Sampung araw bago ang lahat…

Paano ko nga ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko sayo? Sa lahat na ata ng nakatabi ko ikaw na ang pinaka matalino at maabilidad. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko ano daw ba kasing nagustuhan ko sa isang katulad mong nerd? President ng section 1, EIC ng school publication, Champion ng Declamation, eh halos wala nga daw akong panama sayo. Pero lahat yun, iniwasan kong sagutin, kasi alam ko namang ayaw mo ng issue. Kaya naging tahimik na lang ako.

Isang araw pinag baon ako ni mommy ng pandesal na may palamang keso. Nahihiya akong ilabas yun sa bag nong una, pero dala na din ng gutom, nilabas ko, nahuli kong nakatingin ka sa akin at sa napakalaki kong kagat. Napangiti ka ng pagkatamis tamis at natunaw na lang ang puso ko, ngiti na lang din ako sabay alok ng baon. Natuwa ako dahil pagkatapos kitang alukin ng ilang beses, tinanggap mo din ang isang pirasong pandesal.

Sumunod ang ilang araw at ang dating ayaw kong baonin, palagi ko ng dinadala para sayo. Halos araw araw din akong nagdadala ng pandesal dahil don ko napapakitang mahal kita. <ano ba bat ba ngiting ngiti ako pag naalala ko yun>.  Nagsimula na din akong tanungin ni mommy bakit daw ang dami kong dinadalang pandesal, kinakain ko daw bang lahat yun? Napangiti na lang ako kasi alam ko may pinupuntahan ang mga pandesal na yun.

Hanggang bumulwak ang issue ng dahil lang sa baklang pakeelemerang katabi natin. Alam kong hindi mo yun nagustuhan, pero mabilis na kumalat ang balita, nasira ang lahat ng meron tayo. Mas gusto ko talagang gawing sekreto ang tayo pero huli na ang lahat. Sinimulan mo kung iwasan, sinimulan mo kong irap irapan, at hindi mo na tinanggap ang pandesal na araw araw kong dinadala.

Lumipas ang maraming linggo at hindi na tayo talaga nagkausap pa. Dumating ang post valentine celebration sa ating paaralan. Tanghali na kong gumising, walang pera kaya walang handa.  Binigyan na lang ako ng 300 ni mommy, kaya naman umalis na ko alas tres pa lang para bilhan ka ng red rose. Alas sais na ko nakarating sa event. Hinanap kita agad at iniiwasan mo pa din ako.

Matapos ang lahat  ng ngyari, hindi ko na ginawa ang pangako kong first dance dahil alam kong ayaw mo na non. The next thing I know, ang mga kamay ko’y nasa mga bewang mo na  at sinusudan ang malamlam na saliw ng musika. “Bakit?!!  <silence> Wag mo kong taluhin!!” Bigla mo kong sinigawan, bigla kang lumuha, bigla kang umiyak, bigla ka na lang tumakbo papuntang CR, umiiyak, humahagulgul. Sobrang nasaktan ako ng araw na yun kaya hindi kita pwedeng kalimutan dahil ikaw ang unang bumasted sa akin, at sa pambihirang pagkakataon ang lahat ng mga kaganapang ito ngyari sa aking KAARAWAN. hahaha. Basted!!!

Bakit? Bakit ayaw mo na ba ng pandesal ko? Ayaw mo na ba ng keso? Ayaw mo na ba ko? hahaha. ang adik ko at nainlove ako sayo Atty.🙂 hahaha.  Peace!

Save me by Josh Verdes.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

91 Responses to Sampung araw bago ang lahat…

  1. jason says:

    ako ba nauna?? ano? anong nangyare?

  2. davin says:

    oi jason, magbasa ka muna. base ng base. hmmp.
    waahhahaa😀

  3. ang sama mo machong butiki/ ako unang nakabase– binura mo comment ko. HUHU

  4. beeftapa says:

    ayos sa style ng panliligaw mb ah! pandesal at keso, naks naman. baka naman nagsawa sa palaman, cheese na naman. hahaha… isipin mo na lang bacon yan! wahahaha😀

    advance happy birthday MB!

  5. chingoy says:

    so ano na nagngyari? nag-uusap pa ba kayo? minsan nga mas magandang ipagbalik tanaw ang mga past events… tapos tatawanan nyo na lang… i know… (wink)

  6. jason says:

    ang pinakamasaklap sa mga pangyayari ay
    birthday mo pa naganap.

    pandesal pandesal. parang may kanta atang pandesal dati? Ganun ka pala manligaw dati kuya. dinadaan sa pandesal. ngyon baka monay na ibigay mo! nag level up ka na kuya!! Wahaha

    naalala ko yung post ni kuya taribong. na-i-level -up ang pagkakaibigan/bespren. Di talaga malalaman kung ano kalalabasan.. Nagkataon lang na medyo masaklap ang nangyari sa inyo ni ms. make-up girl. lol tawa ko ng tawa sa pics.

    pag nakita nya yan baka ipa-imbestigador ka. haha

    Happy Birthday Kuya MB!!!

    P.S. Panalo yung mata !! wahahahahahaha
    naalala ko yung pambura dati yung may “shaky eyes”

    • hahaha. loko hindi na pandesal chocolates na at sampaguita na ngaun, hahaha. pero ok lng, tintawanan ko na lang yun pag naaalala ko. hehehe. oo nabsa ko post n i kuya taribong. hahaha. pero ako itunuloy ko kasi. hehehe hayun it didnt end up well. magkaibang road daw kc un. honga eh kaya pinalitan ko na lang din sa ung pix ko. hahah. para masaya kami. hahaha, wala akong pamburang ganon, mayaman ka!!! hahaha.

  7. Animsè says:

    Morning! (Pupungas pungas pa.)..
    Madaling araw pa lang kagabi, nagkakagulo na kayo…,

    Ang totoo niyan., ako ang unang naka base, d ba mb?..,

    Kino conceive pa lang ang idea ng blog, nag comment na ako.. (anu daw?),

    Haiz, inaantok pa ko, maya na ako comment..

    OPS: Ganyan ka naman parate, sasabihin mong nag comment ka, pero hindi naman talaga(alibi)…

    Jason: Wala lang, hindi ko mapasok site moh. May sira ata.

    Cornedbeef: Haha! Hindi dapat keso, dapat cornedbeef.. heheks..

    • Animsè says:

      Haha! Naaalala ko si Happyslip (at si Kevin) sa tugtog.

      Buti na lang mb, naging “peyr” ka rin sa Gurl, haha! talagang nilagyan mo din ng drowing yung mukha mu nuh?..

      Hahah! Pero alam mu, mukha ka rin namang dugyot dunsa original pic eh (nakapantulog ka ba nun? e ung girl, kuntodo accessories pa.) kaya ok lang.. kahit hindi na i edit.

      Anyways, Birthday mo na pala? Kelan?..

      Pa chiz borger ka naman, with a wink wink! bwahaha!

      • uu, maganda ang kanta at hindi ko kinakailang don ko un nakuha.

        oo, may nagalit kasi sa akin, kaya pinalitan ko na lang din.

        dugyot? maraming salamat, i like the criticism, and it only shows how _______ you are.

        Guard!! Guard!!! palabasin nga tong taong to!!! Tapos pakisalvage na din!!! tapos paki blender tapos iprito nyo, tapos gawin nyong pataba sa lupa.

        hindi hindi ko bertday, wla akong sinabing birtday ko.

        chiz borger? so cheap. hahaha.

      • beeftapa says:

        araw arawin ba nman keso e, dapat lady’s choice sandwits! isipin mo na lang meron pa… hahaha! natatawa p din ako.😀

        an sama mo animse, nakita ko ung pic kagabi wala pang mga drawing drawing, maayos nman si mb ah, un nga lang mukhang nakapantulog nga tas ung kasama nakapang-party. ahehehe

      • Animsè says:

        hihi:

        RSVP: Pyjama party…

        Gurl: Ay! Akala ko Party lang! haha!
        😛

      • beeftapa says:

        wahahaha! si Atty pa pala mali ng nasuot. hahahaah! adik ka animse.

      • @ beeftapa, lady’s choice isipin mo na lang meron pa? hahaha adik ka BT,

        hindi, maayos pa xa nyan. indi pa xa nerdy nerdy tlga. hahaha.

        tpos paano ko ba sasabihin, bsta sleep over yan dati sa bahay… paalis na sila… ako nakapangtulog pa.

    • ano daw? wala akong naintindihan sa mga sinabi mo. ang slow ko. matulog ka na lang. =))

  8. Animsè says:

    Gusto ko din yung kantang yun! Haha! Nice choice!

    Nakuw, sayang naman, cute pa naman nungunang set ng pics…😀 (sabay bawi?)

    how _______ you are.

    how honest I am?…

    hehe, hindi mo pala bortdey, kala ko sabay kayo ni mommy kaye…

    cheap ba?… haha! sige na nga, ako na lang ang manlilibre sa yo…

  9. dlysen says:

    ayus din pala ang pandesal… next time handa karin nang pambigay sa mga nakikialam para manahimik nalang muna.

  10. lovely says:

    baka gusto nya kornik na lang ibigay mo sknya hehe..basted hehe..kailan ba talaga bday mo..😀 di ko kasi makuha haha.mahina ako sa math..toinx..
    yan ba ung girl na binibigyan mo ng pandesal na may keso? bat pinag laruan mo ung picture hehe..:D

  11. J.Kulisap says:

    Sir kasi po yong pandesal po ninyo maliit lang po.

    Yon lang po yon saka yong baklang pakialamera po may gusto po sayo po.

    Vajee, behave

  12. feline says:

    senxa ka na ngayon lang ako napadalaw ulit sobrang busy!!! buwahaha balik ako maya para mag basa, padaan lang.

  13. sows says:

    inlab c MB… ok lng yan lahat ng perstaym masaket bat ebentwali it’ll heal..

    may peklat lng nga..
    keme lang yan, panalo naman ung wide yellow eyes nia eh..😉

  14. Animsè says:

    haha! gusto ko sanang mag comment kaso baka awayin mo na naman ako ulit mb, kaya wag na lang.. hihihi… magandang linggo ng umaga.. simba ka ha?… nang tumino tino ka naman huh?…

  15. etchosera says:

    Nangangamoy handaan ba MB?

  16. kayedee says:

    pag pnlbas yang story u s mmk cgurdo ang title e “pandesal at keso” hahhah..

    curious lng aq, y n xa nglit ng kumalat bout s inyo? hmmm…

    pangit nmn nun.. maalala ung nbusted k twing bday u! hahha.. gudluck nman hehe..

    • whahahah. oo panigurado un, at ikaw siguro ang unang mananalo. hahaha.

      nagalit xa ksi ayaw nyang malaman ng magulang nya na umiibig na xa, medyo malapit ksi ang school admin sa mga magulang nya.

      honga eh. well i guess thats LIFE.

      • kayedee says:

        gnun!

        pahabol nlng pla..
        bgyan nlng kta ng tip🙂
        manligaw ka uli sa arw ng bday u en make sure na type k ng gurl pra cguradong ssgutin k!
        oh dba kinuntra mo ang curse! hahhha.. ok b?🙂

  17. gerald says:

    nagtataka lang ako kung bakit bigla ka na lang iniwasan ni atty (teka, atty na sya ngayon??). ano naman masama kung malaman ng iba ang about sa inyo? hai naku! penge na nga lang ng pandesal na may keso! (nagutom tuloy ako bigla)

    • yvarro says:

      Morning! Sorry, haha! ang “Atty” ba na pinag-uusapan naten, ay Attorney ang ibig sabihin?… Haha! Akala ko, mas matanda sa iyo ang girl kaya “Atty” na older sister(Ate) ang ibig sabihin nun! Buwahaha! Si Atty! uy!

      (Guard: Inaagnas na.)

    • @gerald, indi pa xa atty non, dudung. hi-skul palang kami non. hahaha kakalat un at malalaman ng mga magulang nya. ito pandesal saluhin mo. hahaha.

  18. orville says:

    hahaha.. sakit ma basted pero nakakatuwa isipin lalo na pag lumipas na ang sakit.. hehe.. parang nagiging funny memories na lang..

  19. tsenn` says:

    *4:07am*

    ako hindi pa nababasted. chos! :p si seksing bubuyog ba to kuya?? o ibang nilalang pa?? ayii naman haha

    kuya mb! mis u!😉

    “sampung araw bago ang lahat…” ang title dahil 10 days na lang birthday mo na?? oh di ba feb29 birthday mo?? tama ba?? edi dapat “siyam na araw bago ang lahat…” waah hindi ko na rin naiintindihan ang pinagsusulat ko. huhu. gusto ko ng pandesal na may palamang TULOG! @_@

    ps. mabuhay ang mga pisces!😀

  20. eloiski says:

    sus! ang sakit niyan pare! pero naks ah parang perpek girl na siya ah.

    hindi ko pa kasi nararanasan mabasted eh kaya wala akong idea kung gaano nga kasakit? ano bang feeling? hahaha!

    :parang lalake lang eh:

    bat naman niganun mo ang picture niya? lagot ka!!!

    • yvarro says:

      hah! nice natuwa ako sa koment mu eloi.. akala ko kanina lalaki ung nagrereply.. kundi ko pa babasahin ung name.. haha! you got me there huh?..

  21. orville says:

    haha lalo na pag mga nakakahiyang bagay ang pinaggagawa mo .wahahaha

  22. Emarth says:

    hehe nakaktuwa naman yan.. okay mga pix niu kuya ahh haha..

  23. pinkdiaries says:

    ako, gustu ko ng pandesal at keso! LOLS!!!
    🙂

  24. yiN says:

    upgrade mo na tol, baka kailangan may ham na p kaya itlog hehehe. emote emote ka na naman!!! hehekhek. akin na lang yung mga pandesal na dinadala mo, hindi kita iirapan paramis.

  25. jason says:

    namiss ko dito kuya

  26. kaye says:

    kaya pala ha…naka move on na? e bakit parang mas pinapangit mo siya sa mga pics nyo? hahaaha!

    pero sana may makita ka nang totoong magaappreciate ng pandesal at keso…ako paborito ko rin yan lalo’t bagong luto ang pandesal. hahaha! winner!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: