Entang (Saranggola Blog Awards Entry)

189 Teresa Maria St. Brgy. Mauway, San Fernando City. Wala naman nagbago, simula pa lang ng limang taon ako palipat lipat na kami ng bahay. Ang sabi ni Papa para daw malapit kami sa kanyang trabaho. Nasanay na din kami ni Mama nong kalaunan, dahil developer daw si Papa at siya lamang ang pinagkakatiwalaan ng kanilang kompanya.

Sa aming paglipat lipat halos nakasampung bahay na ata kami. Iba ibang adres, iba’t ibang mga lugar at iba’t ibang mga kaibigan. Tatlong araw simula ng dumating kami sa aming bahay ay nakilala ko si Kuya Obet ng minsan tumambay ako sa parke para magpahangin.

Linapitan ako ni Kuya Obet dala ang isang saranggola. Kulay asul na may halong dilaw, may kalakihan at tinalian ng pisi na nakapuluput sa isang malaking lata. At saka nya ako yinayaya magpunta sa kabilang kalye.

Agad akong nakumbinse dahil na rin sa pagkahilig ko sa mga kakaibang bagay. Ang sabi ni Kuya Obet magaling daw siyang gumawa ng mga saranggola, hindi daw basta bastang plastic ang ginamit niya sa paggawa ng kanyang saranggola, SM na plastic daw ang pinakamatibay sa lahat, kaya yun ang ginagamit niya. Habang manipis na kawayan naman ang kanyang ipinangskeleton sa kanyang obra. Samahan mo pa ng kanyang sekretong pisi na ibinabad sa dinurog na bubog at pinatuyo. Panigurado daw lahat ng kanyang kalaban ay ma-eentang at mapuputulan ng tali.

Maya maya pa’y nakarating kami sa isang malawak na damuhan. Kasama ang mga iba pang nagpapalipad ng saranggola, pinahawak sa akin ni Kuya Obet ang saranggola at saka siya lumayo. Sa isang malakas na ihip ng hangin sinenyasan niya ako na bitawan ito. Biglang pumaitaas ang aming asul na saranggola. Sa ilang sunod sunod na ihip at hatak ng pisi ay pumalaot pa ito ng paitaas ng paitaas. Totoo ngang magaling gumawa si Kuya Obet ng saranggola.

Simula non nakasanayan ko na din sumama at magpalipad ng saranggola bawat hapon kasama sila Buboy, Dingdong at Kuya Utoy. Talaga nga masarap pagmasdan ang mga saranggolang aming pinalilipad sa malawak at bughaw na kalangitan. Mga saranggolang nakikipagtagisan sa malakas na ihip ng hangin. Para silang nagsasayaw sa pag – ikot ikot at pag pagaspas ng kanilang mga buntot. Maraming maraming saranggola. Makukulay, may pula, may berde, may puti, may stripes. Iba’t ibang desensyo may malaki, may maliit at may katamtaman. Habang pataas ng pataas paliit ng paliit ang mga ito. Nakakawala ng pagod pagmasdan habang nakahiga sa mayabong na damuhan.

“Ang saranggola para lang din isang kaibigan, kung gusto mong maabot nito ang langit, hayaan mo na kumawala ang pisi. Hayaan mong hagkan nito ang mga ulap, hayaan mo itong pumaitaas at magsayaw, pero kapag alanganin ng umentang. Wag kang mawawala, at tulungan mo itong pumaitaas muli.” “Mawala man sa iyong paningin, hindi mo man makita, basta wag mong bitawan ang pising nagkokonekta sa inyong dalawa.”

“Weh?” Pang – asar na sambit ko sa kanyang seryosong talumpati. “TOK!” isang malutong na kaltok ang inabot ko.

Nagdaan ang mga buwan, halos siguro nasa apatnapung saranggola ang aming nagawa, lahat yun nakipagtagisan sa iba pang mga kalaro at sa madalas sa madalas, panalo. Bawat panalo may pustahang pop cola at saka binatog. Solb na ang bawat hapon basta si kuya Obet ang nagpapalipad panigurado meron na akong libreng meryenda.

