Its How You Value People, tama?

August 18, 2011

“Kelan ka aalis?”

“Hindi ko alam. Basta malalaman mo na lang yun.”

“Teka, bat ka nga pala aalis?”

“Hmm. Alam mo yung feeling na wala ka ng value? Na gusto mong hanapin yung part na yun sa iba?”

“Hindi kita maintindihan, MB.”

“Ganito, alam mo yung feeling ng Tshirt sa Cabinet na dati dati palagi mong sinusuot at sinisama san ka man pumunta? Nong una, araw araw mo lang dinadaan daan sa Bench dahil may kataasan pa ang presyo tapos nong nakuha mo na palagi mo itong isinusuot dahil maganda ang fit sa katawan. Hanggang sa unti unti na tong naluluma at naging madalang mo na din suotin perhaps dahil hindi na din uso at luma na. Lumipas ang dalawang taon, kumuha ka din ng iba pang mga tshirt at tinabi don sa dati mong paboritong tshirt kaya kahit napapansin mo to mas pinipili mo ang ibang tshirt na suotin.”

“Bakit naman napasok Tshirt ko dito?”

“Ewan ko, palagi ko kasing nakikita yung tshirt na yun na dati naman palagi mong sinusuot at vinavalue.”

“Sinusuot ko pa rin naman.”

“Oo nga, pero ganon mo pa rin ba siya vinavalue kung itatabi mo sa iba pang mga tshirt mo?”“Ano bigla kang natahimik no?”

“Hindi naman siguro.” “Ang importante hindi ko ipinamimigay o inaalis yung tshirt na yun sa cabinet ko.”

“Yun nga eh, kahit hindi mo ipamigay, kahit hindi mo inaalis, mas lalo mo naman binabalewala.”

“Ganon ba yun?”

“Oo.”

“Pero MB, hindi ka naman t-shirt. Hindi naman tama na ihalintulad mo ang sarili mo sa isang bagay, dahil hindi naman kayo magkasing value.”

“Hindi ko naman inihahalintulad ang sarili ko sa isang bagay, binigyan ko lang ng analogy para mas lalo mong makuha.”

“Naiintindihan kita.”

“Kaya ikaw learn to value people lalo na yung importante sayo. You’ll never know kung kelan sila mawawala at kung mahahanap mo pa sila. One day, you’ll miss them badly para sa huli hindi mo pagsisihan na sana kung pinahalagahan ko lang sila at pinigilan ko siya dati.”

Tips on how to Value People
1. Spend your time with them.
2. Never leave them in their darkness hour.
3. Take time to listen.
4. Never neglect the power of constant communication.
5. Love them unconditionally.


Why You and I created Blog.

April 21, 2010

Paano kung isang araw napagod ka ng magsalita? Napagod ka makipag – usap? Perhaps napagod ka ng magpaliwanag? Kagagalitan ka kaya ng mundo? Bilib nga ako sa mga maralitang pilipino na patuloy kung magprotesta sa lansangan na ni katiting walang kasiguraduhan kung may nakikinig nga ba talaga sa kanila?

Ito ang aking istorya: Sinumulan ko ang blog na ‘to nong nakaraang taon, sa aking pagkakatanda nagsimula ako sa paggamit ng notepad. June pa lang ay nagsimula na kong magblog sa notepad, isang taon matapos magsi-alisan ang aking pamilya palipad ng ibang bansa, si kuya at ako na lang ang naiwan. Nawalan na ko ng kausap, hindi katulad dati palagi kong nakakakwentuhan sila. I first thought talking with wise people would really burn all my time, kasabay ng pagbubuno ko ng oras sa school at different extra curricular activities.

Having a constant conversation with wise men, of course, had gave me a lot of wisdom. But it didn’t last longer, akala ko pa nga, yun na ang final chapter ng kung anong pinasok ko, pero simula pa lang nong nagkaroon ng pagkakataon makapag ibang bayan, naging medyo disoriented na din ako.

Napakahaba ng 24 hours ko nong mga panahong yun to the point na realized ko na hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay anjan sila para sayo dahil meron din silang sariling mundong ginagalawan, meron pang ibang tao maliban sa iyo. I wanted to talk, I wanted to share everything, I wanted everyone to how I feel and let them hear my thoughts. I was demanding more time.

July, it became my frustration to talk to anyone, hanggang si Mr. Notepad na lang ang kinausap ko. Gusto kong punuin ang buong blankong isipan ni Notepad, na tipong lahat ng gusto kong sabihin ay mailagay ko sa kanya until one day, natutuo akong magbukas ng sariling blog, it took me atleast a month to understand and adapt sa aking nadiscover na mundo.

When i opened my blog, I found new friends in a very different dimension. Iba – iba meron, mabait, meron suplado, meron makulit, meron maganda, meron hunks, meron maliit, meron matalino, meron astig, merong emo, meron ding patawa. But all of them, I consider individually intelligent. At narealize ko hindi pala ko nag iisa. Madami pa rin palang taong mahilig makipag usap, madaming gustong magsalita at madaming gustong mapakinggan.

Madami din naman akong nakilalang mga blogger, nagkachat, nakipagkita sa mga eb, naging kaibigan, hanggang sa naging mga matatalik na kaibigan. Isa isa ko silang naging close at isa isa ko silang pinahalagahan. Ganun ako nakilala ng iba sa wordpress (ows!?).

Sabi nila weather weather lang yan, meron season na mabulaklak ka, meron din naman tagtuyot pero paano kung isang araw nagising ka at andon ka na sa part na kung saan lahat ng spice na meron ka naubos na. Tinanong ko ang isa kong kaibigan, sabi ko sa kanya karugtong ng pinakaunang paragraph.

“Paano kung isa akong vetsin, pero nawalan ako ng “umami” taste, matatawag mo pa rin ba akong vetsin?” “Paano kung ang lahat ng nabasa mo sa akin nung una kang mapadpad sa aking blog ay unti unti ng nawawala.” “Paano kung ako mismong blogger is slowly fading away would you still dare talk to me kahit na ang itinitipa na ng aking mga daliri ay walang kasense sense?”

Aminin na natin, kaya ko sinabing matalino ka! kasi ang gusto mong kausapin ay yung kapwa mo may sense kausap o kung hindi naman ay yung malalim. Hindi ba?

Pero ganon talaga? I guess, its not my season anymore at PATAWARIN mo ko kung sakaling nadismaya kita kung hindi mo ko nakakausap ng matino lately. I’m really so sorry. Pagpasensyahan mo na ko, hindi naman ako talaga writer, isa lang akong blogger na ngarap makakausap ng taong katulad mo iitindi at makikinig.

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA!!!

“I know some of you can read this message, I’m really so sorry! I guess ito talaga ako, fading to white.”

The Fray – How To Save A Life.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

The Need to continue…

April 11, 2010

Oh yes, I am still alive, after a month of having my blog closed down. Ito ako at nagbubukas bahay na naman. Maraming salamat sa mga kaibigan ko sa mundong ito.

Ito ang bago:

Ang inyong lingkod ay may bagong trabaho na after a couple of month ng pagiging bum. I’m back in the Market Place. At ang maganda, hindi restricted ang blogsite. APir!!! Yeepee, pero dahil under probationary pa rin ako, kailangan kong patunayan muna na I am perfectly fit sa position ko. Masaya ang aking work, I got to learn new things, meet new intelligent people and it really feels like family.

Pangalawa,

I am so happy na natupad ko din ang plan ko na makarating ng baguio. Apir!!! Sobrang lamig ng Baguio at babalikan ko siya kapag may nakita na kong pwedeng isama!

Pangatlo,

Namiss ko kayong lahat, sobra. Hindi nyo lang alam kung gaano ko kayo kamiss. Sobra sobra.

Pang-apat,

Hindi po totoo ang kumakalat na balita na, kinuha na po ako ng mga aliens sa kalawakan o ang kumakalat na balita na nag – artista na ko bilang pa extra extra sa mga pelikula. No, no, no. I just took time to reconsider some things.

Panglima

Sobrang dami kong natutunan, at gusto ko silang ikwento sa inyo lahat. In a way na di boring at still inspirational pa rin. Hmmm. Pero paano ko nga ba sisimulan ulit. Hehehe.

At higit sa lahat….

Magpopost na ko palage. Heheheh. Joke lang. Hehehe.

Namiss ko lang kayo.. kaya naman andito ko ulit. Hehehe.


Sampung araw bago ang lahat…

February 20, 2010

Paano ko nga ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko sayo? Sa lahat na ata ng nakatabi ko ikaw na ang pinaka matalino at maabilidad. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko ano daw ba kasing nagustuhan ko sa isang katulad mong nerd? President ng section 1, EIC ng school publication, Champion ng Declamation, eh halos wala nga daw akong panama sayo. Pero lahat yun, iniwasan kong sagutin, kasi alam ko namang ayaw mo ng issue. Kaya naging tahimik na lang ako.

Isang araw pinag baon ako ni mommy ng pandesal na may palamang keso. Nahihiya akong ilabas yun sa bag nong una, pero dala na din ng gutom, nilabas ko, nahuli kong nakatingin ka sa akin at sa napakalaki kong kagat. Napangiti ka ng pagkatamis tamis at natunaw na lang ang puso ko, ngiti na lang din ako sabay alok ng baon. Natuwa ako dahil pagkatapos kitang alukin ng ilang beses, tinanggap mo din ang isang pirasong pandesal.

Sumunod ang ilang araw at ang dating ayaw kong baonin, palagi ko ng dinadala para sayo. Halos araw araw din akong nagdadala ng pandesal dahil don ko napapakitang mahal kita. <ano ba bat ba ngiting ngiti ako pag naalala ko yun>.  Nagsimula na din akong tanungin ni mommy bakit daw ang dami kong dinadalang pandesal, kinakain ko daw bang lahat yun? Napangiti na lang ako kasi alam ko may pinupuntahan ang mga pandesal na yun.

Hanggang bumulwak ang issue ng dahil lang sa baklang pakeelemerang katabi natin. Alam kong hindi mo yun nagustuhan, pero mabilis na kumalat ang balita, nasira ang lahat ng meron tayo. Mas gusto ko talagang gawing sekreto ang tayo pero huli na ang lahat. Sinimulan mo kung iwasan, sinimulan mo kong irap irapan, at hindi mo na tinanggap ang pandesal na araw araw kong dinadala.

Lumipas ang maraming linggo at hindi na tayo talaga nagkausap pa. Dumating ang post valentine celebration sa ating paaralan. Tanghali na kong gumising, walang pera kaya walang handa.  Binigyan na lang ako ng 300 ni mommy, kaya naman umalis na ko alas tres pa lang para bilhan ka ng red rose. Alas sais na ko nakarating sa event. Hinanap kita agad at iniiwasan mo pa din ako.

Matapos ang lahat  ng ngyari, hindi ko na ginawa ang pangako kong first dance dahil alam kong ayaw mo na non. The next thing I know, ang mga kamay ko’y nasa mga bewang mo na  at sinusudan ang malamlam na saliw ng musika. “Bakit?!!  <silence> Wag mo kong taluhin!!” Bigla mo kong sinigawan, bigla kang lumuha, bigla kang umiyak, bigla ka na lang tumakbo papuntang CR, umiiyak, humahagulgul. Sobrang nasaktan ako ng araw na yun kaya hindi kita pwedeng kalimutan dahil ikaw ang unang bumasted sa akin, at sa pambihirang pagkakataon ang lahat ng mga kaganapang ito ngyari sa aking KAARAWAN. hahaha. Basted!!!

Bakit? Bakit ayaw mo na ba ng pandesal ko? Ayaw mo na ba ng keso? Ayaw mo na ba ko? hahaha. ang adik ko at nainlove ako sayo Atty. 🙂 hahaha.  Peace!

Save me by Josh Verdes.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

iM so Back!!! apir!

August 24, 2009

Wahaha. after a series of hospital check ups, im so back and alive, even more alive! Narinig mo!? Thanks Bro! ikaw ang una kong dapat pasalamatan dahil ikaw naman talaga ang nag heal sa akin! Apir! Apir!

20060831202145716_1Nagpapasalamat ako Sayo ng lubos kasi napakagraceful mo talaga at ubod pa ng merciful (sabi nga ni jason). Hindi mo ko hinayaan magkasakit. Instead, binigyan mo ko ng mas magandang perspektibo sa buhay bago pa ko tuluyang magsawa. Apir ulet! Ang galing mo! Miraculously, peklat lang pala ang nakitang spot sa Xray ko tapos negative din sa iba pang sakit!

1_143377400lUnbelievable talaga. Hindi pala sakit ang problema ko kundi ang sarili kong paranoia! Ang totoo natakot talaga ko sa simpleng  costochondritis (pinaganda at pinatalinong salita ng chest pain, nasinearch ni ax at ipnim sa akin) na humantong sa TB hanggang naconnect sa HIV. Pisti! Halos buong dalawang araw akong umiyak sa kakaantay ng result ng mga test na yun. Lumobo ang mga talukap ng mata ko sa kakaiyak hanggang sa nagmukha akong mongoloid. Pero buti na lang graceful pa rin ang God. Maraming salamat ulet PAPA GOD ko. Wala akong sakit, stress lang.

Paranoia – wag mong hayaan kainin ka nito. Ganito kasi siya kung pano kumilos, magcocollect siya ng mga certain situations at happenings sa life mo na mapapatanong ka talaga, tapos saka niya pagcoconectkin ang bawat isa dito, na parang isang malaking lambat at saka niya itatapon sayo hanggang sa mahindi ka na makagalaw at malunod ka na paibaba sa problema.

1434805735_88a8ddc83eIn the end, ikaw ang talo! Hindi mo kayang labanan ang Paranoia lalo’t mag isa ka lang. Often, those who fight it alone are helpless. kaya kung meron ka nito dapat ngayon pa lang humanap ka na ng taong magiging kaibigan mo at tutulong sayo. Piliin mo yung kaya kang pasanurin, yung may takot sa Diyos, yung nagbabasa ng bible at ipinamumuhay ito, dahil kahit anong word of encouragement pa ibigay ng mga friends mo sa iyo kung wala naman itong buhay, baliwala din to. (Totoo ito, gusto mong itry?)

Bago pa ko tuluyang lamunin ng Paranoia, kinontak ko lahat ng taong makakatulong sa akin, iba yung mga taong nagprapray at iba yung taong talagang makakausap. Bago ko tuluyang bumalik dito kinailangan kong iconfirm sa kanya ang usapan kaya naman lumabas ang isang pahina sa blog ko (napansin mo ba) click mo na lang pag nabasa mo na to. Nakapaloob don ang mga sinabi nya na sa tingin ko makakatulong din sa iyo.

Pagkatapos ng usapan, pinagpray niya din ako. Isa rin siya sa mga taong nagpatahimik sa arguments ng nuerons ko. Maraming Salamat Kuya Dawin. Healed ako kasi Healer ang God natin. Dati binabasa ko lang ang word na grace ngayon naeexperience ko na. apir! 

 May isa pa siyang nabanggit sa akin. MAG INGAT AT UMIWAS! Sa dami ng taong nagkakasakit ngayon sa mundo, minsan may mga tao talagang saksakan ng sama, at naiisipan pang ipamahagi ang sakit na meron sila.  Straight to the Point, yun yung mga taong ang habol lang ay sex, jerjer, bj, at kung ano ano pang kamunduhan. Kaya ikaw pare (5 pare ko dito, pero lahat na din kayo) at girls, don’t let yourself be infected, naniniwala akong ayaw mong magkasakit, dahil mahal na mahal ka ng pamilya mo at mga kaibigan mo, kaya pls. lang wag ka ng pumayag kung alam mong yun lang din naman ang habol niya sa iyo.

I tell you, madaming malulungkot kapag nawala ka kaya ingatan mo buhay mo. ok? Pleeeeaaaaase lang. Madaming makakamiss sa iyo. kaya umayos ka kung saksakan ka talaga ng emo at sasabihin mo sa akin walang nagmamahal sayo at walang makakamiss sayo. Nagsisinungaling ka. Mahal ka ni Bro at ng pamilya mo. Isa rin ako sa malulungkot kapag nawala ka. Isa ako sa mga naniniwala sa iyo kaya dapat ingatan mo ang buhay mo. Alright!?

 

2602728681_b7299b8fbe_mAt sympre makakalimutan ba naman kita, oo, tama, ikaw, ikaw  na nagbabasa nito. Namiss din kita at salamat sa walang patid mong pagprapray at patuloy na pagsuporta sa nag iisang machong butiki ng bayan. APIR! 

 

MAY GOD CONTINUE TO BLESS US MORE AND MORE!!! =)

 

ps: wag kalimutan magpray kasi nakakatanggal talaga ng stress. wag mo na kong gayahin na buong araw kung kumayod sa office. Matulog ka ng maaga. ok?


Nawawalang dila…

August 16, 2009
si otep ang aking model (slamat sa awards, pano ba un?)

si otep ang aking model (slamat sa awards, pano ba un?)

 

Kasabay ng pagkawala ko ng ilang araw sa blogosperyo, mukhang nawalan na din ako ng dila at  nawawalan ako ng sasabihin siguro dahil taob ako sa mga muling pagpaparamdam ni seksing bubuyog (ang matinding partner ni machong butiki).

 

kaya update na lang ang gagawin ko ngaun:

Office: Excellent naman, natutuwa ang mga boss ko sa akin at mas lalo nila akong pinagkakatiwalaan sa mga hawak kong accounts.  It comes with a price palage, and i need to pay it. Kaya ngayon dinagdagan nila ang aking load, at mas natutuwa ako don dahil parang regular na din ang trato nila sa akin.

Bahay: Sobrang gulo ng kwarto ko after 1 week simula nong ayusin ko. Inalis ko ang 1st layer ng kama ko kaya mas mababa na ang aking tinutulugan. Ok naman dahil mas nakakapagpaikot ikot ako habang natutulog ng hindi nalalaglag. Pero ngayon sobrang kalat na naman ng mga gamit ko.

2457120856_c02ca4f9b4_mSocial Life: 23.5% Kakabili ko pa lang ng bago kong celfone kaya wat do you expect, halos wala pa sa contacts ko mga frends ko. No Gimiks muna para sa butiki. ZERO percent din para sa EB, GEB, at lahat ng may EB.  Yung 76.5%  iispend ko sa mga folder, papel at saka computer system namin.

Spiritually: 15% and still going down. I need to lead myself back to the cross. Mas lalo na kasi akong natatakot sa mga ngyayari. Bro, wag ka sanang magsawa sa akin, tulungan mo kong bumalik Sayo.

1892002618_d83eb92eed_mLovelife: 18% and going down. Muli kong binisita ang una kong pag ibig sa kanyang account, ikinasal na pala siya ng hindi ko man lang nalalaman. Trivia: Matalino siya sobra! at kasalukuyang nag-aaral siya ng law sa UST. T.T siya din ang kauunahang babae seryosong babae na linagaw ko. (at ikwekwento ko ito sa mga susunod na blog).

Physically: Sabi nila tumataba daw ako ngaun, sabi ko naman, wala pang sweldo. Pero mas nakikipaglaban ako sa mga tigyawat ko ngaun dahil palage akong stress at puyat.

 

Emotionally: Mixed, minsan lackadaisical, (mali ata speling ko) basta un na13129845_0bfae3cc88_m yun. matalino ka naman eh. Mas negative ako ngayon kaya wag nyo muna kong kausapin dahil baka iba maipasa ko.  Medyo takot nga ako ngayon sa mga nangyayari. Kaya pagpray mo ko ha? Hindi totoo ang centrum, ilang kilong centrum na ba ang nainom ko bakit parang hindi pa rin ako kumpleto? T.T

School: Mas exciting kung hindi lang ako tatamarin sana, kasi kaya ko naman pa lang sagutan ang s²=Σx²-(Σx… – x10)²/n-1 then s=Γ (square root yan) to get the sample variance. bukas  magprepresenta akong sagutin lahat ng problem na binagay pati na ang problema ng pilipinas, wag nga lang sana kong tamarin.

Time: need more management pa talaga. pero Gold pa din naman para sa akin.

Blogosphere: Ito nakakatuwa kayo sa mga comment niyo, hindi nyo ko pinapabayaan. ang dami niyo na pala. kung hindi ko siguro pinost yung pix ng gwapo kong fafa hindi niyo ko papansinin. mga pisti kayo. (joke) wla na ko sigurong magagawa kundi ilabas pa ang mga pix ko at wag ng magtago. Pero ayun, senxa na proseso kasi yun. abangan ang phase 5: Identity yan ang bagong page na kasalukuyan ko pa ring inaantay na maipost dahil katulad nga ng sinabi ko may kailangan pa kong gawin bago ko ilabas ang scandal ko. Apir! MARAMING SALAMAT SA PATULOY NIYONG PAGSUPORTA SA NAG IISANG MACHONG BUTIKI. APIR MGA GIRLS AND GUYS! MAHAL KO KAYONG LAHAT KAYA BILANG PAGPAPASALAMAT BABANGGITIN KO KAYO ISA ISA PERO PAG MAY NAKALIMUTAN AKONG ISAMA GANITO ANG GAGAWIN NATIN.  MAY BEBELGAM KA SA AKIN. Hehehe.

 

In no particular order na to ha?

Ms. Joyce – top 1 ka o! apir! punuin mo ba naman lahat ng post ko ng comment u. at sinong hindi matutuwa non. mRming salamat.
Ms. cute. – speechless pa din ako, its my priveledge na makachat ka.
Ms. joyo  – may utang pa pala kong bigas sau.
                         sige sa makalawa ko na lang po bayaran.hihihih
Ms. Yhen  – smile and keep it. miss ur pix alot.
lovely    – ei, ano na? dami mong lihim
Chenn   – Engineer! go for an extra mile.
Joan   – wag kalimutan kumain
Ax   – May utang pala ko saung email.
Otep      – tara kape na tayo
Jason     – “eh” sinumulan mo tatapusin ko.
      sorry pare wla ako tym lately  para sagutin lahat lahat                              Stain     – di ka parin nagcocoment sa aking
                     mga comment sau. mabait ka din pala.
Bonistation – pengeng shawarma at syapati
Ampness    – amp! hehehe. apir!
k’mars     – kua peram ng PSCS3 tpos turuan mo na din ako
shynyrd    – keep it burning
blu        – add mo po ako. j.concept
flamindevil – turuan mo kong mag english.
stormy      – maraming salamat sayong pagbisita,nakakainlove ka din.
supermankind – gusto ko din ng header mo.
fr. fiel  (haba kasi eh) -pls pray for my health
TSI           – turuan mo ko magfotoshop.
prinsesa ng drama -its my priveledge na mkilala ka. wag ka po sanang magsawa sa pagbisita sa bahay ko. welcome ka po palge dti pati na din si stormy.
boypulubi    – pare san tau? quiapo naman tau tambay sa linggo!

deep blue
Walang minuto na hindi ko kayo naisip
at ang mga blog nyo. Medyo malayo kasi
ako sa katotohanan ngayon. Lumilipad
ang isip ko sa mga ngyayari. pero pag
ok na ang lahat. asahan nyo iisa isahin ko kayong
lahat.

have a nice day ahead! =)

 

ps. still thinking wat do next.


Kalma lang… Anong laman ng bag mo?

August 5, 2009

 

Tinanong ako ng isang blogger kung ano daw bang laman ng bag ko matapos kong mabanggit na masakit ang aking likod at balikat.  (tumatanda na ata ako?hehehe pero ang aga pa) kaya bilang pagtugon sa kanyang katanungan, ito kasagutan ko, ang post na ito gagawin na rin nating inter activity.

ok ba yun mga repapips?

 

in ramdom order na to ha?

 

6. Notebook – mahilig akong magsulat at mag take down notes, usually mga naiisip kong quotes, reflections, ideya, kwento, at mga drafts ng posters na ginagawa ko.

3. PSP – pamatay oras, soundtrip, pang alis bad trip na din.

8. Planner – dito ko sinusulat ang mga aktibidades at mga importante lamang na meeting at task na kailangan kong magawa agad.

7. Tootbrush at toothpaste – hindi kagandahan ang ngipin ng butiki  mas prone ako sa mga cavities dahil hyper sensitive ang aking mga ngipin kaya palaging nagtotoothbrush.

1. Panulat – para san pa ang notebook kung walang panulat tama?

9. ID – palagi akong may dala nito para mabilis maidentify ang butiki san man siya magtungo na may mahigpit na siguridad.

2. Cellphone – dahil nawala ang cellphone ko nong makalawang linggo hiniram ko muna yung sa tita ko habang wala pa kong balak bumili ng panibago.

11. Susi – apat lang kami sa bahay, lahat kami umaalis, kaya dapat palaging may susi. ayoko din kasing pinapakialaman ang gamit ko ng  siraniko kong kuya at pinsan.

5. Coin Purse – hindi na ko nagwawalet kasi kasya naman sa coin purse ko lahat ng allowance ko. Tip: Reverse psychology ang paggamit ng  coin purse para sa mga pisting snatcher at holdaper dahil kapag binigay mo wallet mo at least wala silang makukuha don, cards lang at hindi nila iisipin na hingin ang coin purse mo kung ang laman lang naman nito ay si rizal.

4. Pabango – attracted ang mga babae sa mababangong lalaki kaya meron ako nito.   kapag di maiwasan magpahiwis, punas pawis lang, pabango agad.

10. Camera – amateur photographer ang butiki, kaya kahit anong interesting na pagkakataon kinukuhanan ko ng litrato gusto ko kasing macaptured lahat  ng memories na nagagawa ko. (naks!)

12. Pagkain at bebelgam – tamad akong kumilos, hindi mo ko mapapababa ng building  namin lalo na kapag tinupak ako kaya nagdadala na din ako ng kahit biscuit  lang pangtawid gutom, bebelgam para di mapanisan ng laway, at tipid pa.

 

 

Ayan ang laman ng aking bag hamster? Para naman sa inter activity… Gusto kong i-tag ang mga sumusunod na tao na magpost ng laman ng kanilang bag kasama ang pix, pag walang pix – sige dapat may pix. hehehe. Kung ayaw magpost – ok lang din, pero gusto ko din kasing makilala ka. hehehe.

listahan ng mga taong gusto kong snatchan ng bag:

 

 

2. ax

7. stain

1. joyo

4. naglalambing na cute

5. lably

6. otep

3. jason