The Need to continue…

April 11, 2010

Oh yes, I am still alive, after a month of having my blog closed down. Ito ako at nagbubukas bahay na naman. Maraming salamat sa mga kaibigan ko sa mundong ito.

Ito ang bago:

Ang inyong lingkod ay may bagong trabaho na after a couple of month ng pagiging bum. I’m back in the Market Place. At ang maganda, hindi restricted ang blogsite. APir!!! Yeepee, pero dahil under probationary pa rin ako, kailangan kong patunayan muna na I am perfectly fit sa position ko. Masaya ang aking work, I got to learn new things, meet new intelligent people and it really feels like family.

Pangalawa,

I am so happy na natupad ko din ang plan ko na makarating ng baguio. Apir!!! Sobrang lamig ng Baguio at babalikan ko siya kapag may nakita na kong pwedeng isama!

Pangatlo,

Namiss ko kayong lahat, sobra. Hindi nyo lang alam kung gaano ko kayo kamiss. Sobra sobra.

Pang-apat,

Hindi po totoo ang kumakalat na balita na, kinuha na po ako ng mga aliens sa kalawakan o ang kumakalat na balita na nag – artista na ko bilang pa extra extra sa mga pelikula. No, no, no. I just took time to reconsider some things.

Panglima

Sobrang dami kong natutunan, at gusto ko silang ikwento sa inyo lahat. In a way na di boring at still inspirational pa rin. Hmmm. Pero paano ko nga ba sisimulan ulit. Hehehe.

At higit sa lahat….

Magpopost na ko palage. Heheheh. Joke lang. Hehehe.

Namiss ko lang kayo.. kaya naman andito ko ulit. Hehehe.


Sampung araw bago ang lahat…

February 20, 2010

Paano ko nga ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko sayo? Sa lahat na ata ng nakatabi ko ikaw na ang pinaka matalino at maabilidad. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko ano daw ba kasing nagustuhan ko sa isang katulad mong nerd? President ng section 1, EIC ng school publication, Champion ng Declamation, eh halos wala nga daw akong panama sayo. Pero lahat yun, iniwasan kong sagutin, kasi alam ko namang ayaw mo ng issue. Kaya naging tahimik na lang ako.

Isang araw pinag baon ako ni mommy ng pandesal na may palamang keso. Nahihiya akong ilabas yun sa bag nong una, pero dala na din ng gutom, nilabas ko, nahuli kong nakatingin ka sa akin at sa napakalaki kong kagat. Napangiti ka ng pagkatamis tamis at natunaw na lang ang puso ko, ngiti na lang din ako sabay alok ng baon. Natuwa ako dahil pagkatapos kitang alukin ng ilang beses, tinanggap mo din ang isang pirasong pandesal.

Sumunod ang ilang araw at ang dating ayaw kong baonin, palagi ko ng dinadala para sayo. Halos araw araw din akong nagdadala ng pandesal dahil don ko napapakitang mahal kita. <ano ba bat ba ngiting ngiti ako pag naalala ko yun>.  Nagsimula na din akong tanungin ni mommy bakit daw ang dami kong dinadalang pandesal, kinakain ko daw bang lahat yun? Napangiti na lang ako kasi alam ko may pinupuntahan ang mga pandesal na yun.

Hanggang bumulwak ang issue ng dahil lang sa baklang pakeelemerang katabi natin. Alam kong hindi mo yun nagustuhan, pero mabilis na kumalat ang balita, nasira ang lahat ng meron tayo. Mas gusto ko talagang gawing sekreto ang tayo pero huli na ang lahat. Sinimulan mo kung iwasan, sinimulan mo kong irap irapan, at hindi mo na tinanggap ang pandesal na araw araw kong dinadala.

Lumipas ang maraming linggo at hindi na tayo talaga nagkausap pa. Dumating ang post valentine celebration sa ating paaralan. Tanghali na kong gumising, walang pera kaya walang handa.  Binigyan na lang ako ng 300 ni mommy, kaya naman umalis na ko alas tres pa lang para bilhan ka ng red rose. Alas sais na ko nakarating sa event. Hinanap kita agad at iniiwasan mo pa din ako.

Matapos ang lahat  ng ngyari, hindi ko na ginawa ang pangako kong first dance dahil alam kong ayaw mo na non. The next thing I know, ang mga kamay ko’y nasa mga bewang mo na  at sinusudan ang malamlam na saliw ng musika. “Bakit?!!  <silence> Wag mo kong taluhin!!” Bigla mo kong sinigawan, bigla kang lumuha, bigla kang umiyak, bigla ka na lang tumakbo papuntang CR, umiiyak, humahagulgul. Sobrang nasaktan ako ng araw na yun kaya hindi kita pwedeng kalimutan dahil ikaw ang unang bumasted sa akin, at sa pambihirang pagkakataon ang lahat ng mga kaganapang ito ngyari sa aking KAARAWAN. hahaha. Basted!!!

Bakit? Bakit ayaw mo na ba ng pandesal ko? Ayaw mo na ba ng keso? Ayaw mo na ba ko? hahaha. ang adik ko at nainlove ako sayo Atty. 🙂 hahaha.  Peace!

Save me by Josh Verdes.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

Asan HOME mo?

February 11, 2010

Main Entry: 1home
Pronunciation: \ˈhōm\
Function: noun

1 a : one’s place of residence : domicile b : house
2 : the social unit formed by a family living together
3 a : a familiar or usual setting : congenial environment; also : the focus of one’s domestic attention <home is where the heart is> b : habitat

——————————————————————————————————————————-

“Pagod ka na siguro? Gusto mong umuwi? Sige, san ba bahay mo?”

Naalala ko ang isang kaibigan mula sa nakaraan, siya lang naman ang nakausap ko tungkol sa ganitong bagay. Oo, maituturing na emo, sa lahat naman ng pwedeng pag usapan, ito pa ang napili niyang topic. Gayunpaman, natuwa ako sa taong ito, dahil dalawang buwan bago maantala ang aking pag fly fly. Eh nagkaroon kami ng matinding diskusyon. Hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin sa HOME.

A home is not a house, neither having a house doesnt mean having a home. So asa bahay ka na ba? Nong isang araw lang muli ko siyang nakausap, iba na ang pananaw niya sa aking sinasabing home. Kahit dati pa man, alam ko na ang kaibigan kong yun nag hahanap na ng home (for the aged). A place kung saan mararamdaman niya lahat ng pagmamahal at pag aaruga, a place kung saan may tinatawag na pamilya, kung saan meron inang yayakap sa kanya sa oras na kinakailangan niya ng comfort, a place na kung saan may amang mag sasabing “kaya mo yan anak at susuportahan ka namin,” a place kung saan meron kapatid na makakausap, makakasama at makakakulitan. Hanggang ngayon in search pa din siya.

Lahat tayo nagmamadaling lumalaki, lahat tayo gustong makatulong sa ating minamahal, lahat tayo gusto nating yumaman, lahat tayo gustong makatikim ng ginhawa, lahat tayo may kanya kanyang ambisyon.

Langoy! Hinga! Langoy! Hinga! Halos lahat tayo pinipilit lumangoy papunta sa tagumpay. Pero paano kung sa muli mong paglingon ay hindi mo na makita ang iyong pamilya. You can’t see them, only a wide spacious blank panorama lang ang tangi mong natatanaw. Walang pamilyar faces, only same people struggling to swim to reach their goal. Suddenly, you realize, nag iisa ka na lang. Some started to drown, some accepted the fact na everything’s is meaningless but for some their  friends helped them.  You started to swim with other people, you gain friends and enjoy the company but is it enough? Can they fill that entire vacuum in your heart?

Narealize ko halos wala din pala kaming pinagkaiba ng kaibigan kung yun, we are both in search of that intensely desired home, yun nga lang sa magka-ibang planes and figures. I miss my home, do you miss it too? Where is your home?

Home by Josh Verdes.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net


Ang Love-oh mo!!!

February 4, 2010

Ang pag – ibig ay parang investment.weh?
You give even if malaki ang possible risk.totoo di ba?
You offer it because you know may pinupuntahan ito.meron nga ba?
You keep it dahil it becomes apart of you.yes, apart of your shit!!!
You show it because it also makes you happy.and sad

Ang love daw walang measure, pero kayang icompare.kahit dati naman di ba?
Ang love daw walang expiration date, pero may sawa effect.o umay effect.
Ang love daw walang pinipiling tao, lugar, o pagkakataon.di ba? it makes you blind
Ang love daw pwedeng mababaw, pwedeng malalim o tama lang.leveling baga

Sa rule ng pag-ibig dapat kung paano ka daw tumanggap ano ka siniswerte?
Marunong ka din daw dapat magbigay. Kung paano niya ibinigay lahat lahat at
ipinaramdam sayo lahat ng pagmamahal matutu kang ibalik ito.
At kung hindi mo kayang tapatan lahat ng iyon, dalawa lang
yan. it’s either igive up mo na lang or matutu ka talagang bumawi.kung ako papipiliin aukong mag give up, kaya bawi na lang. hehehe

Sobrang sarap magmahal at sobrang sakit din masaktan. sweet misery ika nga
Sobrang nakakatuwa din kung paano nito paikutin ang mundo specially ang balunbalunan, intestines, at fatty acids mo sa katawan.
at kung paano nito kalukutin at kilitin ang iyong nararamdaman. pati nerve ending ng pinakaiingat ingatan mo.
Sobrang sarap din kung paano nito, paduguin ang iyong nguso,puso yan. hahaha
pigain ang naglulupasay mong eyeballs, at parusahan ang
nagdadamdam mong hypothalamus.at kahit ang pinakadulo ng pilikmata mo masasaktan.

Sa iba ang pag-ibig ay parang game, kailangan sila ang bida at ikaw ang slave
palaging nanalo, sila palage ang nakakataas. Sa iba, ito ay kalokohan talaga
laro lamang talaga na kapag nagsawa. Ang matalo, magbabalasa ng milyon milyong
ng pira piraso mong anemic na puso.

Pero sa huli, lahat yun, ay isa lamang business.monkey business pa nga eh.
Katulad ng lahat ng business,may Return of Investment.wag kng mag asam kung mababa ang ininvest mo, hindi yan magtatagal
Pwedeng i withdraw na lang, pwedeng patulugin na lang
pwede ring iinvest ulit, pwedeng palaguin pang mabuti
at pwede ring mag file ng bankruptcy.

Ikaw, ano ang pag ibig sayo?

Happy Hearts day to everyone.. =)♥♥♥

I know you are reading this post at huli ka dahil one wrong move.
Mahuhuli agad kita. hehehe. Handa mo na ang budget mo dahil
lintik lang walang latay sa birthday ko. wahahaha.


Deep – Binocular.mp3

get more free mp3 & video codes at www.musik-live.net

Bibigyan kita ng 525,600 (basahin kung paano gagastusin)

January 6, 2010

Pano kung sa isang araw bibigyan kita ng 1440 pesos para gastusin yun kung san mo man gustuhin. Panigurado abot abot ang kasiyahan mo. Ito pa ang rule ko, bawal magtira o magtabi at bawal din i-bangko. Dahil ang bawat kusing na matitira magiging gummy worms, tapos in 3 seconds magiging garapata. Wala na kong pakialam san mo man ito gastusin, basta asahan mo makakareceive ka sa akin ng 1440 everyday of your life. Ok ba yun?

San kaya kita makikita? Sa Pier 1? Sa Wensha? Sa MOA? Sa EcoPark? Sa Ssbarro? Sa Divisoria? Sa Savemore? Sa Baguio? Paano mo kaya gagastusin ang buong 1440 sa isang araw? Ang sarap sigurong magkaroon ng 1440, para gastusin lang tapos kinaumagahan may 1440 ka na naman ulit, di ba? tapos sa isang buwan may 43,200 pesos ka, ang lakas mo, daig mo pa ang kita ng halos pitong minimum paid worker sa isang buwan. Tapos 525,600 pesos kada isang taon. As in, kalahating milyon ang mahahawakan mo bawat taon, ewan ko na lang kung hindi ka pa masiyahan sa offer ko.

Ito panuorin mo para mas lalo tayong magkaintindihan.

O ayan, paano mo gagastusin? 2010 na. Hindi ako ang nagbigay ng 525,600 kaya wag mong kalimutang magpasalamat at wag mo rin sanang kalimutan na mahalaga ang bawat isang pagkakataon sa mga ito. Huwag sayangin. =)

Maraming Salamat sa pagbabasa.


Ang tambol ni Patrick.

December 6, 2009

 

 Naalala ko nong nasa gulang pa ako ni Patrick na aming pitong taon gulang na kapitbahay, gumawa din ako ng tambol, gamit ang plastik ng sm, ang tatlong lata ng gatas ni ontoy, sang katutak na goma at dalawang barbeque stick. Inalis ko ang pwetan ng lata, saka binanat ang plastik at pinantakip sa kabilang butas tapos pinuluputan ng maraming maraming goma, linagyan ko din ng goma ang dulo ng barbeque stick. Viola!!! nakagawa ako ng isang drum set. Hehehe.

Kung may isang bagay akong gustong gawin at balikan tuwing christmas season iyon ay ang mangaroling kasama ang mga kalaro kong sila otoy, si willyjeff, si marby, at celine. Yun yung mga oras na hindi pa nagkakasakit ang bayan at halos araw araw nakaka singkwenta kami sa pangangaroling. Kung san san kami nakakarating at halos lahat ng aming kantahan nahuhumaling (weh?). Para kaming mga cassette recorder na paulit ulit ng kinakanta, walang kasawa sawa, haharap sa pinto ng bahay, sabay kanta, ….saming bahay ang aming bati meri xmas, nawawalhati, panigurado kasunod na non ay …… jingals bels jingal bels, jingal ol the way, owis pan di istorayd and da wanders open say. Hey!!!  Repeat until they give you money. Hahaha. Feeling ko non dati kami na ang may mga pinakamagandang boses, pinaka hi tek na instrumento, at pinaka malaking kumita.

Lahat yun naalala ko dahil lang sa tambol ni Patrick na ginagawa niya kanina. Marami na din nagbago simula ng pasko iyon, dati ang simple pagkanta ng jingal bels ok na, kahit pa wala sa tono, accepted na, hindi ko na din nakita sila celine, alan, marby at willyjeff simula ng lumipat kami ng bahay. Asan na kaya sila ngaun? Mangangaroling pa kaya sila? Nakagawa na kaya sila ng tambol at karakas nila? Anong oras kaya sila lalabas? Ikaw mangangaroling ka ba mamaya? Sama ako…. basta ako ang drummer, hihiramin ko ang tambol ni Patrick.

maligayang pasko sa iyo kaibigan… =)


Ang usapan namin ni…..

October 26, 2009

 

“O bakit ang aga mo atang umuwi?”

“Napagod ako eh, daming ginawa sa office. Nakakastress, kaya umuwi na lang ako.”

“O, kala ko ba mag uusap kayo ni kuya Drew?”

“Tinamad na ko sa sobrang pagod eh, gusto kong magpahinga, gusto kong mahiga, tapos matulog na lang.”

“Kumain ka na ba? Kain ka muna kaya?”

“Kumain na ko sa labas, nagyaya kasi mga kaoffice mate ko kaya kumain na din ako?”

“Ah, kaya pala. Nag email pala si Mommy mo, sabi niya ilang araw na lang daw nasa Pilipinas na ulit ang Daddy mo. Tatlong taon mo din siyang hindi na kita di ba?

“Oo nga eh, miss na miss ko na siya, namimiss kong yakapin yung botchog nyang tyan, namiss ko din yung paghihilot nya sa likod, sa paa, sa kamay, at sa ulo ko kahit na magaspang ang mga kamay non.”

“Mukha nga, ano susunduin mo ba siya sa airport?” Mag aabsent ka ba?”

“Hindi, ayaw ni daddy ng ganon, gusto niya ng susurprise. Saka kasama niya naman si tito kaya ok na yun.”

“Kahit na, para naman magamit mo din mga koneksyon mo sa airport.” “Two weeks lang pala sila dito eh, ang bilis naman ata, bat hindi na lang sila mag pasko at new year dito?”

“Yun nga rin sana gusto ko kaso depende pa rin, sabi sa akin ni Mommy dati, baka daw tumagal sila kasi aantayin ulit yung LMO dito, kaso nong huli kaming nag usap talagang two weeks lang daw.”

“Baka naman isasama ka na pagbalik nila?”

 

“Nyak, medyo malabong mangyari yun, una, wala pa yung papers na inaantay namin ni kuya, pangalawa, may kontrata pa ko hanggang december, pangatlo, hindi ganon kadaling bumili ng ticket.”

“Wosho, MB, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan, baka nasa kanila na yung papers na inaantay mo at si daddy mo ang magdadala, pangalawa, bakit wala ka naman bond sa trabaho mo ah? Pangatlo, pera lang yun, kilala ko ang kapasidad ng daddy mo at mga kapamag-anak mo don.” Ang tanong kung sasama ka na ba?”

<Sigh> <bahagyang ngete.>

“O bat napabuntong hininga ka dyan? Tapos nangite ka pa? Bakit ayaw mo pa ba sumunod don? Di ba matagal mo ng pinagprapray yan?

 “Oo naman, kaso…”

“kaso???”

<silence>

“eh ano bang pumipigil sayo?”

“Marami, friends, bachelor’s life. Ayun, Alam mo, minsan kasi sa tagal ng pag aantay mo, parang you start to let go? Lam mo ba yung pakiramdam na yun? Ganon, parang sige, come what may.”

“Hindi naman siguro, tingin ko naging defense mechanism mo lang na sinasabi mo yan dahil ayaw mong mafrustrate kapag di ulit dumating on time ang mga inaantay mo. Kilala kita, Hindi ka madaling sumuko.”

“Siguro nga, pero ayun, minsan kasi nakakapagod ng mag-antay. Kaya mas pinipili ko na lang magpakabusy sa ibang bagay, mali ba yun?”

“Kung ako ang tatanungin mo, ok lang naman yan, mas maganda nga yan kasi tinutuon mo ang atensyon mo sa isang bagay para hindi ka mafrustrate, pero ang pagkakamali mo lang, medyo pinababayaan mo ang sarili mo.”

“Ganon? Paano mo naman nasabi?”

“Bakit ka nagkakasakit?”

“Hahaha, Kaya nga nagpapagaling na eh.”

“Wow, totoo ba yan? Iniinom mo ba yun medicines mo?”

“Opo, ito na nga hawak hawak ko eh. Abot mo nga yung tubig please…”

“O,. Ikaw nga mag-ayos ka nga, wag mong hinahayaan kainin ka ng kalungkutan mo, palagi ka na lang nag eemo hindi naman bagay sayo. Saka pwede ba, hindi lahat ng sinasabi ng utak mo ay tama at totoo, guard your thoughts.”

“wahahaha. Hindi naman ah”

 

“Anong hindi, tignan mo nga yang PSP mo punong puno ng “the fray” at mga ibat ibang melancholic songs.”

“hahaha, ewan.”

“Ano sasama ka na ba sa daddy mo?”

“Hindi ko alam eh. Siguro pag andyan na lang yung papel saka ko magdedecide.”

“Gusto mo na ba?”

“Hindi ko nga din po alam kung handa na ba ko, para kasing nag aalangan pa ko.”

“Basta sabihan mo ko kapag nakapagdecide ka na ha?”

“Opo, basta tulungan mo pa din ako,”

“Oo naman, kaw pa!? Hayaan mo bukas paggising mo magugulat ka na lang ginigising ka na ng daddy mo.”

“Sana nga.”nice sound

“Mabilis na lang yun.”

“Opo, sige tulog na po ako.”

“Ok, tulog ka na mahimbing. Dont forget to pray, because Bro is so excited to talk with you. Basta kung gusto mo pa rin ng kausap dito lang ako, ok? Basta kalabitin mo lang ako, basta ang rule lang natin…”

“Oo, lam ko na, wag na wag tatalikod pag nag-uusap… o sige na, patayin ko na yung ilaw…”

“Jesus loves you so much. Goodnight pogi!!! hahaha”

“Wag ka na! Epling ka! Hahaha”

“O sige na tutulog na ko, bukas na lang ako ulit haharap sa salamin. Apir!”

“Apir!”