“Anak, ayusin mo na lahat ng gamit mo.” Alam ko na ang ibig sabihin non ni Papa alas singko ng huwebes pagkauwi ko. Alam ko wala akong karapatang umalma dahil napag usapan na namin to dati pa. Naiintindihan ko siya. Katulad nga ng sinabi ko kanina, wala din namang nagbago. Ang tanging nasabi ko na lang. “Kelan po tayo aalis?” “Sabado ng umaga.” Bigla akong nabingi sa tatlong salitang yun.

Kinahapunan ng sumunod na araw sa huling pagkakataon, pinuntuhan ko ang lugar kung saan kami nagtitipon tipon upang magsaranggola. Wala si Kuya Obet pati ang kanyang saranggola. Sa isip isip ko, baka nahuli lang siya o kaya inutusan ng kanyang Tito Bong, o kaya gumagawa ng panibagong saranggola.

Paano na ang aking saranggola? Makakapagpalipad din kaya ako? Maaabot din kaya nito ang mga ulap? Sa aking pagkayamot, sinubukan kung paliparin ang aking kaibigan. Hila, takbo hila, takbo, kaunting hanging pa, hanggang nakaangat ang aking saranggola. Awa ng Dyos, ito ay lumipad sa isang pang malakas na ihip ng hangin.

Pinagmasdan ko itong unti unting lumiit habang hinayaang hilain nito ang lahat ng aking nakarolyong pisi. Nagpa-ikot ikot, nagpatumbling tumbling sa ere, nakipagtagisan sa bawat hampas ng hangin. Biglang umihip ang isang malakas na hangin, kasabay ng pagtahimik ng mga kuliglig. Napigtal ang taling nagkokonekta sa akin at sa aking kaibigan.

Kawawang saranggola, hindi na nagawa pang lumaban pa. Malamang baka hindi na kami muling magkita pa. Pinagmasdan ko itong tangayin ng hangin na parang papel sa kalangitan, palayo ng palayo, paliit ng paliit. Sa isang iglap, tuluyan ng nawala sa aking paningin. Hinila ko ang pisi, sinundan, umaasang kahit papaano’y matutuntun ko kung san ito bumagsak. Sa huli wala akong nahita kaya inantay ko na lang lumubog ang araw sa itaas ng burol kasabay ng huling pag asang makapagpaalam sana sa aking kaibigang nagturo sa aking lumipad katulad ng mga saranggola
.

Kinabukasan, umalis kami ng maaga. Nalungkot ako non dahil kahit anino ni Kuya Obet ay hindi ko nakita. Tanging sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy lang at ang balitang linalagnat si Kuya Obet ang naghatid sa akin sa sasakyan.

Simula non wala na akong narinig na balita sa kanila katulad ng pising naiwan sa akin hindi ko na sila nagawang nakausap pa. Gusto ko pa sanang maglaro ng saranggola kasama sila, magpalipad at makipagtagisan sa paiba ibang ihip ng hangin.

Bukas pupunta ako ng San Fernando City para sa isang pagpupulong sa aming kompanya. Pagkatapos aking babalikan ang aming tinirahan dati pati na ang malawak na tambayan. Makita ko pa kaya sila Buboy, Dingdong, Kuya Utoy at si Kuya Obet? Makilala pa kaya nila ako? Bukas magdadala ako ng Nylon, Plastik na SM at saka istik ng kawayan. Bukas magpapalipad kami ng saranggola. At simula bukas hindi ko na hahayaang mapatid ang mga pisi.

49 Responses to Entang (Saranggola Blog Awards Entry)

  1. jason says:

    base ako!!! AKO ANG BASE!

  2. jason says:

    GANDA inspiring to!! nakakatouch lalo na kasabay ng canon

  3. dan says:

    tuluyan mang pinigtas ng malakas na hangin ang saranggola mo, mas natuto ka naman siguro sa pagpapalipad. kaylangan mong makipagsabayan sa hangin. pero di ibig sabihin basta ka lang bigay ng bigay ng pisi, hatakin mo paminsan-minsan. wala sayo ang kontrol ng hangin,pero hawak mo ang pisi ng saranggola. madali naman yan palitan, madaming plastic ng SM na nagkalat, syempre panibagong pakikipagsapalaran, panibagong alaala na.

    lahat ng bagay napapalitan, memories lang ang hindi. inulit kong basahin kasabay ng tugtog, ang ganda, mas navisualize ko.

    • maraming salamat dan, at talagang kailangan gamitin mo pa si rupert para lang makapag comment.
      madaling sabihin na maaring palitan ang isang bagay kapalit ng isa pa dahil siguro sa kawalan na din ng pagpapahalaga. totoo lahat ng bagay napapalitan, kahit ako mapapalitan, kahit ikaw mapapalitan pero hindi ibig sabihin nito sa madaming plastic ng SM na nagkalat makakasiguro kang kaya nitong tumbasan at higatan ang bagay na papalitan nito? Totoong kinakailangan hatak hatakin ang pisi pero wag masyado dahil baka mas lalong maputol ito.

  4. dan says:

    tama tama, makapagpalipad ka man ng mas malake at mas makulay na saranggola, lagi mo pa ding maalala kung san ka unanng natuto magpalipad. hindi matutumbasan ang hatid na alaala nun. .. matutong sabayan ang hangin, tantyahin mo, mararamdaman mo naman un sa pisi kung kaylangan mong hatakin o kaylangan mong luwagan.

    • what the???

      tama, tama, oo tantyahin mong mabuti baka kasi mapasobra ka ng hila at mas lalong mapasama.
      minsan kailangan mo din isipin ang saranggola na parang totoong kaibigan, wag msyadong hila ng
      hila, dahil hindi lang ikaw ang iniisip nya, alalahanin mo mas malakas ang ihip ng hangin sa itaas na kinakalaban nya, hindi katulad kung saan ka nakatayo ngaun.

  5. Pong says:

    Ako ang Superbeys!

    • Pong says:

      Alam mo kung ano kung gusto ko sa entry mong ito?
      Heto:
      “Ang saranggola para lang din isang kaibigan, kung gusto mong maabot nito ang langit, hayaan mo na kumawala ang pisi. Hayaan mong hagkan nito ang mga ulap, hayaan mo itong pumaitaas at magsayaw, pero kapag alanganin ng umentang. Wag kang mawawala, at tulungan mo itong pumaitaas muli.” “Mawala man sa iyong paningin, hindi mo man makita, basta wag mong bitawan ang pising nagkokonekta sa inyong dalawa.”

      Hindi mo man sila muling makita tandaan mo lang na kailanman walang bitawan sa pisi na nagkokonekta sa mga magkakaibigan.

      Affected ako sa post mo! Hanggang college kasi ako nagpapalipad ako ng saranggola. At binubuo ko pa ang entry ko para sa SBA.

      Be blessed kuya MB!

  6. mahilig akong magpalipad ng saranggola nung bata ako. kasama kong gumagawa ng saranggola yong kuya ko. masarap nga. ang pangarap ko nun paliparin ang saranggola ko sa lampas ng mga ulap.

  7. -=cuteberl=- says:

    Hays… isang malungkot na entry pero isa sa pinakagusto ko. Medyo maluha luha ang mata ko ngayon. naramdaman ko ang importansya ng pagkakaibigan sa posteng ito. Salamat..

  8. taga-bundok says:

    hmn… nalungkot ako kasi sobra akong naka-relate sa palipat-lipat na tirahan. maski dito sa disyerto ganun pa din. palipat-lipat.

    kadalasan laging mas bata ang kalaro ko. kahit seventeen na ako nuon, nasa 6-12 years old mga kalaro ko. laging ganuon, 11 years pababa ang agwat.. . laging kuya anjong… kuya anjong… kaka-miss. ;(

    anyway, yun lang. gusto ko yung palitan niyo ni dan ng kumento. quote / unquote ko na rin yung ” ang saranggola paralang din isang kaibigan…” ^^

    ingat. bawal magkasakit. ^^

  9. Sphere says:

    Nalungkot ako sa post na to:-( palipat lipat ng tirahan at palipat lipat din ng kaibigan :-( nong bata pako naranasan ko din lumipat kami ni Nanay ng tirahan yung salbaheng Prinsipeng Engkanto kasi ang bata bata ko pa gusto na ko asawahin kaya ayon napilitan kming lumipat ng lugar (Paunawa: sakitin kc ako nong bata pako at naniniwala si Nanay na naeengkanto ako dahil super cute ako sabi pa nong matatanda don sa baryo namin type daw akong gawing prinsesa nong kaharian ng mga engkanto kaya ayon lumipat kami ng lugar ahahahaha o ayan nakwentuhan na kita :-)
    :-)

    • hahahaha. nalungkot ka ba? acheche, pang ilan ka na sa nagsbi nyan. mali ata ang pagkakatuon ko ng mga salita, hayst. naramdamn mo din ba na me pag asa? waaaahhh.. haahahha. tlga? dati naniniwala ko sa mga ganyan, ngaun din naman pero hindi na ko nattakot, mas natatakot na kong madebit ang ang card ko. hahaha :) maraming salamat sa pagdating cute na kinagigiliwan ng mga prinsipe ng mga engkanto. hihihihi.

  10. J. Kulisap says:

    Kaya pala nagpaparamdam ang butiki sa kisame may saranggola siya.

    Mga taong pinagdugtong ng saranggola, mga koneksiyong hindi pwedeng ma-entang dahil sa pising nag-ugnay diyan sa puso. Mga alaalang nanahan ng matagal na panahon. Mga masasayang alaala ng kabataan at pangarap.

  11. jason says:

    “Simula non wala na akong narinig na balita sa kanila katulad ng pising naiwan sa akin hindi ko na sila nagawang nakausap pa.”

    - ang hirap ng ganito di mo alam kung san ka magsisimula ulet. mangungulila ka talaga sa mga taong nawala ng walang bakas na iniwan.

  12. poot says:

    Aww, sad naman nun. May kadugtong ba? Sorry, gusto kong malaman yung kasunod eh. :))) Real life story?

  13. ganda ng kuwento mo igan. tali ng pagkakaibigan ng nakaraan napakasarap alalahanin. pati ang tugtog mo umaayon.. salamat pala sa pagdalaw mo sa aking baul.

  14. great entry! noong maliit pa ako, expert ako sa paggawa ng saranggola together with my bro. bonding namin yan. ngunit, ewan ko if marunong pa ba ako ngayon. hehe.

  15. lio loco says:

    “Ang saranggola para lang din isang kaibigan, kung gusto mong maabot nito ang langit, hayaan mo na kumawala ang pisi. Hayaan mong hagkan nito ang mga ulap, hayaan mo itong pumaitaas at magsayaw, pero kapag alanganin ng umentang. Wag kang mawawala, at tulungan mo itong pumaitaas muli.” “Mawala man sa iyong paningin, hindi mo man makita, basta wag mong bitawan ang pising nagkokonekta sa inyong dalawa.”

    panalo ang mga linyang ‘to! o eh marami-rami na rin pala ang nakapag-sumite ng entry nila sa sba. sasali rin ako! hehe. \m/

  16. Mars says:

    hooops! nakarating din ulit dito, napadpad muli, teka saglit ha, sa mga nagnanais na magkaroon ng saliring portfolio website, ito na yun http://www.orphicpixel.com/premium-accounts-from-wix/

    kumusta naman dito?

  17. Arnie says:

    ayun gising na gising nga sya..hehehe

    parang hinehele ako ng background music habang nibabasa ko sya…:-)

    magpigtal man ang tali ng naturang saranggola mananatili syang parte ng maligayang sandali habang hawak hawak mo ang pisi nagduduktong sau at sa kanya…gayondin ang sa inyo ng mga kaibigan mo lalo na si kuya obet…

  18. jason says:

    kuya question. pano yung may embed na music sa post? di ko magawa sa site ko eh T_T

  19. wow saranggola. nung bata ako nakapagpalipad na din ako nyan. gawa sa papel na brown (supot ata ng pandesal yun) saka tingting tapos paste. ang sarap ng feeling pag naglalaro nun kasama yung ibang mga bata. sana nga ngayon makapagpalipad pa ulit ako nun. nakakalungkot naman na di mo na sila ulit nakita. malay mo inaantay din nila pagbalik mo. malay mo gusto din nila makalaro ka ulit. malay mo naman di ba? hehe..

  20. busyok says:

    hi mark.paramdam mode lang ako.haha

  21. [...] tuyongtintangbolpen. cuteberl. toyangxcore.  batangmangyan. batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. [...]

  22. lio loco says:

    hiatus mode na naman? tae, ikaw na. ikaw na ang hari ng mga hiatus, mb.

  23. J. Kulisap says:

    Wala man lang bagong poste Totoy?

  24. Nors says:

    Hi butiki na macho, ang galing ng background music mo. like it. Thanks for your encouraging words on my blog. Keep on blogging — you have it in you.
    And yes, the saranggola ay magandang tingnan at i-relate sa buhay, sa childhood, the good times.. Regards….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: