman, at ilabas mo ito.
    That’s what you have. And that’s what the Lord wants you to use!

    Be blessed, continue to be an msg!

  17. eloiski says:

    ah so nang-aapi? hakhak! mas matino ka pa nga magsulat kesa sa akin. hakhak! para sa akin mas feel ko ang kababawan. mga taong walang sense. para hindi masyadong madugo ang usapan. ayaw ko ng pormalan. nakakatakot. hakhak!

    bale ako naman eh nagblog noong 4th year hayskul pa lang ako. so imaginin mo na kung ilang taon na akong nagbloblog (sa pasukan 4th year college na ako). hakhak!

    blog lang ng blog ginoong machong butiki. ano ba yan (bat butiki?) . blog to express!

  18. the cyberpat says:

    kuya.. base po… tagal na rin po kuya nung huli po ako bumisita d2 ah :)… baka kuya stressed out lang po kau… malay nyo po makahanap kayo ng inspiration ul8… wla po kasi akong alam eh… naguumpisa pa lang din po ako…nararanasan ko pa lang po yung mga nakasulat sa taas… pero kuya isa lang ang alam ko… kuya.. you’re a great writer… kahit ano po gawin niyo kuya you will always be a great writer… πŸ™‚ d2 lang po ako.. cge po kuya tnx… kuya add ko po pala kayo sa blogroll ko po ah.. pwede po ba?

  19. Mr. Nonsense says:

    touching blog…muntik na kitang halikan. kaso yung nobyo mong si ax ay laging nakabantay sa right banner mo…

  20. yiN says:

    Minsan kasi nakakalimutan natin yung dahilan bakit tayo nagsimulang magkwento, una gusto lang talaga nating dumura, nang madami nang sumasalo ng laway natin napre-pressure na tayo na magkeep up sa demand, kuno, kaya yung vechin lang ang nag-iisip na wala na siyang bisa, pwede namang mag-evolve, or mag-mutate, from the simple pure monosodium glutamate to ajinomoto ginisa mix na may kung anu-ano ng halo, pero ang intensyon na magpalasa andun pa rin, hindi ang mga tao ang magsasabi na ayaw na nila sa isang superhero, ang superhero ay kusang lalabas sa oras ng pangangailangan pero hindi siya mawawala, ang blogging ay parte lang ng buhay, kaya dumarating ang panahon na wala kang gana, dating bisyo na inakala nang isang necessity nang maglaon, ang punto ko lang ay lalong gumaganda si maja salvador at kung yayain niya ko ng 1 night stand eh walang duda iiwan ko kayong lahat impunto pero balang araw ay magbloblog pa din ako kapag bumalik yung kati, pucha blog ko ba to? Isang buong poste. Magha- hi lang sana ko eh, potek.

Leave a comment